Part 9 IMPIYERNO

4 0 0
                                    

Sa sobrang laki ng galit ko. Yung araw na din yun, pinaubaya ko na sa mga magulang ko lahat. Humingi ako ng konting pera. Sinabihan na magpapakalayo na muna ako. Wala naman silang magawa. Naisipan kong pumunta sa lugar na wala akong alam. Magdala ng konting gamit tapos, bahala na. wala naman ng mawawala sakin. Kaya nagpunta ako dito sa quezon city. Naghanap ako ng trabaho, nag apply ako bilang teacher tapos, may nakilala akong katrabaho ko na dito nagta trabaho bilang sideline. Sinamahan ko siya. Nagulat ako. Normal lang pala sa kabataan ngayon yung mga ganitong lugar at mga ganitong gawain.

Naisip ko, wala nang mawawala sakin.

Lahat kinuha na tapos binaboy pa ko.

Malinaw lang naman yung batas dito: Bawal mainlove

Pero hindi din pala yun maiiwasan.

Dahil bago ako sa trabahong ganito, nagkaron ng pagkakataon na umasa ako sa isang lalaki.

Manuel ang pangalan niya.

Maputi, mayaman, chinito. Magaling siya sa salita. Pero dahil malungkot ako at naghahanap ako ng magmamahal sakin, naniwala ako sa mga pangloloko niya. Mabait siya sa simula. Ibinahay niya ako, hindi niya ako ipinakikilala sa mga magulang niya.

Matanda na tayo. Hindi na natin kailangang magpaalam pa sa kanila yun ang paliwanag niya. Siyempre naniwala naman ako, bakit hindi? Ibinahay niya ko, binibigyan niya ko ng mga kailangan ko, lagi siyang nasa tabi ko. Nung nabuntis ako, sinabi ko na agad sa kanya. Dun nagsimula ang impiyerno ko.

Sinabihan niya ko na hindi niya gusto na mabuntis ako, akala niya daw nag iingat ako o gumagamit ng pills. Tulad ni Gerard, nagpakita na siya ng tunay na ugali. Pinipilit niya ko kahit wala akong ganang makipagtalik.

At pag lumaban ako, binubugbog niya ko. Lagi niyang pinupuntirya ang tiyan ko.

Minsan, nawawalan na ko sa ulirat dahil pagkatapos niya kong suntukin, tsaka niya ko gagamitin. Hanggang umabot na ang araw na dinugo na ko.

Kahit sobrang sakit ng katawan ko, pinilit kong pumunta sa ospital.

Pero huli na. patay na ang bata.

Umuwi ako sa bahay namin ni Manuel. Pagdating niya, sinabi ko sa kaniya na patay na ang bata. Hindi ko matanggap ang isinagot niya.

Sabi niya nun: "Buti naman. Alam mo Hanna, ikaw lang naman ang gusto kong isama at ibahay. Wala sa isip kong buntisin ka. Akala mo ba, matutuwa ako kung magkaka anak ako sa puta puta na tulad mo?"

Pagkatapos nun, lagi na niya akong ikinukulong. Hindi siya nagkulang sa pangangailangan ko. Pero hindi ko kayang isipin at sikmurain na ganun ang tingin sakin ng taong minahal ko. Ilang beses akong gumawa ng paraan para makatakas. Pero pagnabigo ako at nahuli niya ko, bubugbugin niya ko pagkatapos ay hahalayin.

Nagkaron ng pagkakataon na ayoko ng tignan ang sarili ko sa salamin. Makikita ko lang ang mga pasa ko sa katawan. Wala akong pasa sa mukha dahil gusto niya daw ang mukha ko. Pero tadtad ako ng pasa sa katawan ko.

Minsan naman pag halatang nababagot siya, pinapasayaw niya ko. Wala akong magagawa kundi sumunod.

Minsan, pinapapunta niya ang mga kaibigan niya sa bahay. Mga katulad niyang mga binatang, mayayaman na may kakaibang hilig at papanaw sa buhay. Kasama nila ang mga kaniya kaniyang kabit. Mga magaganda at mukhang mayayaman. Sila ang kasama pag aalis, Trophy wife.

Pero kung tutuusin, mga kabit lang kami. Sinuwerte lang ako dahil walang asawa si Manuel.

Dun sila sa isang kuwarto, makikitang pinapasayaw ang mga babae at sumusunod naman sila at para bang nageenjoy pa. naalala ko nun, tinawag ako ni Manuel para tumabi sakin. Habang may sumasayaw sa harap niya, kinausap niya ko. "Tignan mo sila Hanna, masunurin sila sa mga asawa nila. Bakit ikaw hindi ka marunong sumunod sakin? Gusto mo bang laging nasasaktan? Ayokong nasasaktan ka dahil pumapangit ang katawan mo."

"Baka kailangan lang ng may magtuturo sa kanya Manuel" yung babaeng sumasayaw ang nagsalita.

"Sige Rhea, turuan mo nga para matuto siya ang tumulad sayo" sagot ng isang lalaki

Kinuha nung Rhea ang kamay ko at isinama ako sa isang kuwarto. Halatang kabisado na niya ang bahay ni Manuel. Pagkatapos ay isinara at ikinandado niya ang pinto. "Ikaw si Hanna di ba?" tanong niya pero hindi niya na din ako pinabayaang sumagot

Sabi niya sakin, "Matuto kang makisama sa kanila. Ano pa bang gugustuhin mo? Yung araw araw kang binubugbog? Maganda ka Hanna at mukhang matalino kaya matuto kang gamitin yun sa advantage mo. Siguro naman, hindi mo gugustuhing bumalik sa Club para ibenta kung kaninino ang katawan mo."

"Wag mong gustuhin na bumalik sa pangit na impiyerno. Kahit ituring mong impiyerno to. Mas maganda to dahil mas madaming oportunidad. At willing silang ibigay yun. Maging matalino ka lang"

Wala akong nagawa kundi ang tumango

PARA AKONG PRESO.

 Isang magandang kulungan sa tingin ng iba

Hanggang sa nakaisip ako ng paraan: susundin ko si Rhea. 




Gagamitin ko yun, para ako umangat.

Confessions of HannaWhere stories live. Discover now