Part 8 TRAYDOR

3 0 0
                                    

Dahil buntis nga ako, nagkakaron na ng time na lagi na kong napapa absent dahil sa sama ng pakiramdam ko. Pero imbis na makaramdam ako ng pag aalaga, halata naman sa mukha ng magaling kong asawa ang pagkaasiwa. Siguro naalala pa din niya kung papano siya napahiya dahil sa ginawa niya at hindi siya marunong magpigil ng kalibugan niya. Hanggang sa manganak ako. Lalong kita sa kanya na hindi niya gusto ang pamilya na meron siya. Kahit bagong panganak ako, pinaglalaba na niya ako at pinagagawa sa gawaing bahay. Nung nabinat ako, imbis na alagaan ako at ang anak namin, nilayasan niya kami para makipag inuman.

Pero ang pinaka masakit nun, hindi yung ginawa niya.

(Patuloy ko lang na nirerecord at hinahayaan siyang magkwento, pero habang tumatagal. May namumuo ng ideya ako tungkol sa kanya)

Galing ako sa trabaho nun. Lagi akong nagmamadaling umuwi dahil may sakit ang anak ko. Malayo pa lang rinig na rinig ko yung iyak. Parang hirap na hirap na yung bata. Patakbo akong pumunta sa bahay naming nun. Nakita ko si Gerard nasal abas ng bahay kasama yung mga trabahador sa koprahan. Lasing na lasing. Pagtingin ko sa anak naming. Inaapoy na ng lagnat at nanginginig na. napasigaw ako sa takot. Agad akong tumakbo papunta sa bahay ng mga magulang ko daladala si nino para isugod sa ospital. Agad na piniunta sa emergency room si nino nun. Dehydrated na daw ang bata kaya lalong tumaas ang lagnat daw ng bata. May inereseta ang doctor kaya nagpaalam ako sa mga magulang ko para bumalik ng bahay para kumuha ng pera at bumuli ng gamot.

Pagbalik ko sa bahay. Andun pa din ang mga gago. Kaya sa sobrang galit ko, binuhusan ko silang lahat ng tubig at pinagsisisante ko na. si Gerard naman galit nag alit na lumapit sakin at sinampal ako. Sinabihan ako na nagtitimpi lang daw siya sakin pero sumosobra na daw ako.

Nung oras na yun, wala akong pakialam sa mga pinagsasabi niya. Pero bukas papalayasin ko na siya. Hinahanap ko yung wallet na tinataguan ko ng pera. Nilagay ko yun sa ilalim ng mga damitan naming. Nung Nakita ko na yung wallet. Sabay namang hinatak ako ni Gerard. Sinabihan ako na wag daw akong bastos. Sinabi ko sa kanya na nasa ospital na ang anak namin habang siya, masayang nagpapakalango sa alak.

(kitang kita ko ang galit sa kaniya. Kahit sigurong babae, hindi makakapagpigil kung nasa ganung sitwasyon)

Tapos narinig ko siya, sabi niya: "bakit, pag hindi ba ko uminom, gagaling anak natin?" nanginginig ako sa galit. Hindi ko na alam ang gagawin. Buti na lang at naramdaman ko yung wallet kaya sinabihan ko siya na bibili na lang muna ako ng gamot. Nung tinanong niya ako kung ano ang gagawin ko at dala ang wallet, sinabi kong malaking halaga ang kailangan para sa mga gamot ni nino, na kailangang mabilan siya agad ng gamot.

Natahimik siya.

Namutla habang nakatingin sa wallet

Natigilan ako.

Sinubukan kong buksan ang wallet para malaman kung bakit.

WALA NA PALANG LAMAN!

Naalala ko, sumigaw ako nun. "Hayop ka! Anong ginawa mo sa pera ko?! Pano ko mapapagamot ang anak natin ngayon!"

pero nanahimik lang sya.

Para siyang tuod.

Kaya ang ginawa ko, naghanap pa ko ng bukas na sanglaan. Sinangla ko lahat na pwede kong isangla. Alahas na suot ko, pati cellphone ko para makabili ng gamot"

Nangmakakuha na ko ng pera tsaka mga gamot. Bumalik ako agad sa ospital. Hinanap ko na agad sila mama nun. Narinig ko na lang sumigaw sila mama. Pinuntahan ko yun. Nangingilo buong katawan ko. Nakita ko si nino, parang nangingitim. Lumapit ako sa nurse binibigay ko yung gamot. Umiiling na lang yung nurse. Sabi niya huli na daw.

Para akong nabibingi. Nung Nakita ako ng doctor, pinaliwanag niya sakin. Severely dehydrated daw yung si nino kaya hindi masaksakan ng swero, tapos nag seizure daw bigla kaya nag i-mergency. Pero kung naagapan daw sana o nabilan daw agad, may tiyansa pa daw. Ang bilis daw ng pangyayari. Hinayaan ako ng mga doctor at nurse na lumapit.


Patay na ang baby ko

Hindi ako makaiyak ng malakas. Niyakap ako ng mga magulang ko pero ang bigat bigat ng pakiramdam ko.




Ganito pala mawalan ng anak

Confessions of HannaWhere stories live. Discover now