You are the onethat makes me happy
When everything else turn to gray
Yours is the voice that wakes my morning
And sends me out through the day...
AS USUAL, umagaw na naman ang magandang tinig ni Shelby sa atensyon ng mga panauhin. She was a very good singer. Hindi iilang beses na may nag-alok sa kanya na sumubok sa show business upang magkaroon pa ng tsansa ang tinig niya subalit masaya na siya na nabibigyan ng pagkakataon na kumanta sa pamamagitan ng mga kasal na kumukuha sa serbisyo niya.
Huling kanta na niya iyon para sa kasal na iyon. Pero madalas ay nahihilingan pa siya na kumanta uli. At nagpapaunlak din naman siya kahit hindi malinaw kung mayroon ba o wala iyong dagdag na bayad. Basta ba nakikita niya sa mga bisita na nagugustuhan ang kanta niya, kakanta pa rin siya.
"Shelby, pakiulit mo raw kantahin iyong Love Is All That Matters. Iyon ang theme song ng bride and groom, eh," lapit sa kanya ni Eve, ang wedding planner.
Ngumiti siya. "Okay."
At pumailanlang na ang intro ng naturang kanta. Kabisadong-kabisado na niya ang piyesang iyon. Isa yata iyon sa mga most requested songs sa mga kasalan.
"Thank you, Shelby," masayang wika sa kanya ng bride nang magpaalam na siya. Tapos na ang bahagi niya sa program ng kasal nito.
"Sa kasal ng pinsan namin, kukunin ka uli para kumanta. Parang may professional kaming singer dahil sa ganda ng boses mo," papuri naman sa kanya ng groom.
"Salamat," polite na tugon niya. "Basta kay Eve na lang kayo makipag-coordinate. Hindi kasi ako tumatanggap ng offer kung hindi nagdadaaan sa kanya."
"Exclusive ka sa Romantic Events?"
"Parang ganoon na nga."
"Well, Romantic Events din naman ang kukuning wedding coordinator ng pinsan namin so malamang tayo-tayo rin ang magkikita-kita." Inabutan siya nito ng sobre. Alam niya, tip lang iyon. Ang talagang bayad sa kanya ay kasama na sa package na binayaran ng mga ito kay Eve.
"Ganoon na nga siguro. Mauuna na ako. Thank you din." Inilagay na niya sa bag ang sobre. Hindi niya ugaling buksan ang sobre kapag kaharap ang nagbigay. Hinanap niya si Eve. "Magbibihis na ako. Nasa labas si Rogel, eh. Naghihintay sa akin."
"Okay. Teka, nakapamanhikan na ba sa inyo iyang fiancé mo?" tudyo nito. "So kailan ang pamanhikan? Mas maganda kung medyo matagal pa ang wedding ninyo para mahaba rin ang preparation."
"This weekend, isasama na daw niya ang mama niya sa bahay. Alam na rin naman ng parents ko, eh. Sino ba naman ang hindi magtatanong kapag nakitaan ako ng ganito kalaking singsing?" Ipinakita niya kay Eve ang marangyang engagement ring. Hindi iyon pahuhuli sa uri ng mga alahas na tinda ni Lorelle.
"Mahal iyan, I'm sure," komento ni Eve.
"Two hundred thousand. Nang malaman ng mama ni Rogel na tinanggap ko na ang alok niyang kasal, ibinigay sa akin ang certificate nitong singsing. Siyempre, nakita ko na rin doon ang presyo."
Tumikwas ang sulok ng labi ni Eve. "Dapat bang ganoon? Mali yata iyon."
"Ewan ko ba sa mama ni Rogel. Mabait naman pero kung minsan parang masasakal ako sa kabaitan. Parang pakialamera, eh. At itong singsing na ito, siya din pala ang bumili nito. Hindi ko tuloy alam kung matutuwa ako o maiinis. Si Rogel ang pakakasalan ko, di ba dapat siya ang bumili?"
BINABASA MO ANG
Wedding Girls Series 05 - SHELBY - The Wedding Singer
Storie d'amore"Tell you what, Shelby, kapag nag-mature ka na. Maybe, kapag eighteen ka na at ako pa rin ang crush mo, ibibigay ko sa iyo ang first kiss na hinihiling mo." ***** Marcus Sandoval was her big crush during her teens. Fifteen si Shelby nang matanggap n...