Chapter V-Bad Influence

111 1 0
                                    

              First GF ko pala si Karyl. 16 days na kami. Feel na feel ko yung pagmamahal niya. Samantalang yung akin hinohold back ko pa. Dapat kasi magtitira ka ng pagmamahal sa sarili mo para kapag iniwan ka ng mahal mo,hindi ganun kasakit. Dapat pala ganito na lang nung simula. Para hindi ako nasaktan kay Mikaella nun. Well,nangyare na ang nangyare,wala na tayo magagawa dun. :) Lesson learned na nga diba? Yun balik tayo kay Karyl. Palagi kaming sweet. Hindi lumalagpas ang araw na walang mag-IIloveyou samin. Palaging magkatext,nagkakamustahan kami na para bang hindi nagkita ng isang taon. Kumbaga, parang seryoso na ako sa kaniya nun. Nagtest siya sakin nung araw na umabsent siya dahil masama daw ang pakiramdam niya. Nagbibihis na ako pupunta dapat ng school pero naiisipan ko na lang mag cutting makapunta lang kela Karyl.Dinala ko jacket ko para ipahiram sa kanya kapag papasok na siya.

Papunta na ako ng tinext niya sakin na umalis daw yung magulang niya kaya bilisan ko raw ung pagpunta dun. Ako naman tong sabik na sabik makita siya,nanakbo na ako nung nakita ko yung gate nila. NagDoorbell ako para alam ni Karyl na andun na ako. Siya yung nagbukas ng gate. Pumasok agad ako sa bahay nila, sabi niya "Hatid mo ko sa kwarto ko, nahihilo kasi ako ee.", syempre Gentleman ako, kinarga ko siya tas umakyat na kami sa kwarto niya, hiniga ko na siya sa kama niya tapos umupo lang ako sa tabi niya.Ang init niya,kaya ang ginawa ko kumuha ako ng bimpo tapos binasa ko ng tubig tapos tinupi ko at ipinatong sa noo niya para kahit papano lumamig yung katawan niya. Nakangiti lang ako sa knya. Ang sarap niyang panoorin habang natutulog. Feeling ko kasi safe siya sakin kapag ako ang nag-aalaga sa knya.

Nakatulog ako nun sa upuan habang hawak ko yung kamay niya. Pag gising ko,nakaupo na rin siya sa harapan ko,nakangiti. Kinikilig ako nun kasi malapit yung mukha niya sa mukha ko. Hindi ko inaasahang halikan niya ako nun. Tumayo kami nun tapos yumakap siya sakin. Hinahalikan pa rin niya ako nun. Ang sarap nung moment na yun. For the first time,naramdaman ko yung pinakamaligayang araw ko. Sana hindi matapos yung araw na yun. Napakasaya ko nun,unang-una nakasama ko siya ng buong araw at naalagaan ko siya nun. 

Next Chapter VI- Jacket

BABAEROTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon