Chapter III-A New Start :)

147 2 0
                                    

                  Karyl. Wow! Nabigla naman ako,kasi first time ko makareceive ng Friend Request galing sa babae na maganda. Chineck ko baka kasi BEKI or poser. Yun okay pa naman siya so far. Nagpost ako sa wall niya,sabi ko Thanks for the add Ganda :). Ni-like naman niya at nagcomment siya ng "Thank you cutie :)". Hahahaha Napatawa na lang ako bigla sa mga sinasabi niya. Chinat ko siya para lang maging common friends. Ang sarap niya kausapin,hindi nauubusan ng topic. At akalain mo nga naman, school mate ko siya, Second Year na siya nun,3rd year ako kaya pala hindi kami masyado nagkikita. Niyaya niya ako makipagmeet sa kanya, "Sige sa may Canteen,uwian niyo,antayin mo lang ako :)". Um-oo naman ka-agad siya. 

Kinabukasan ang aga ng pasok ko. Excited yata ako makita siya. Ang bagal talaga ng oras pagka may inaantay ka. At sa wakas uwian na rin. Sa dami ng tao palabas ng school namumukhaan ko siya, dumudungaw sakin, kumakaway. Papalapit ako sa kaniya at nabighani ako sa nakita ko. Sa edad nyang ganun, nabigla talaga ako sa ganda niya. Ang cute ng ngiti niya, lalu na yung mapupula niyang labi at yung dimples niyang nakakaakit talaga. Yung mata niya nakakapanghina ng loob. Pero natuto na ako, hindi na ako magpapahulog ulit sa mga aakalain kong lolokohin lang ulit ako. Nag Hi siya,naka NGANGA lang ako dun tas bigla siyang tumawa. Ang cute pala ng tawa niya hahaha. Yun nagkakilanlan kami. Madami rin pala siyang naging EX-BF. Karamihan sa mga naging BF niya,mga sanggano at nagtatake advantage sa kanya.Naghiwalay pala mga magulang niya kaya nagkaroon siya ng mga boyfriend na hindi inaasahang maging loko-loko. Ayun nagkakamabutihan kami, araw-araw na magkasama, palagi magka-chat at magkatext. Onti-onting bumabalik yung sarili ko nang dahil sa kanya. :)) Hindi ko alam tong nararamdaman kong ito. Hayyy nako, heto na naman ako. Magmamahal na naman pero mabibigo ulit. Ayaw ko na. Ayaw ko na ulit masaktan.

Next Chapter IV-Bad Influence

BABAEROTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon