Umuwi na ako nun kasi mag-uuwian na mga kaklase ko kaya makikisabay ako sa labasan nila para hindi halatang nag-cutting ako. Nagmadali na ako kasi malayo pa ung bahay nila Karyl. Sa sobrang pagmamadali ko, na-iwan ko yung jacket ko. Yung jacket pa namang yun, pinatahi ko pa talaga tapos ibibigay ko kay Mikaella,bago mangyare yung ikinasusuklam kong araw. Naalala ko lang na naiwan ko yung jacket ko nung naka-uwi na ako. Gusto ko sanang ipadala kay Karyl pero may sakit siya nun kaya sabi ko na lang na pag pumunta ulit ako ng bahay nila, tska ko kukunin ulit.
Kinabukasan nun, nakabakat pa rin yung ngiti ko dahil sa mga nangyare kela Karyl. Excited na ako makita siya nun to the point na habang umaandar pa rin yung jeep bumababa na ako para lang makapasok ng school. WOW,first time ko maging excited pumasok ng school. Ngunit parang nagbago agad si Karyl. Matamlay,nalulungkot, ewan ko ba bakit ganun. Wala naman akong nagawang mali ee. Yun everytime na nagkikita kami, ini-snob na niya ako,iniirapan. 4 days na siyang ganun sakin. Wala akong narereceive na text niya, ndi sinasagot mga tawag ko, hindi nagrereply. Ano kayang meron?? Kapag nilalapitan ko naman siya,umiiwas siya saken. Natatakot na ako, eto na naman, masasaktan na naman ako. Ayan, alam ko na yung mangyayare sakin kaya nireready ko na sarili ko. Habang hindi pa kami maghihiwalay magmomove on na ako. Better safe than sorry. Mag momonthsary na kami. Hindi ko na aasahang babati pa siya samin. Isang araw bago mag monthsary namin, lumapit siya sakin unexpectedly."Andrew, sorry, hindi kasi nagwowork-out ee, Break na tayo." yung naririnig kong salitang lumalabas sa bibig niya. Well, kahit na hinanda ko na sarili ko, wala rin palang magagawa pagkamahal mo talaga yung tao. Hayy, buhay nga naman oh,parang life. Senti mode na naman ako. Kalalaking tao,iniiyakan ko babae? Pero at least hindi siya kasing sakit katulad nung nangyare kay Mikaella. Mikaella, matagal kong hindi narinig yang pangalang yan. Studies ko patuloy na bumababa. Nilipat na nila ako ng school para maiwasan ko yung mga alaalang tumutusok sa dibdib ko. Yung jacket ko,hindi ko na yata to makukuha kahit kelan.....YATA.
Next Chapter VII-New Junior