Kahit labag sa loob ko noong una, sinunod ko ang payo sakin ni Rhea. Pagkatapos naming bumalik sa kuwarto nila Manuel. Nakatingin ito sakin at pinaupo ako sa hita niya. "Ano, nakapagisip ka na ba ng maayos?" tumango lang ako nun. "Sorry babe, hindi na mauulit, promise magpapakabait na ko sayo. Basta alagaan mo lang ako"
dun siya natuwa, hinalikan niya ako kahit nasa harap pa kami ng ibang mga tao. Kahit na nakakailang, hinayaan ko na lang. Alam ko namang hindi agad maniniwala si Manuel sa bigla kong pagbabago kaya kailangan kong patuloy na ipakitang nagbago na ko para sa kanya.
Hinayaan ko siya sa lahat. Ipinupunta niya ko sa mall. Bibilan ng mga damit na siya mismo ang pumili, minsan parang hindi na nga damit ang tingin ko, parang saplot lang o kaya kurtina. Gusto niya nay un ang isusuot ko pag umaalis kami, may party siyang pupuntahan. May panahon din na tinitignan niya kung ano ang reaksyon
Pagkatapos nun, naging maayos na lahat. Tanggap kong, ayaw magkaron ng anak ni Manuel kaya nagingat ako. Hindi ko man gusto ang paniniwala niya. Naging maluwag na din siya sakin. Nalaman niyang nakapagtapos ako ng Bachelor kaya kahit papano nagkaroon siya ng respeto. At yun ang gusto kong dumami sa kanya.
ANG RESPETO SAKIN.
Dahan dahan. Hinahayaan niya ako bagaman nakabantay siya. Hindi naman ako gumagawa ng pupuwedeng ikaalis ng tiwala niya sakin.
Dumating na yung time, na isinasama na niya ako sa mga party na pinupuntahan niya. Ipinakikilala ako sa mga mahahalaga at maipluwensyang tao. Ipinupunta sa mall at pinapamili ng mga gusto ko.
Kapalit naman non: inalagaan ko siya.
Sinisigurado kong, mararamdaman niyang buhay hari siya. Nilulutuan ko, minamasahe ko, lahat!
Kaya isang araw nasabi niyang napamahal na daw ako sa kaniya. Hindi ko alam kung anong ibigsabihin nun. Pero pinabayaan ko lang.
Nagkaron ng pagkakataon na pagkatapos namin magsex, tinanong niya ko: Bakit ka ba napunta sa ganitong linya? natahimik lang ako.
masakit na balikan ko pa yung mga pangayayaring yun. pero naghihintay siya ng sagot. at alam kong hindi niya gusto ang naghihintay.
kahit nanginginig ang buong katawan ko. ikunuwento ko ang buong buhay ko. kahit masakit! hindi ko masabi sa kaniya na pakiramdam ko, binabalatan ulit at tinutungkab lahat ng sugat ko. hindi ko matuloy ng maayos ang kwento ng hindi nangangatog ang boses ko at umiiyak.
alam kong hindi ito dapat ang buhay ko.
ano bang masama sa pangarap kong sumagana ang buhay para sa mga magulang ko? na magkaron ng isang masayang pamilya? masama ba ang hiling ko?
pagkatapos ko magkwento, matagal kaming natahimik. wala siyang ibinigay na reaksyon sakin. tinitignan ko siyia, pero wala akong makitang emosyon.
alam kong iniisip niya kung totoo ba ang mga sinabi ko. at hindi ko siya masisisi kung hindi siya maniwala sakin.
pagkatapos nun, pinatulog na lang niya ako at dumeretso sa study room.