Chapter Two: Her PoV

2.6K 88 3
                                    

"Timothy James!" Sigaw ko nang makita kita, TJ na halos medyo malayo sa akin. Tumakbo ako para maabutan kita. Close na tayo. O feeling close lang talaga ako?

"TJ!" sigaw ko ulit dahil hindi ka tumigil sa paglalakad. Ang sarap banggitin ang buo mong pangalan pero gusto ko pa rin kitang tawaging TJ.

Nang maabutan kita ay kumapit ako sa braso mo na sobra mong ikinagulat. Muntik mo na akong maitulak. "Aish! Ano na naman? Bakit nanggugulat ka?" sigaw mo.

Natigilan ako dahil sa isang linggo nating laging magkasama, lagi akong nakabuntot sa sa 'yo, ay ngayon lang mo ako nasigawan kahit sobrang clingy ko na sa 'yo. "Sorry. Kanina ko pa kasi ikaw tinatawag. Hindi ko naman alam na hindi mo ako naririnig dahil may nakasalpak diyan sa tainga mo."

Kumalas ka sa pagkakahawak ko sa braso mo. "Sorry din. H'wag ka kasing manggugulat. Papaano kung atakihin ako sa puso at mamatay?"

Nanlaki ang mga mata ko sa pagkagulat. "May sakit ka din? I mean... may sakit ka sa puso?"

Sa ikinagulat ko ay tumawa ka ng sobrang lakas. Napakunot-noo ako. May nakakatawa ba sa sinabi ko?

"Krystal, wala akong sakit sa puso. Tsk!" natatawa mo pa ring sabi at ginulo ang buhok ko.

Napahinga ako ng maluwag. "Hay! Akala ko mayron ka ng sakit. H'wag namang ganyang biro, Timothy Jmaes. Hindi mo ba alam na kinabahan ako?" Naluluha na ako kaya naglakad ako papalayo sa 'yo. Ayokong makita mo akong umiiyak dahil ang pangit ko kapag umiiyak. Baka ma-turn off ka lang sa akin.

"Krystal, umiiyak ka ba?"

Hindi ko pinansin ang pagtawag mo sa akin. Nakakainis eh. Ang daming pwedeng gawing biro, 'yon pa!

"Hoy, Krystal!" Naramdaman kong hinawakan mo ako sa braso kaya napaharap ako sa 'yo. Napahikbi ako. "Bakit ka umiiyak?"

"Kasalanan mo eh!" Napahagulhol na ako sa pag-iyak habang pinupunasan ng dalawa kong palad ang walang tigil sa pagtulo ng luha ko.

Napatingin ka sa paligid dahil gumagawa na tayo ng eksena. Pinagtitinginan na tayo ng mga tao. "Hoy, Krystal, tama na 'yan. Baka isipin ng iba na pinapaiyak kita d'yan."

"Ikaw naman talaga ang may kasalanan ah!" Sigaw ko sa 'yo.

"Aish!" Ang sumunod na ginawa mo ay nakapagpatigil sa paghagulhol ko. Niyakap mo ako. Namilog ang mga mata ko sa pagkagulat. "TJ?"

"Tahan na, okay? Hindi pa nga tayo ay baka isipin na agad ng iba na may LQ na agad tayo."

Napangiti na ako sa sinabi mo.

--

Nasa classroom na tayo. Magkatabi. Tahimik ka lang habang ako ay abala sa pagtetext. Nakalimutan ko kasing uminom ng gamot kanina kaya pinapadala ko sa Mommy ko.

"So... bakit ka umiyak kanina?"

Napatingin ako sa 'yo, TJ. "Concern ka? Gusto mo na ba ako? Liligawan mo na ba ako?"

"Hindi." Napasimangot ako sa sagot mo. "Nagtataka lang ako dahil wala naman akong sinabi kaninang nakakaiyak pero dinaig mo pa ang baby sa paghagulhol."

"Na-turn off ka na ba sa akin? Ang pangit ko bang umiyak?" nakasimangot kong tanong, nagpapaawa or I must say nagpapa-cute.

"Na-turn on ba ako sa 'yo kahit isang beses simula noong unang araw mo palang dito?" pang-aasar mong tanong.

"Aray ko, bhe!" eksaherada kong daing. "Mga simple lang mga banat mo pero talaga namang tagos-tagusan sa puso, bhe. H'wag gano'n, bhe! Masaquette!"

Tumawa ka na naman dahil sa OA kong reaksiyon. Napangiti na lang din ako dahil ang sarap pakinggan ng tawa mo. Sana marinig ko pa ang tawa mo ng mas matagal. Dapat pala noon pa ako lumapit sa 'yo at naglakas ng loob na makipagkilala. Sana matagal na akong ganito kasaya.

Walang ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon