Day 1: First day ng ligawan. Ganito pala feeling ng inlove, palagi masaya,kahit matapunan ka na ng pagkain, bumagsak sa quiz o kaya madapa sa harap ng tao, masaya ka pa rin kasi siya agad yung pumapasok sa isip mo kapag nalulumbay ka. Kinakabahan ako kasi baka kung ano ang magawa kong hindi niya magugustuhan. One wrong move baka biglang umayaw na siya sakin. At dahil sa marami akong kaibigan na babae hindi dahil sa girlish ako kundi gusto ko lang talaga mga katropa ko ay babae. Ako palagi yung sumasalo ng mga problema nila, I was there if ever man may problema mga kaibigan kong babae. Palagi nila iniindak na yung mga Boyfriend nila ma-Pride. Yung isa naman hindi pa nakaka-move on sa ex niya, meron din yung hindi ma-effort kaya nafafall out of love na yung mga kaibigan ko sa kanila. Kaya yung mga narinig ko yung mga yun,isinumpa ko sa sarili ko na kahit isa sa mga kagag*han ng mga Boyfriend nila HINDING HINDI ko gagayahin.
Eto na ngayon yung Goal ko para makamit ko yung matamis na Oo ni Mikaella. Palagi ako nag-iintay sa labas ng school para lang makasabay siya sa pag-uwi dahil sa may dance practice sila palagi. Umuulan man,kahit nilalagnat ako, kahit gabi na umuwi, ginagawa ko lahat para lang maramdaman niyang mahal ko siya. Ako nagdadala ng bag niya. Ako rin gumagawa ng homework niya kasi alam ko pagod siya sa pag sasayaw nila. Sa may Lifehomes siya nakatira,ako sa Makati, kaya kaya niyong marealize kung anong oras ako nakakauwi sa amin kung minsan pa ay traffic sa San Joaquin area. 8 months na akong nanliligaw pero hindi ko naramdaman magsawa. Umabsent nga ako nung isang araw ehh kasi talagang malubha na yung sakit ko, pero sinundo ko pa rin siya kahit na naka pajama lang at jacket habang nakatayo sa harap ng eskuwelahan namin. Kasi makita ko lang siya ngumiti nawawala yung sama ng pakiramdam.Araw-araw ko pinapakinggan yung mga kantang kinakanta ko sa kanya kahit sintunado yung boses ko,gumagawa ako ng paraan para lang mapaligaya ko siya. Nakasakay na kami sa jeep,"Ui,malapit na kita sagutin :)"sabi niya. Tumigil yung mundo ko.Grabe gusto ko sana magtatatalon sa loob ng jeep pero dahil sa sakit ko nagawa ko nalang gawin ay ngumiti. Eto na panahon ko para sa D'Moves. Umakbay ako sa kanya, at sakto naman siyang humiga sa balikat ko. WAAW!! Iba na tong nararamdaman ko! Yung feeling na inakbayan mo yung Mundo mo? parang ganun yung nangyare sakin.
To Be Continued.....