Chapter Three: Her PoV

2K 67 3
                                    

Pangiti-ngiti ako habang pasulyap-sulyap sa gwapong mong mukha, Timothy James. Ang gwapo mo kasi talaga lalo na kapag ganitong seryoso kang nagso-solve ng problem sa Math. Kung ganito ba naman ang tanawin palagi ay masaya akong mamamatay. Pero mas masaya kung nakangiti ka sa akin.

"Miss Villareal, tititig ka lang ba kay Mr. Alves?"

Nakangiti akong tumango-tango sa kung sino man ang nagtanong. Alam kong mukha na akong timang pero hindi ko pwedeng palampasin ang pagkakataon na makitang ganito ka kaseryoso, aking Timothy James Alves. Hay! Gusto ko na talaga maging pag-aari ka, TJ. Sana akin ka na talaga. Sana mahulog ka na sa akin.

"Miss Villareal!"

Napa-igtad ako sa pagkagulat nang malakas na pinalo ng teacher natin ang desk ko gamit ang hawak-hawak nitong patpat. Parang nag-echo pa ang sounds ng patpat sa tainga ko. Nagtawanan din ang mga classmate natin, maliban sa 'yo na seryosong nakatingin sa papel.

"Po?" Nakasimangot kong tanong. Kitang nagde-day dream ako eh. Hay! Timothy James, ang daming sagabal sa love story natin. Pwede bang magtanan na lang tayo? Joke lang.

"Tsk! Titigan mo na lang ba 'yang seatmate mo? Hindi ka ba magsasagot ng sarili mong papel? Aba, baka gusto mong hindi makagraduate!"

"Sabi ko nga po magsosolve na ako, Ma'am." Tinuon ko na ang atensyon sa papel ko. Buti sana kung umabot pa ako hanggang graduation. Pero sana umabot pa ako para sabay tayong rarampa sa stage, TJ.

Oh TJ, my Timothy James, siguro ang saya no'n. Tapos magcecelebrate tayo ng sabay. Kakain sa labas. Gagala. Hay! Pwede bang fast forward na agad?

--

"Hay!" Narinig kong mahabang buntong hininga mo, TJ nang makalabas ang teacher natin.

Inilapit ko ang upuan ko sa 'yo, pinaghiwalay kasi kanina para daw maiwasan ang kopyahan. Hindi pa nga tayo ay pinaghihiwalay na agad. Bakit ang saklap ng mundo sa atin? Tumukod ako sa arm rest mo. "Bakit, TJ?"

Parang pagod na pagod mo namang ibinagsak ang iyong ulo sa desk malapit sa kamay kong nakatukod do'n. "Bakit sobrang hirap ng Math? Hindi ko alam kung tama ang mga sagot ko. Mamamatay 'ata ako ng maaga dahil sa Math na 'yan."

Natutukso naman ang mga daliri kong suklayin ang medyo kulot mo'ng buhok na hindi natatakpan ng suot mong bonet. "Mahirap? Hindi naman gano'n kahirap ang mga problem kanina eh." Favorite subject ko kasi ang Math kaya hindi ako maka-relate sa 'yo, TJ.

Sinimangutan mo ako. Ang kyuti mo talaga. Parang gusto kong pisilin ang ilong mo. "Anong hindi gano'n kahirap? Halos paglaruan ko na nga lang ang mga nunbers kanina. Ahh! Sumasakit ang ulo ko!"

"Pero ang cool mo kanina, TJ. Parang alam mo ang ginagawa mo. Hindi halatang nahirapan ka."

Umayos ka ng upo at isinandal ang likod mo sa upuan. Tiningnan mo ako ng hindi makapaniwalang tingin. "Wala ka talagang nakikitang mali sa akin, 'no? Puro papuri na lang eh."

"Nakikita ko naman ang mga bad side mo, TJ. Alam kong bobo ka sa Math pero keri na 'yon. Ako ng bahala pagdating sa Math." Napangiwi ka nang banggitin ko ang salitang bobo. Sorry naman, alam kong the truth hurts. "Hindi ko lang pinapansin dahil mas magandang punahin ang mga magagandang bagay sa 'yo. Eh ikaw? Bakit puro mali ko na lang ang nakikita mo? Ayaw mo ba talaga sa akin? Hindi ka pa ba nahuhulog sa charms ko?"

Ngumiti ka lang siya sa akin at isinubsob ang mukha sa desk. "Nakaka-antok ang Math, 'no? Tulog muna ako."

Napasimangot ako. Bakit kaya hindi mo na lang sabihin kung ayaw mo sa akin? Ay hindi, ayoko pa lang marinig na ayaw mo sa akin dahil baka lalong mapadali ang kamatayan ko. Oh TJ, please be mine as soon as possible. Huh? Baka hindi na umabot sa deadline eh.

"Hindi ka ba nagugutom?" tanong ko na lang. Inayos ko ang cardigan na suot ko dahil nakaramdam ako ng lamig. Siguro dahil sa aircon o dahil lang sa sakit ko?

"Inaantok ako," bulong mo, hindi man lang ako tiningnan.

"Alam mo ba, TJ. Masaya ako dahil andito ka lang lagi sa tabi ko," mahinang sabi ko sa 'yo. Hindi ko alam kung inagaw ka na naman sa akin ni antok, lagi ko siyang kaagaw sa 'yo, o nagkukunwari ka lang tulog. "Kahit parang wala lang sa 'yo ang lahat," dugtong ko sa mas mahinang boses.

Napasandal na lang ako sa upuan at tiningnan ka. Ang antukin mo talaga kahit kailan. Kapag namatay na ako, dadalawin na lang kita lagi sa panaginip para hindi mo ako makalimutan. At saka para hindi ka malungkot. Malulungkot ka naman kapag nawala ako, 'di ba?

--

"Timothy James." Hindi ka sumagot sa tawag ko kahit magkasabay lang tayong naglalakad palabas ng school natin. Oh, 'di ba? Ang sweet natin. Lagi tayong magkasabay. "TJ," tawag ko ulit sa kanya. "Tim," tawag ko na naman sa kanya. Uwian na namin.

"Oh?"

Napasimangot ako sa tanong mong sobrang ikli. "Labas tayo? Ayoko pang umuwi eh."

Tiningnan mo ako. "Wala kang sundo ngayon?"

"Meron naman pero sasabihin ko na lang na lalabas muna tayo. Sige na, TJ. Please? Samahan mo lang ako." Gusto ko kasing maranasang mag-date kasama ka para may maibaon akong masayang moment na kasama ka, 'yong tayo lang dalawa. Wala ang mga epal nating classmste.

"Akala ko ba hindi mo ako nililigawan? Bakit nagyayaya ka na ng date?" nakangisi mong tanong at tumigil sa paglalakad.

Napabuga ako ng hangin. "Ang tagal mo naman kasing dumamoves. Kapag nawala na ako, mamimiss mo din ako. Kaya labas na tayo. Okay? Para naman may happy moments tayo. Sige na, TJ."

Yumuko ka sa akin para magkasing level tayo at ipinatong ang kanang palad niya sa ulo ko. "Hindi minamadali ang isang bagay, Krystal. At alam mo bang kapag nagyaya kang lumabas ay ibig sabihin no'n ay ikaw din ang gagastos?"

Napasimangot ako. "Bakit ganyan kang makipag-usap? Ano ako, bata? At saka alam mo naman estudyante lang ako kaya dapat KKB."

Tumawa ka at tumayo ng tuwid.

"Bakit ba pinapahirapan mo ako?" tanong ko sa 'yo. Nasasaktan din naman ako sa pambabaliwala mo sa akin. Oo, nakakausap kita ng ganito pero 'yong gusto ko ay hindi ko makuha.

"Walang forever, Krystal." Tumingin ka sa akin ng seryoso. Ang mapanlokong ngiti ay nawala napalitan ng seryoso. Akala ko ang cool mong tingnan kapag seryoso pero nakakatakot pala. "Hindi ka magiging masaya sa akin. Sa iba mo na lang ibaling ang pagkagusto mo sa akin. Bata pa tayo. Makakahanap ka pa ng ibang magpapasaya sa 'yo at alam kong hindi ako 'yon."

Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko at nag-iinit na ang mga mata ko. Sumigaw ako ng sobrang lakas. "Wala akong narinig. Hindi kita naintindihan! Wala akong narinig," paulit-ulit kong sigaw habang umiiling-iling ng sobrang dami.

Tumakbo na ako dahil ayokong makita mo na naman akong umiiyak. Ayoko ring marinig pa ang mga sasabihin mo. Masyadong masakit sa puso. Kahit wala akong sakit sa puso ay pakiramdam ko ay mas malala pa ako sa may sakit sa puso. Kaya pala sabi nila, mahalin mo ang isang taong hindi ka mahal ay araw-araw kang mamamatay, araw-araw mong mararanasanan ang sakit.

"Krystal!" sigaw mo pero hindi mo naman ako sinundan. Ang daya, dapat susundan at yayakapin niya ako habang nakatalikod. Wala ba siyang alam sa mga ganoon?

Humarap ako sa 'yo nang ilang metro na ang layo. Basta 'yong malayong hindi mo na mapapansin ang mga luha kong tumutulo. "Niyaya lang naman kitang gumala ang dami mo pang sinabi na makakadagdag ng sakit ko. Kung ayaw mo naman at wala kang pera, pwede namang next time! Wala ka talagang awa, Timothy James!" sigaw ko at tumakbo na papalayo.

Nang makarating ako sa kotse ay hinihingal ako na parang hinahabol ang hininga ko. Latang-lata akong napa-upo sa back seat. Bawal nga pala sa aking mapagod. Nakalimutan ko. Kasi naman sa sobrang sakit ng mga sinabi mo, TJ ay hindi ko na naisip ang ibang bagay.

Pinunasan ko ang luha at pumikit dahil nakaramdam ako ng hilo hanggang sa makatulog ako.

Kinagabihan ay inapoy ako ng lagnat. Ayon, sanay na ako na bigla-bigla na lang nilalagnat sa kalagitnaan ng gabi. Alalang-alala naman ang Mommy ko. Gusto ko mang sabihin na okay lang ako at hindi pa mamamatay ay hindi ko naman magawang magsalita dahil sa panghihina.

Hay, Timothy James, kasalanan niya 'to eh. Kung hindi niya winasak ang inosente kong puso eh 'di sana masaya ako ngayon. Pero kahit binasted na niya ako ng dalawang beses ay hindi ko siya titigilan hanggang sa mamatay ako.

Walang ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon