Chapter One: Her PoV

7.7K 128 12
                                    

Warning:

Kung naghahanap ka ng forever ay hindi ito ang story nararapat sa 'yo.

Clichè. Ayon lang naman. Thank you :)

--

Napangiti ako ng sobrang lapad nang makita kitang nakaupo malapit sa may bintana. Naka-bonet ka at nakahalumbaba na parang ang lalim ng iniisip. Huminga ako ng malalim bago ako tuluyang pumasok sa silid kung saan ay magiging kaklase na kita.

Napatingin sa akin ang ibang tao sa classroom pero hindi ko 'yon pinansin. Basta tuloy-tuloy lang ako na naglakad papalapit sa 'yo. Grabe! Habang papalapit ako sa 'yo ay sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Kinikilig ako ng bongga dahil ang lapit-lapit mo sa akin!

Umupo ako sa bakanteng upuan sa katabi mo. Shems! Shems! Ang gwapo mo talaga! Ituwid ko lang kamay ko sa may banda mo ay mahahawakan ko na ikaw ng tuluyan na dati ay hindi ko magawa dahil sa malayo ko lang ikaw tinatanaw. Ang layo-layo mo noon pero ngayon ay ang lapit-lapit mo na!

"Timothy James..." tawag ko sa 'yo. Timothy James Alves, sixteen years old. Oo... alam ko ang pangalan mo. Alam ko ang lahat sa 'yo. Ni-research ko! Magaling akong mangalap ng mga importanteng impormasyon. Basta tungkol sa 'yo ay consider as important things.

Baliw ako. Baliw na baliw sa 'yo kahit hindi mo alam ang pangalan ko. At ngayon, ngayon ay malalaman mo na nabubuhay pala ako sa mundong ibabaw, sa iisang lugar kung saan ikaw nakatira, na pareho ang mga hanging hinihinga natin. Shems! Ang tagal kong hinintay ang pagkakataong 'to!

"Timothy! Hoy!" pagpapapansin ko sa 'yo at tinusok-tusok ko ang braso mo kung saan ikaw ay nakahalumbaba. Nagulat ka sa ginawa ko sa 'yo kays naman nahulog ang ulo mo sa pagkakapatong sa kamay mo. Tumingin ka sa akin ng masama.

Napaiwas ako ng tingin at napakagat-labi. Wrong move 'ata ako. Baka magalit ka na sa akin. Pero kasi kung hindi ako magpapapansin ay baka hindi mo ako mapansin. Gusto kong mapansin mo ako sa lalong madaling panahon.

"Sorry... natutulog ka ba?" mahina kong tanong sa 'yo at tiningnan kita sa mga mata. Ang mga matang nakatingin ng matiim sa akin, may halong inis pero okay lang. Basta nakikita mo na ako, hindi katulad dati. "Ako nga pala si Krystal. Transferee. Nice to meet you, TJ. Pwede naman kitang tawaging TJ, 'di ba? Timothy James naman ang pangalan mo."

Imbes na magsalita ay tumalikod ka lang sa akin na parang sinasabi na 'istorbo!'.

Napasimangot naman ako sa ginawa mo. Napabuntong-hininga din ako. Ang pangit nga 'ata ng first impression ko sa 'yo. Hay! May tatlong buwan pa naman ako para pagandahin ang impresiyon mo sa akin. Sa tatlong buwang 'yon ay sisiguraduhin kong mahuhulog ka sa akin.

"Good morning, class!"

Napatingin ako sa unahan nang makita ko ang adviser namin. Nakilala ko siya dahil galing ako sa faculty room bago ako pumunta dito sa classroom.

"Good morning, Ma'am," bati naman naming mga istudyante sa guro namin.

"Okay, meron kayong bagong classmate." Naging malikot ang mga mata ng adviser namin na parang hinahanap ako. Tumayo ako sa upuan at itinaas ang kamay. Nakangiti akong kumaway. "Ma'am!"

Ngumiti ang guro namin. "Please come in front."

Nakangiti akong tumayo at bago ako naglakad ay tiningnan ko muna ikaw, TJ. Nagtataka kang nakatingin sa akin. Nginitian kita pero umiwas ka lang ng tingin kaya napasimangot ako. Bibigyan mo rin ako ng napakatamis na ngiti, soon, Timothy James.

Nang nasa unahan na ako ay ngumiti ako sa boong klase. "Good morning! My name is Krystal Villareal. Please take care of me."

Matapos ang pagpapakilala ay bumalik na ako sa inupuan ko kanina. Parang wala namang naka-upo do'n. Sana wala para katabi kita, TJ.

Walang ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon