Part 6

6.5K 167 4
                                    

PAKIRAMDAM ni Shelby ay tumigil ang kanyang paghinga. Nai-rehearse na niya sa isip ang ikakatwiran kay Marcus kapag dumating ang ganitong komprontasyon pero tila bukod sa pagtigil ng tibok ng puso ay waring nalulon din niya ang kanyang dila.

"M-Marcus." Tangi niyang nasabi.

"I'm flattered, Shel," he said softly. "Totoo, nagulat ako nang matanggap ko iyon. I didn't have any idea that the little sister of my best friend has a crush on me. Pero talagang nakakabigla na makatanggap ng card. Hindi ko inisip na magagawa mong gawin iyon."

"Hindi ko iyon ginawa!" pabiglang wika niya at mabilis ring naglapat ang mga labi.

Kumunot naman ang noo nito. "Ano ang ibig mong sabihing hindi mo iyon ginawa?"

"M-maniniwala ka ba kung ipapaliwanag ko?"

Marahan itong tumango. "Let me hear."

Her lips quivered. "Si Arlene ang nagpadala sa iyo ng card, hindi ako."

"Sinong Arlene?"

"Best friend ko. Tinutulak niya kasi ako na padalhan kita ng card para mapansin mo ako. Parang gusto ko rin noong una pero nu'ng mabili na namin iyong card at susulatan ko na, nag-back out na ako. Hindi ko naman alam na kinuha niya iyong card at siya ang nagsulat at nagpadala sa iyo."

Pinagmasdan siya ni Marcus. "Ano ba iyong ibig mong sabihin na para mapansin kita?" banayad na tanong nito.

Nagbaba siya ng tingin. Pakiramdam niya, puwede nang pagpirituhan ng itlog ang buong mukha niya sa labis na init. Alam niya, hindi niya magagawang magpaliwanag kung wala siyang aaminin. Nang magbuka siya ng labi, alam niyang lalo pang nangatal iyon.

"C-crush kita, Marcus," halos pabulong na wika niya. Nakayuko na siya ay napapikit pa siya. at nang may pumatak na luha sa kandungan niya noon pa lang niya natuklasan na umiiyak pala siya. Eventually, napasinghot siya.

"Don't cry, Shel. Hindi ka dapat umiyak."

Pero lalo lang siyang napaiyak. "N-nakakahiya talaga, Marc. S-secret ko dapat iyon, eh. Dapat hindi ko na rin sinabi kay Arlene," pasigok na wika niya.

He smiled at her. "Hindi nakakahiya na magka-crush, Shelby. Talaga namang flattered ako kasi ako ang crush mo. Ang tanda-tanda ko na pero may nagkaka-crush pas sa akin."

"Kaedad ka lang naman ni Kuya, ah?"

"Oo nga. Pero sa kagaya mo, ang karaniwang crush ay iyong mga kasama ninyo rin sa school. I'm sure iyang best friend mo, nasa school din ang crush niya."

Tumango siya. "Kaya nga gusto niya padalhan din kita ng card kasi ganoon ang ginawa niya kay Jerome, doon sa crush niya. Buhat nga daw na matanggap iyong card na ipinadala niya, palagi na siyang nginingitian."

Tumawa ito nang mahina. "Shelby, talaga namang nginingitian kita kahit kailan kita makita, ah? Hindi ba, minsan nga sa akin mo pa pinapagawa iyong mga assignment mo sa Algebra?"

"I'm so sorry, Marc. Ibalik mo na lang sa akin iyong card, please?"

"Nasa boarding house iyong card."

"Sinabi mo ba kay Kuya? Mapapagalitan ako nu'n."

"No."

"Kailan mo ibabalik sa akin iyong card?" kulit niya at pinahid na ang luha.

Tinitigan siya nito. "Baka hindi ko ibalik, Shel."

"Marc?!"

"Shel, that card is already mine. Ipinadala na sa akin, eh."

Wedding Girls Series 05 - SHELBY - The Wedding SingerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon