Chapter II-Bittersweet Symphony part 2

150 1 0
                                    

          Ang sarap sa feeling! Sana ganito yung nararamdaman ko araw-araw! Mag-12 months na panliligaw ko sa kanya. Yung araw na magbabakasyon na,lumapit ako sa kanya. Hindi ko malaman kung anu yung sinasabi niya,pinipilit ko yatang hindi marinig yung mga salitang lumalabas sa bibig niya. "Ui,lilipat na ako ng school. Sorry,sana hindi mo na lang ako minahal." sabi niya. "HA?!" nagulat ako sa mga naririnig ko. "May dare kasi mga kaibigan ko sakin. Sorry talaga sa lahat.". Sa isang iglap,ganun na lang yun. Sorry. Akala ko ba pag nag-sorry ang isang tao, nakakawala ito ng galit. Pero bakit ganun? Ang hirap pala magmahal. Sa lahat ng ginawa ko,sa pagiging tanga ko, SORRY lang masasabi niya sakin. Bakasyon na,nag-uwian na sila, ako na lang naiwan sa kwarto ko. Hindi ko kayang umiyak kasi hindi lungkot yung nararamdaman ko kundi galit. Hindi ako galit sa kaniya kundi sa sarili ko. Bakit ako nagpakatanga sa kaniya? Bakit hindi ko nakitang mangyayare to? Nahihirapan na ako huminga. Eto pala feeling ng Brokenhearted. Pinagpustahan lang nila ako. Ang sakit. Hindi ko naman yata dineserve to. Wala naman ako ginawang masama para mangyare sakin to ee.

Isang linggong nakakalipas,hindi pa rin ako kumakain ng maayos,laging tulala,hindi mo makikitaan ng bakas ng ngiti sa mukha ko. Dati pa pala ako napapansin ng kapatid ko si Florence. "Tol, anung nangyayare sayo?" tanung niya sakin."Ewan ko ba,tol, bakit masakit yung ginawa niya sakin? Alam ko may mas hihigit pang kasalanang pwede pang ikaganito ko,pero bakit naman ganito kagrabe?"bigkas ko sa kanya."Tol,minahal mo siya ee,kahit sino namang lalakeng magpapaktanga sa babaeng ganun may magandang nangyayare,antayin mo lang tol makakabwi ka rin,besides at least alam mo nang hindi siya para sayo.". Sa sinabi niyang yun alam kong may bagong pag-asa pang pedeng makamit. Kaya yun nag move-on ako. Inaraw-araw ko ang pagDODOTA ko. Hindi pa rin siya umaalis sa isip ko. Nahihirapan pa rin ako kapag naririnig ko yung pangalan niya. Magpapagwapo ako. Lahat gagawin ko. Sana marealize niya na mali yung nagawa niya. Nagpaderma ako,nagpaputi, lahat lahat para lang maglaway sakin yung mga babae. After 3 weeks ng pagpapahirap nagbukas ako ng FB, may new friend request. Galing kay Karyl.

Next Chapter III- A New Start :)

BABAEROTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon