Twelve years ago
THIRD YEAR high school na si Shelby at malapit na ang JS Prom.
"Shelby, sino ang partner mo sa JS?" tanong sa kanya ng kaklase at kaibigan niyang si Arlene.
"Wala. Wala naman akong balak um-attend."
"Sayang naman. May bayad um-attend man o hindi. Attend tayo, ano ka ba?"
"Ikaw na lang, tutal nandoon din naman ang may crush sa iyo. Tiyak, isasayaw ka ni Dondon."
"Gaga! Gusto kong mag-attend kasi mukhang malakas ang laban ni Jerome na maging Mr. JS. Alam mo namang iyon ang crush ko. Um-attend ka din, ha?"
"Ayoko nga. Wala naman doon ang crush ko."
"Teka, sino nga ba ang crush mo? May picture ka diyan? Patingin!"
Kinuha niya ang wallet kung saan nakalagay ang picture ni Marcus Sandoval, ang best friend ng kuya niya. "O, guwapo, di ba?"
"Wow! Saan mo natagpuan iyan?" manghang sabi ni Arlene, sa itsura ay mukhang nagka-crush na rin sa crush niya.
"Best friend ng kuya ko iyan. Ang bait pa kamo!" pagmamalaki niya.
"Naka! Eh, matanda na ang kuya mo, ah? Di matanda na rin iyan. Patingin nga uli!" Inagaw nito sa kanya ang wallet niya. At bago pa niya napigil ay nakuha na nito sa plastic jacket ang picture. "Sus! Na-fake mo ako, Shelby. Ginupit mo lang pala ito, eh."
"Huwag ka namang maingay. Ginupit ko nga iyan sa annual nila. Saka hindi naman siguro matanda iyong twenty-two. Twenty-two na si Kuya Jonas kaya twenty-two na rin siguro iyang si Marcus. Iyang picture niya na iyan, kuha iyan noong high school sila pero kapag nakita mo siya ngayon, medyo nagmukhang mama lang ang itsura. Cute pa rin."
"Tange! Guwapo ang tawag sa ganyang klase ng mukha."
"Guwapo na kung guwapo. Arlene, kaysa naman magpakapagod pa akong magbihis sa JS, mas gugustuhin ko pa na pangarapin na lang itong si Marcus. Tuwa ko lang pag napanaginipan ko ito."
"Wait, alam ba naman niyang Marcus na iyan na crush mo siya?"
"Siyempre, hindi 'no? Kahiya naman pag ganu'n!"
"Paano ka mapapansin kung hindi pala niya alam? Dapat gumawa ka ng move."
"Anong move? Nakakahiya naman. Babae tayo, gagawa tayo ng move?"
"Noon siguro, nakakahiya ang gumawa ng move. Pero iba na ngayon. Hindi ba, palaging naririnig iyong women of the 90's? Puwede na tayong gumawa ng move."
Bagaman hindi pa lubos na kumbinsido ay naantig na rin ang kuryusidad niya. "Anong move naman ang dapat kong gawin?"
"Di kung gusto mo, gayahin mo na lang ang ginawa ko. Simple lang. Pinadalhan ko si Jerome ng Valentine card."
"Hindi ka nahiya?"
"Sira. Bakit naman ako mahihiya, eh, gumagawa nga ako ng first move."
"Ano naman ang nangyari nang matanggap ni Jerome?"
"Di kapag nagkakasalubong kami, nginingitian na niya ako. Kahit naman lower year tayo, kilala pa rin naman tayo dahil nasa honor section tayo. Saka palagi akong muse kapag may Intrams so popular na rin ako. Pero kahit popular ako, hindi niya ako pinapansin. Pero nu'ng pinadalhan ko ng card, aba, the next day, palagi na siyang naka-smile sa akin. Di, buo na ang araw ko palagi. At malakas ang instinct ko na pagdating ng JS, isasayaw niya ako."
BINABASA MO ANG
Wedding Girls Series 05 - SHELBY - The Wedding Singer
Romansa"Tell you what, Shelby, kapag nag-mature ka na. Maybe, kapag eighteen ka na at ako pa rin ang crush mo, ibibigay ko sa iyo ang first kiss na hinihiling mo." ***** Marcus Sandoval was her big crush during her teens. Fifteen si Shelby nang matanggap n...