VIII-Algebra

64 0 0
                                    

              KInabukasan nung araw na yun. Wow, hindi ko na alam yung iisipin ko. Tulala ako na lang ako buong first period hanggang lunch. Nag-aalala na nga si Ronalyn pero iniisnob ko lang siya. Hindi ko kasi alam magiging reaksyon nung sinabi niya sakin ee. Ayaw ko na lang kausapin yung mga tao sa room ko baka sa kanila ko maibaling yung galit ko ee. Madami na ako binagsak na quiz ngayong araw na to. Napapagalitan kasi hindi nakikinig sa mga teacher ko. Sana alam lang nila pero kahit naman malaman nila wala pa ring mangyayare ee. Lunch na nun,hindi ako makakain ng maayos, isang subo, 5 mins ang nguya 6 minutes ang allotted time sa paglunok. Nap time na kumakain pa din ako. Ang sarap sana ng tawanan, sa sobrang kokorny ng mga jokes nila napapatawa tlaga ako pero bakit ganun? Kahit na tawang-tawa na ako, hindi pa rin kayang ngumiti. Sana isang araw lang to. Sana pag gising ko bukas okay na lahat.

ALGEBRA period na. Favorite subject ko na sana naman kahit papano gumaan yung loob ko. Hindi rin pala. Yung topic kasi namin ngayon tungkol sa graph ng bawat function. Puro lines yung naririnig ko kasi walang pumapasok sa utak ko nung araw na yun. Biglang nagsalita si Sir. Math is like LOVE!! Parallel lines,who were never meant to meet. Tangent lines, who were together once, then parted forever. Asymptotes, who could only get closer and closer,but never could be together. Napatingin ako. Tinamaan agad ako. Lalung-lalu na dun sa part ng TANGENT LINES. Bakit kasi may mga pagkakataong maghiwalay pa? Pero nagpapasalamat na lang ako sa diyos at ginagawa niya yun, ibig-sabihin nun, may nakalaan pa sating mas BETTER. At sa takdang panahon, makakamit din natin yun.

Next Chapter IX-Wrong Sent

BABAEROTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon