Karyl, pangalan ng babaeng magiging parte na naman yata ng buhay ko. Eto na naman ba ako? May parte na nagsasabi sakin na walang mangyayare kapag hindi mo sinubukan at meron ding naman pag ginawa mo yan sure ako sayo masasaktan ka na naman. Ano pa nga ba? Ganun naman yata yung ikot ng mundo ee,kung sino pa yung nagmamahal ng sobra, siya pa yung nasasaktan. Dapat na sanayin ko na sarili ko, kasi kasama talaga sa buhay ang masaktan, sana wag nga lang palagi. Magkikita kami mamaya ni Karyl sa Pateros. Dapat mukhang pogi ako, para naman walang masabi yung mga tao samin kapag kasama niya ako. Nakit ko na siya pababa ng jeep. Uunahan ko na siya dun para makita niya agad ako. "Hi!! :))" sigaw niya habang palapit ako, grabe ang ganda niya. Yung suot niya kahit simple, nagblobloom. Tas pinartneran pa ng ngiti niya. Na-fafall ako lalo sa kanya. HOYYY!! ANDREWW!! Anong na-fafall? tanong ko sa sarili ko. Napatunganga na lang ako sa harapan niya hanggang sa tinawanan lang niya ako. Hayyy feeling ko komportable ako sa knya. Kailangan ko na gumawa ng desisyon. Aaminin ako tas liligawan ko na siya. Hindi ko muna ibibigay yung buong magmamahal ko. Ayun, nagdate na kami kumbaga, kumain kami sa mga turo-turo, tas puro tawanan lang,hahah yung tawa niya ang cute talaga hahaha. Pinapauwi na daw siya ng ama niya pagkatapos ng masayang araw ko na naman. Hahatid ko siya sa bahay nila,mahirap na kasi kapag ako yung huli niyang kasama tapos may mangyayare pang masama, kaya kargo-de-konsensya ko na yun kapag may mangyare, I had to be sure. Nasa jeep na kami,kami lang yung laman, eto na yung perfect timing ko. "Karyl, wag ka sana mabigla ha,pero inlove na yata ako sayo." Ayan na sinabi ko na, sana naman wag siya ma............. :">>>..............Hinalikan niya ako bigla.
To be Continued....