SUOT NIYA JACKET KO?! Kung hindi nga naman nagpasabog ng kakapalan ng mukha oh! PInasuot pa niya dun sa lalake niya? Bwakanam! Nanggigigil ako sa ginawa niya. Nakakapikon na nakakagag* na nakakapanakit ng tao. Nabadtrip ako nung araw na yun. Gusto ko sana lusubin at lapitan si Karyl nun pero nahiya ako kay Ronalyn. Ayaw ko gumawa ng eksena dun. Kokonprontahin mo nalang siya mamaya. Tatawagan ko na lang siya. Hindi, pupuntahan ko na lang sa bahay nila. "Ano nangyare?" tanong sakin ni Ronalyn. "Ahh eehh wala naman. Yung ex ko lang nakita ko." sagot ko. "Bakit naman? Ano ba nangyare sa inyo?" sumunod na katanungan niya. Kinuwento ko yung nangyare samin ni Karyl kay Ronalyn hanggang sa umuwi na kami. Onti-onti nawawala yung init ng ulo ko kapag nakikita ko yung mga mata ni Ronalyn. Napapangiti na lang ako kapag kasama ko siya. Alam ko natural lang yun pero iba yung dating sakin kapag malapit siya sakin ee. Pero I have a score to settle with Karyl first.
Sa lahat ng pwedeng ipahiram ni Karyl,yung jacket ko pa? Imbis na binalik niya sakin, ipinahiram pa sa pindeho na yun! Nakakabanas! Ewan ko ba kung on purpose niya to ginagawa pero hindi dapat ee. Nasaktan na nga ako nung nakipaghiwalay siya sa akin tas eto pa makikita ko? Ayyyy Nanggigil na ako kanina pa sa jeep papunta kela Karyl. Gusto ko sana suntukin yung drayber pero baka ipakulong pa ako ee kaya wag nalang muna since na High school palang ako. Nasa gate na nila ako, at agad-agad akong pumasok sa bahay nila kahit hindi pa ako pinapapasok. "SINO YUNG KSAMA MO KANINA?! GRABE KA! PATI BA NAMAN YUNG JACKET KO IPAPASUOT MO DUN SA MONGGOLOID NA YUN!" bulyaw ko agad sa kanya. Biglang labas naman yung alaga niyang Gorilla ay yung BF pala niya."Pwede bang umalis ka na?? Nakaka istorbo ka." sumbat niya sakin. "HOY!!! Lumayas ka dito! Hindi ka namin kailangan dito!" pinagtutulungan nila ako. "Bago ako umalis!! Gusto ko muna malaman kung anong nangyare satin!!" sagot ko sa kanila. "UMALIS KA NA!! IPAPAPULIS KA NAMEN KAPAG HINDI KA PA UMALIS DITO!!" sabi ni Karyl. "HINDI KITA MAHAL!! OKAY?! SINCE DATI PA!!! Pwede ba?! Wag mo naman sana sirain ulit yung ikaliligaya ko!" habol pa sa knyang sinabi. Natahimik na lang ako at lumabas ng tahimik. Andaming pumapasok sa isip ko, hindi ko alam kung saan ko sisimulan.
Next Chapter VIII-Algebra