"HIJO, mabuti at napaaga ka. Akala ko ay may meeting ka?" salubong na agad dito ni Estella.
"Madali na hong natapos. Rogel," baling na bati nito sa lalaki. Nang mapasulyap ito sa kanya at kagyat na nagulat. "Small world, Shelby."
"Magkakilala kayo?" gulat na wika nina Estella at Rogel. Hindi rin madaling bigyan ng kahulugan ang gulat ng mga ito. Lalo na si Rogel na sa isang tingin pa lang niya ay alam niyang nagselos agad. Patunay na ang ginawa nitong pag-abay sa kanya gayong hindi naman nito dating gawain iyon.
"Yes, Mrs. Madlang-hari," si Marcus ang sumagot. At sa tono ay mukhang wala nang balak na dugtungan pa ang sinabi.
Isang malakas na tikhim ang ginawa ni Rogel at buhat sa balikat niya ay bumaba ang kamay nito papulupot sa kanyang bewang. Sa halip na maalarma ay naaliw na lang siya. No doubt, nagseselos nga si Rogel.
"Sorpresa daw ni Mama itong bahay," tugon ni Rogel. "Well, sorpresa talaga. Hindi ko alam na kaya pala madalas ka sa amin lately ay dahil mismong bahay ko na pala ang pinaplano ninyo."
"Hindi pa naman masyadong tapos ang plano. Basic structure pa lang. Kokonsultahin ko pa kayo na mismong titira, siyempre."
"Marcus, gusto kong ipakita sa kanila itong lugar, eh. Saka iyong puwesto ng bawat kuwarto, di ba dapat ay malaman din natin sa kanila kung saan nila gustong mailagay?"
"Yeah. Iyong blue print na ginawa ko, dapat ay makita muna nila. Kung ire-revise man iyon ay madali na lang." Minsan pa ay bumaling ito sa kanila. "Shelby, mahilig ka ba sa halaman? Kung ipapa-landscape ang paligid, dapat ay ikaw na rin ang konsultahin. May partner ako na landscape architect. Siya rin ang bahala sa garden nito."
"Orchids at bromeliads ang ipalagay mo sa garden, hijo," ani Estella. "Maganda kung mayroong gazebo, pagapangan mo ng miniature yellow bell. At siyempre, pinakapinong Bermuda grass ang ipalatag mo sa lupa."
Sa mismong hood ng kotse nito inilatag ang blue print.
"I have designed a three-wing split-level. Ideal iyon para sa lokasyon nitong lupa. Five bedrooms—the master bedroom had an own toilet and bath, of course, it's spacious for a walk-in closet provision, a formal and informal dining room, living room, mini-library. Two more toilet and bath and a toilet and powder room at the ground floor," mahabang paliwanag nito. "May private terrace din para sa master bedroom."
"Bakit hindi ka maglagay ng common terrace para sa ibang bedrooms," wika ni Estella. "Saka bukod sa dalawang dining rooms, hindi ba maganda kung mayroon ding breakfast island?"
"Madali na naman ho iyon. Usually, interior designer na ang may sagot sa ganoon. But we should coordinate para sa sukat."
"At tama ka, Marcus. Maganda talaga iyong may walk-in closet kagaya ng sa kuwarto ko," sabi uli nito.
Sinulyapan siya ni Marcus. "Would you like that, Shel?" tila may kahalong lambing na wika nito. After all, calling her Shel was definitely a kind of endearment.
"Okay lang." Pinili niyang maging kaswal ang pagtugon.
"Sweetheart, baka ma-late ka sa klase mo. Mabuti pang ihatid na kita," wika sa kanya ni Rogel.
"Oh, don't worry. Ako na ang bahala dito," segunda naman ni Estella.
"Nagtuturo kasi ako sa college. Sa hapon ang klase ko," sabi niya bilang paliwanag sa nagtatanong na mga mata ni Marcus samantalang si Rogel naman ay kulang na lang na hilahin siya palayo doon.
"MUKHANG close kayo ni Marcus, ah?" madilim ang ekspresyon na wika sa kanya ni Rogel.
"Sila ng kuya ko ang close, hindi kami," may pagkapikong sagot niya. Sanay naman siya sa pagiging seloso ni Rogel pero sa pagkakataong iyon ay madali siyang nairita sa kilos nito.
BINABASA MO ANG
Wedding Girls Series 05 - SHELBY - The Wedding Singer
Romance"Tell you what, Shelby, kapag nag-mature ka na. Maybe, kapag eighteen ka na at ako pa rin ang crush mo, ibibigay ko sa iyo ang first kiss na hinihiling mo." ***** Marcus Sandoval was her big crush during her teens. Fifteen si Shelby nang matanggap n...