Chapter Six: Her PoV

1.7K 66 5
                                    

Halos umabot na ang ngiti sa labi ko nang makita kita sa loob ng classroom, TJ. Nakahalumbaba ka na naman at nakapikit ang mga mata. Tulog ka na naman? Nagseselos na talaga ako diyan kay Tulog. Pero bakit ang gwapo mo pa rin kahit nakapikit?

Huminga ako ng maraming beses at feeling magandang lumapit sa aking boyfriend. Ay! Kinikilig ako sa word na boyfriend! Shemay ka naman kasi, TJ. Binibigla mo ang inosente kong puso. Kung alam mo lang na halos ay hindi ako makatulog kagabi dahil sa mga sinabi mo kay Kuyang Kyuti.

Pero ang daya mo rin, Timothy James. Hindi ka man lang nahirapang ligawan ako. Hindi naman kita papahirapan. Pwede ka namang magtanong kung pwede mo akong ligawan at automatic sasagutin na kita. Papatagalin ko pa ba kung bilang na ang araw ko dito sa mundong ibabaw?

Tahimik akong umupo sa upuan ko at naghalumbaba din, pinagmasdan ang boyfriend ko. Shems! Shems! Kinikilig talaga ako. Ang landi ko naman! Eh kasi!

Nang maramdaman mo 'atang may nagmamasid sa 'yo ay nagmulat ka ng mata at saktong nagkatitigan tayo. Ngumiti ako sa sa 'yo bilang pagbati.

Inirapan mo lang ako at umub-on sa desk mo. Itinago mo ang gwapo mong mukha! Ang suplado mo namang boyfriend, Timothy James. Hmp! Tama bang irapan ang girlfriend?

"James..." Hindi ka tumugon. "Timothy James..." Hindi ka na naman tumugon. Isa pa at kapag hindi ka sumagot at sisigaw na talaga ako. "Tim..." Napabuga ako ng hangin at inihanda ang sarili ko para sumigaw.

Nang nakabuka na ang bibig ko ng malaki ay bigla kang tumingin sa akin kahit nakasandal pa sa desk ang mukha mo. "Papasukin ng langaw ang bunganga mo."

Napatikom ako ng bibig. Natawa ka naman. Sinimangutan naman kita. Hay! Ano ba tayo? Joke lang ba 'yong sinabi mo kahapon? Kasi naman after mong sabihing may boyfriend na ako ay inihatid mo lang ako sa kotse. Tapos iniwan mo ako ng walang imik. Eh ako, natanga dahil nabigla pa rin ako sa mga ginawa at sinabi mo kay Kuyang Kyuti, ayon... hindi kita nahabol.

Napahinga na naman ako ng malalim at inirapan kita. Bigla kang umayos ng upo at ipinatong ang kamay mo sa ulo ko na may soot na bonet. Nanlaki ang mga mata ko sa pagkabigla dahil sa ginawa mo. Automatic din nahawakan ko agad ang bonet sa ulo ko.

"Oh? Bakit ganyan ang reaction mo? Epic talaga ng mukha mo kapag nagugulat." Nagtataka mo’ng tanong pero hindi mo pa rin tinatanggal ang kamay sa ulo ko.

Napangiwi na lang ako at tumawa ng peki. "He-he. Ayoko kasi ng hinahawakan ang buhok ko. Nagugulo ang hairstyle ko."

Napatango-tango ka. "Okay." Tinanggal mo ang kamay na nakapatong sa ulo ko sa wakas. Pasimple akong napahinga ng malalim. "Babae ka nga pala. Napaka-importante ng hairstyle."

"He-he. Oo eh." Inayos ko na lang mabuti ang bonnet.

"Baka naman hindi ka naligo kaya ayaw mong pakita ang buhok mo."

"Grabe ka naman!" Nahampas kita sa braso dahil sa tinuran mo. "Naliligo ako araw-araw, for your information, Mr. Alves."

"Defensive masyado."

Inirapan na lang kita. Hindi pa nga talaga tayo magboyfriend-girlfriend. Echoss lang ang nangyari kahapon. Ang sakit. Umasa ako, TJ.

--

Dahil partner daw ang pagsosolve ng mga problem sa Math ay ikaw ang partner ko, TJ. My partner forevs! Nakakakilig ang team up natin! Kakalimutan ko muna ang sakit na nararamdaman ko dahil sa hindi pa pala tayo magkasintahan.

"Ah! Ganyan pala 'yan," mahinang sabi mo habang nakatingin sa papel na sinusulatan ko. Napatingin ako sa 'yo at sobrang lapit ng mukha mo sa mukha ko, TJ. Shemay naman oh! Nawawalan ako sa konsentrasyon dahil sa sobra’ng lapit mo.

Walang ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon