Part 11

3 0 0
                                    

Kinabukasan at ilang linggo pagkatapos nun. naging busy si Manuel. hindi ko alam kung iniiwasan niya ko o kung talagang nataon lang na busy siya at madaming kaganapan sa business niya. 

inabot din ng halos isang buwan bago siya mismo ang bumisita sa kuwarto ko para makamusta ako? mukha siyang pagod pero nakikita din sa kanya na masaya siya.

nilapitan ko agad siya para yakapin at sinamahan ko siya sa kama. habang nakahiga siya at nakapikit ay kinausap ko siya.

"Masyado kang naging busy nitong mga nakaraang araw"

"mmm." matipid niyang sagot. at dahil hindi na siya nag salita. agad akong pumunta sa kusina. nagpainit ng tubig para mabigyan ko sya ng tsaa at mapunasan. gusto kong kahit papano ay marelax siya kapag kasama ako.

halos patulog na siya ng nakabalik ako sa kuwarto, dahan dahan kong tinanggal ang damit niya para masimulan ko siyang punasan. 

habang pinupunasan ko sya. tsaka siya nagsalita na para bang may nakalimutang sabihin. 

"Hanna, hindi ko pa pala natatanong sayo kung anong gusto mo?"

napangiti ako. alam kong hindi niya ko asawa pero kahit papano ngayon mahalaga na ako sa kaniya. kahit konti lang.

" gusto ko sanang magkaron ng business" 

"ano?" 

"GUsto ko ng Club. yung tipong club na kukuha ng mga katulad ko tapos tutulungan sila, para maiwas sila at hindi na matulad sakin."

"Bakit? Ayaw mo ba sakin?" pagalit na sagot nito

"Hindi. wag kang mag isip ng ganyan. aaminin ko, nung una oo, kasi talagang nasaktan ako. pero ngayon, malinaw na lahat. hindi na ko umaasa at tanggap ko na din yung sinabi mo. masaya na ko" paliwanag ko

"pero sana manuel, payagan mo kong magpadala din ng pera sa mga magulang ko sa probinsya. alam kong nag aalala sila sakin kasi wala na silang balita tungkol sa nangyari sakin. tsaka hanggang ngayon, naghihirap pa din sila" dagdag ko 

malalim na nagbugtong hininga si Manuel. alam kong medyo malabo ang hiling ko dahil alam kong iniisip niyang pagnakita ko ang mga magulang ko, pwedeng hindi na ko bumalik sa kaniya. pero mahalaga pa din sakin na malaman nilang ligtas ako.

niyakap ko siya ng mahigpit. "please Manuel. kung iniisip mong pagnakita ko sila eh hindi ako babalik sayo. nangangako ako, sasama pa din ako sa'yo" 

"next week, libre ako. puntahan natin lugar mo"

sa sobrang tuwa ko, hinalikan ko siya ng sobra! kahit man lang sa halik, maparamdam kong malaki ang pagpapasamalat ko sa kaniya.

BUMALIK NA KO SA PROBINSYA KO..

 halos hindi pa din nagbabago. simple pa din ang buhay ng mga tao doon. ganoon pa din ang bahay ng mga magulang ko. 

nagtaka sila ng makita nilang may pumarada sa harap ng bahay namin. hindi ako agad bumaba. tinignan ko muna si Manuel. sinenyasan ni Manuel ang driver at ito ang nagtanong.

"Tatang, dito po ba yung bahay ng parents ni miss Hanna?"

ang tatay ko ang sumagot. siguro narinig ng inay ang pangalan ko kaya patakbong lumapit iyon sa kotse. hindi kami nakikita dahil tinted ang kotse ni Manuel. naramdaman ko si Manuel na hinawakan ng mahigpit ang hita ko. nakita niyang pinipigilan kong umiyak

"opo ser. ako po tatay ni Hanna at siya naman ang misis ko. kaso ser, ang tagal na ho naming hindi nakikita o nababalitaan ang anak ko" 

"Baka naman ser, may alam kayo. pasensya na po. talagang gustong gusto ko ng makita anak ko" pagmamakaawa ni nanay

sumenyas si Manuel para payagan akong lumabas. kaya dali dali kong binuksan ang pinto. tumakbo naman agad sila inay at tatay papunta sakin habang humagagulgol.

"Kaw bata ka! anong nangyari sayo? bat di ka nagparamdam o nagbalita man lang. para mo kaming pinapatay ng inay mo" sambit ni tatay habang mahigpit na nakayakap sakin

"ayus lang anak.. ang mahalaga, ligtas ka. hindi totoo yung naiisip namin ng tatay mo. yun ang mahalaga. buhay ka" hagulgol naman ni inay

halos makalimutan ko ang lahat ng nakapaligid sakin. Pero alam kong limitado lang oras ko sa kanila at baka biglang magbago ang isip ni Manuel.

"inay, may ipapakilala po ako sa inyo kung pwede po. ang haba din ng biyahe namin."

"ay sige, naku nakalimutan kong asa labas tayo. Halika nat. sino ba ang kasama mo?"

para namang iyon ang senyas kay Manuel kaya kusa siyang lumabas sa kotse.

natahimik ang mga magulang ko habang nakatingin sa kaniya at lumapit naman si Manuel sa kanila.

Nagulat na lamang ako ng bigla ITONG NAGMANO SA KANILA!

"Ako po si Manuel, Fiance ni Hanna" maikling sagot nito

sumenyas na lamang sila tatay para pumasok sa bahay

mahaba ang naging kwentuhan namin para mapunan ang mga nawalang panahon ko sa kanila.  binigyan ko din si Manuel ng mga pagkain na sa lugar lang namin ginagawa at barakong kape. nasarapan siya sa kape. 

nakakatuwang makita na relax ang itsura ni Manuel. yun nga lang hindi ako sigurado kung totoo iyon. 

ngunit si itay ang seryosong nagsalita.

"Mawalang galang na sa'yo ha Manuel. kaso, may nakaraan si Hanna. ayoko na sanang balikan yun, pero mahalagang malaman mo iyon bago mo masabing mahal mo talaga ang anak namin. isa pa, ikinasal na siya" kitangkita na sa mata ni itay ang sakit

"Huwag ninyo na pong ituloy. ako mismo, ayoko ng ituloy yung sasabihin nyo." panimula ni Manuel. pagkatapos ay ipinatawag niya ang kaniyang driver at inabot nito ang isang sobre

" alam ko ang lahat ng nangyari sa anak ninyo. at ayoko na siyang masaktan. andito kami ngayon, para ipaalam na maganda ang buhay ngayon ni Hanna. hindi na kailangan pang balikan yun."

"Isa pa," ibinigay ni Manuel sa akin ang sobre at pinabukas

" Ayan din ang ang katunayan na wala ng bisa ang kasal niya sa una niyang kasal" ang maikli niyang paliwanag. at yun din ang nakasulat sa papeles ng annulment papers! nanginig akong binasa ang dokumento habang umiiyak. niyakap ako nila tatay at inay. pagkatapos ay lumapit ako para yakapin si Manuel. hindi ko inaakalang magagawa niya ito para sa akin. 

"Thank you Manuel"

binulungan ako ni Manuel "Call me hon at ayokong mapahiya. kung hindi, aalis agad tayo" it was a sweet threat!

napatungo na lamang ako habang mahigpit na nakayakap sa kaniya.

halata na ang pagod kay Manuel. At natatakot akong bigla na lang siyang magsabi na aalis na kami. buti na lamang at napansin din iyon ng mga magulang ko.

"mukhang malayo pa pinanggalingan nyo, mas maganda siguro kung magpahinga na muna kayo. madami pa nmaang araw para ituloy ang kwentuhan"

"wag kang mag alala anak, maayos at malinis yung kwarto mo.dahil alam naming uuwi ka"

nakarating kami agad sa kwarto. nagpalit na din kami ng damit pang tulog. mukhang pinagplanuhan niya talaga ang pagpunta dito.

habang tinitignan ko siya, iniisip ko kung papano ako magpapasalamat sa kanya. ang isamg taong meron na ang lahat.

niyakap ko siya at hinalikan. "salamat sa lahat. hindi mo alam kung gaano mo ako napasaya"

"ilibot mo ko sa lugar mo at alagaan mo ko. dun ka makakabayan sakin"

Confessions of HannaWhere stories live. Discover now