"Hope is everything. It's that one thing that keeps you going. It's about having a positive attitude. It's about living each day to the fullest. It's about never giving up. It's about having faith. It's a power to believe that everything is possible. Hope is life," pagtatapos ni Hope sa kanyang opening speech sa pagdiriwang ng unang anibersaryo ng Hopeless to Hopeful Foundation.
Nagpalakpakan ang mga bata, kapamilya, volunteers, at mga kaibigan na naroon suot ang T-shirt na may logo ng foundation. Nagawi ang tingin niya sa may pinakamalakas na palakpak sa harapan, ang kanyang asawang si Paul na nakasuot ng agaw-pansing T-shirt. Dahil bukod sa naiiba ang kulay, pamilyar ang print ng damit nito.
Tumayo ito at tumungo sa kanya saka siya inabutan ng kumpol ng puting rosas."Congrats! Ang galing talaga," bulong nito sa kanya.
"Salamat sa hindi pagbitiw."
"Salamat sa pagkapit."
Hinuli ni Paul ang isa niyang kamay, nakangiti at magkahawak silang bumaba sa entablado. Dinaluhan nila ang mga batang sabik na sa mga palaro at regalo, paminsan-minsang nagkakatinginan dahil sa naririnig na tawanan ng mga mga ito.
Makulay ang maliit na event ground ng foundation niya. May dekorasyong pang-fiesta ang lugar at may mga booth ng pagkain.
Nagagalak ang puso ni Hope na makita ang ngiti ng mga batang natulungan nila sa nakalipas na isang taon, ng mga volunteer, at mga kaibigan niyang laging naglalaan ng oras upang tumulong.
Binitiwan siya ni Paul at tumakbo sa isang batang hindi maalis ang tali ng lobong sumabit sa upuan nito. Napangiti si Hope. Lumipas ang mga taon pero lalo niyang minamahal ang asawa.
Napatigil siya sa pagmamasid nang makita ang inang nakangiti palapit sa kanya.
"Congrats, anak." Niyakap siya nito.
"Salamat po, 'Nay. Salamat po sa pagpunta."
"Hindi namin ito palalampasin ng mga kapatid mo. Proud na proud kami sa 'yo."
"'Nay naman, e. Nagpapaiyak!"
"Ganyan 'yan si Nanay," pagsali ni Paul sabay tusok sa tagiliran ng kanyang ina.
"'Maryosep, Paul! Sinabi kong 'wag mo akong ginaganyan!" Inulit pa ito ni Paul. "Magtigil nga!"
Napangiti si Hope sa pag-aasaran ng dalawa.
Anim na taon na ang nakalipas mula nang mawala si Leslie. Nalampasan nila ang ilang beses na pag-iyak. Nagawa nilang bumangon mula sa pagkakadapa. Nakayanan nilang magpatuloy. Tinanggap ng kanyang ina si Paul at naging malaking pamilya sila.
Sa mga pinagdaanan nila ni Paul, isa sa mga bagay na pinanghawakan ni Hope ay ang pagkakaroon ng pag-asa. Kaya kahit hindi pa sila nagkakaanak, naniniwala siyang darating din ang panahon na mabubuo nila ang kanilang pamilya, kasama si Leslie na alam niyang pinanonood sila mula sa kalangitan.
-
Part 7 of 7
BINABASA MO ANG
Hopelessly Hopeful
Short StoryHope finds a greater reason to be hopeful everyday when Paul and Leslie came into her life. This short story is about one's hope and faith that you'll get through every struggle in your life as long as you believe. #HopelesslyHopeful