Chapter Ten: His PoV

1.9K 69 7
                                    

Araw-araw binibisita kita. After school ay sa 'yo agad ako dumirediretso. Minsan ay diyan na din ako nakakatulog. Nagpapalit lang ako ng damit sa bahay namin.

Alam kong nakakasama sa akin ito pero ayokong sayangin ang oras na hindi tayo magkasama. Siguro nga mas okay na 'to. Makakasama kita. At kung iwan mo naman ako ay madali akong makakasunod. Dahil ayokong iwan mo. Ayokong maiwan mo. Sa halos dalawa at kalahating buwang kasama kita ay sa 'yo na lang umiikot ang mundo ko.

"Krystal, may pasalubong ako ngayon sa 'yo," masaya kong bungad sa 'yo pagkabukas ko ng pinto. Alam ko kasing hinihintay mo ang pagdating ko.

Nakangiti kang bumangon sa pagkakahiga at umupo sa kama. "Ano? Wala ka namamg dala eh. Niloloko mo na naman ako," nakasimangot at nagpapacute ka na naman.

"Papa, pasok ka na dito," tawag ko kay Papa na nasa labas. Tumingin ulit ako sa 'yo. "Papahiramin ko muna ulit sa 'yo si Papa. Pagsisilbihan ka niya ngayong boong araw habang nasa school ako." Siya muna ang magpapasaya sa 'yo habang wala ako sa tabi mo. Baka kasi malungkot ka at iwan mo ako.

"Talaga?" Nagningning ang mga mata mo. Napapangiti na lang ako sa tuwing nakikita kong buhay na buhay ang mga bilugan mong mata, Krystal.

"Yap." Lumapit ako sa 'yo at inayos ang wig na suot-soot mo. May soot kang wig. Hindi ka na nagbobonet. Wig na lang lagi. At ako ang bumibili noon para sa 'yo. Natuwa ka pa nga noon una kitang binilhan. Sabi mo pa nga, para kang cosplayer. Gandang ganda ka sa sarili mo. "Siya muna ang kapalit ko habang nag-aaral ako ng mabuti." Kininditan kita.

"Thank you, TJ." Tumingin ka kay Papa. "Kamusta po, Papa?"

Iniwan ko na kayong dalawa at pumasok na ako sa school. Ayaw mo kasi ng boyfriend na pala-absent. Kaya kahit ayoko ay pumapasok ako. Kung alam mo lang na halos pabilisin ko na ang oras para makita lang kita at makasama, Krystal.

--

"Habang nagbabasa ako sa mga facebook at page. Lagi nilang sinasabi na walang forever. Meron kayang forever," pagkukwento mo habang nakatingin ka sa phone, Krystal.

"Sa fairy tale lang may forever, Krystal."

Sumimangot ka naman dahil sa pagsang-ayon ko. "Meron kayang forever. Tayo. Forever. Forever ka ng nasa puso ko. Forever na akong nasa puso mo. Kahit mamamatay pa ako ay mananatili ako sa puso mo, 'di ba? Hindi mo naman ako makakalimutan, 'di ba?" Nang tanungin mo ang huli ay may pag-aalinlangan akong narinig sa boses mo.

Ngumiti ako sa 'yo at hinawakan ng mahigpit ang kamay mo. "Hindi." Dahil susunod agad ako sa 'yo.

Napangiti ka sa sagot ko. "I love you, Timothy James Alves."

Natigilan ako sa narinig ko. Kumabog ang puso ko. Unang beses mong sinabi ang mga katagang iyon. Dahil sa pagkabigla ko ay niyakap kita ng sobrang higpit. "I love you. I love you. I love you, Krystal Villareal. I love you so much. Please don't leave me. H'wag mo akong iiwan, ha? Lumaban ka, ha?"

"Timothy..."

"Hindi ko kakayanin, Krystal kapag nawala ka. Hindi ko makakaya. Ayoko. Ayokong maiwan." Napa-iyak na ako sa balikat mo. Para akong batang iiwan. My shoulder's started to shake. Hindi ko na mapigilan.

"Timothy James..." Hinagod-hagod mo ang likod ko.

"Lalaban ka naman, 'di ba? Ano bang alam ng doctor kung kailan ka mamamatay? Wala naman silang alam eh. Kaya h'wag mo akong iiwan, ha?"

"Timothy, please." Pinilit mong kumalas sa akin at tiningnan ako sa mga mata. Pinunasan mo rin ang luha sa mga mata ko. "Sorry pero hindi ko maipapangako. Sobrang nahihirapan na ako, TJ. Nahihirapan na ako. Gusto ko nang sumuko. Hinang hina na ako."

"Krystal."

You cupped my face and smiled. "Mapalad pa rin ako dahil nakilala kita ng lubusan. Nakasama kita sa mga panahong gusto ko ng sumuko. Alam mo bang ikaw ang isa sa mga dahilan kaya nakatagal pa ako ng tatlong buwan? Kung hindi kita nakilala. Kung hindi pumayag ang Mommy ko na magtransfer sa school na pinapasukan mo ay matagal na sanang sumuko ang katawan ko sa sakit ko."

"Paano ako?" Helpless kong tanong.

"Mabuhay ka para sa akin."

"Mahirap ang hinihiling mo kung ikaw naman ay mawawala. Hindi ko kaya, Krystal. Hindi ko kakayanin. Kung makaya ko man ay baka humihinga lang ako pero ang nasa loob ko ay gustong gusto ng mamatay."

"TJ." Pinunasan mo ang luhang tumutulo sa mga mata ko. "H'wag namang ganyan. Malakas ka. Nakakapag-aral ka. Naiinggit nga ako sa 'yo dahil ang dami mong nagagawa na hindi ko na kayang gawin ngayon."

Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko. Kung alam mo lang, Krystal. Kung alam mo na lang na maari akong sumunod sa 'yo kung gugustuhin ko.

"Timothy James."

"Krystal." Umiling ako. "Hindi ko kaya. H'wag mo akong iiwan," paki-usap ko pa. Kung pwedeng magmakaawa para hindi mo ako iwan ay gagawin ko.

Ngumiti ka sa akin at inilapit ang mukha mo sa mukha ko. "Hindi kita iiwan," bulong mo at nagdaiti ang mga labi natin.

Napaluha na naman ako nang banayad na lumapat ang maputla mong labi sa labi ko. Our second kiss. "Pangako?" Tanong ko matapos ang halik.

"Pangako." Nakangiti mong sabi. Humiga ka na sa higaan. "Pwede bang dito ka matulog ngayong gabi? Pwede bang hawakan mo ang kamay ko hanggang sa makatulog ako, James?"

Tumango ako at dinampian ka ng halik sa noo. "I will. Take a rest. Gumising ka bukas, ha?"

Ngumiti ka sa akin. "Good night, TJ. Pahinga na ako."

--

Matapos ang pag-uusap natin ay nakahinga ako ng maluwag. Masaya akong pumasok sa school. Hindi na nga kita nagising dahil ayokong abalahin ka pa sa pagtulog.

Nang matapos ang klase ay pumunta akong Mall para bumili ng mga bagay na ibibigay sa 'yo, Krystal. Nagtataka nga ang sales lady kung para saan ang wig. Napagkamalan pa 'ata akong bading. Sa gwapo ko 'tong 'to, Krystal. Muntik na akong mapagkamalang bading!

"May binili na naman ako sa 'yo, Krystal. Alam kong babagay 'to sa 'yo," nakangiting bungad ko sa 'yo nang buksan ko ang pinto.

Natigilan ako nang makita ko ang Mommy mo na umiiyak, Krystal. Kinabahan ako at mabigat ang mga paa na naglakad papalapit sa hinihigaan mo, parang ayaw humakbang  ng mga paa ko nang mga sandaling 'yon. "Krystal... Krystal... Krystal..." Paulit-ulit kong tawag sa 'yo, mahina lang, halos pabulong pero hindi ka man lang gumalaw o umungol. Hindi mo ba naririnig ang boses ko dahil paanas lang ang pagkakabigkas ko?

Nabitawan ko na ang paper bag na naglalaman ng prutas at wig na para sana sa 'yo. Hinawakan ko ang kamay mong malamig na. "Krystal, gising ka na. Andito na ako. Kakarating ko lang. May binili pa naman akong bagong wig. Hindi ba gusto mo ng pink na wig? Nakahanap na ako. Alam mo bang muntik na akong mapagkamalang bading kanina?" Malumalay ko pa ring sabi sa 'yo pero hindi ka pa rin gumalaw.

Tumulo na ang luha ko. Pinunasan ko iyon gamit ang palad ko. "Krystal, nag-usap tayo, 'di ba? Sabi mo hindi mo ako iiwan. Sabi mo lalaban ka. Sabi mo... sabi mo... Krystal, gumising ka na, oh. Pakiusap naman buksan mo ang mga mata ko. Tumingin ka ulit sa akin at ngumiti katulad nang ginagawa mo tuwing darating ako. Krystal, please. Nagmamakaawa ako."

"TJ..." narinig kong tawag sa akin ng Mommy mo pero hindi ko iyon pinansin.

Napa-upo na ako sa sahig dahil sa pangangalog ng tuhod. "Krystal, bakit naman ganyan? Bakit naman ganyan? Sabi mo hindi mo ako iiwan eh. Naniwala ako, Krystal. Naniwala ako na lalaban ka pa diyan sa sakit mo. Naniwala ako sa 'yo, Krystal pero bakit?"

Sabi ko naman sa 'yo na hindi ko kaya kung wala ka pero sumuko ka at iniwan mo pa rin ako. Ayaw mo na ba akong makasama?

Krystal, hindi mo man lang ako inisip.

--

michiimichie

Tapos na po 'to. Epilogue na lang. Thank you!

Walang ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon