Chapter Eight: Her PoV

1.6K 61 2
                                    

"Papa, Mama, si Krystal Villareal po, manliligaw ko."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi mo, TJ. Ako, manliligaw mo? Tiningnan kita ng masama at siniko sa gilid. Kung kanina kinakabahan ako, ngayon hindi na. Ibungad ba naman ang gano'n. "Timothy James!" Banta ko sa ‘yo.

"Oh bakit?" Nakamaang na tanong mo sa akin.

Inirapan na lang kita at tumingin sa mag-asawang nakangiti pareho sa akin. "Magandang umaga po. T-tita, Tito, girlfriend po ako ng TJ na 'yan." Sinimangutan ko pa ikaw nang tingnan ko at ngumiti naman sa magulang mo. Pinagmasdan ko sila. Kamukhang kamukha mo ang Papa mo, TJ. Nakuha mo naman ang labi mo sa Mama mo.

Pero bakit kaya wala ang kapatid mo? Siguro nasa girlfriend niya.

"Nice to meet you, at last, Krystal." Niyakap ako ng Mama mo, TJ at masaya ko naman 'yong tinanggap. "Matagal ka ng kinukwento sa amin ni Tim. Ang kulit mo daw. Halos araw-araw daw ay nakabuntot ka sa kaniya simula noong magtransfer ka sa kanila. Nagpapasalamat ako at dumating ka nga—“

"Ma', paupuin niyo muna si Krystal. Baka napagod na 'yan," putol mo sa sasabihin ng Mama mo.

Kumalas sa akin ng yakap ang Mama mo, TJ at ngumiti ng sobrang aliwalas. "Oh siya, paghahanda ko  muna kayo ng merienda," sabi ng Mama mo. "Krystal, feel at home."

"Opo, Tita. Thank you."

Umupo na tayo sa may sala. Habang ang Mama mo ay pumunta na sa may kitchen. Napatingin ako sa Papa mo, TJ na kanina pa tahimik. Nginitian ko siya pero hindi man lang siya ngumiti.

Humawak ako sa braso mo. "Galit ba ang Papa mo?" mahinang bulong ko sa 'yo.

"Hindi, ganyan lang talaga ang hilatsa ng mukha niyan," nakangiti mong sagot at biglang inakbayan ako. "Pa, hihiramin ka daw muna ni Krystal. Gusto ko kasing iparanas sa kanya kung ano ang pakiramdam ng may ama'ng katulad mo. Ngumiti ka naman, 'Pa. Hindi bagay sa 'yo ang seryoso. Baka matakot ng tuluyan ang girlfriend ko."

"Akala ko ba manliligaw mo ako?" nakasimangot na bulong ko sa kanya.

"Manliligaw pa lang pala." Natatawang biro mo na lalong kinasimangot ko. "Mamaya ko pa pala siya sasagutin. Baka kasi hindi pabor ang parents ko. Alam mo na, strict ang parents ko. Hindi ba, Papa?"

Siniko lang kita at natatawa ka naman napalayo sa akin. "Papa oh, tama bang sikuhin ang nililigawan niya. Dapat ko pa ba siyang sagutin? Inaapi niya ako!"

"Timothy James!" Sigaw ko sa pangalan mo. Feel na feel eh.

Tumawa ka lang ng malakas at tumayo, TJ. "Iwan ko muna kayo nang magkamoment naman kayo. Parang sa ibang bansa pa kumuha ng merienda si Mama eh. Sunduin ko lang at baka naligaw na."

Nang makaalis ka na, TJ ay sobra akong nailang. Tumingin ako sa seryosong mukha ng Papa mo. Nakakatakot naman. Kung ganito ang Papa ko, ay naku! Kahit wala na. Joke. Siguro kung nasanay lang akong may Papa sa loob ng tahanan ay magiging okay ang ganitong atmosphere.

Kaso wala naman akong amang nakagisnan.

Biglang tumikhim ang Papa mo sa pagkagulat ko, TJ. Napatingin ulit ako sa kanya.

"So... kamusta ang panliligaw sa anak ko?" Halos mahulog ako sa kinauupuan ko dahil sa narinig. Napangiwi ako. "Po?"

"Alam mo, Krystal, medyo maarti ang anak ko. Ayaw niyang magulo ang kwarto niya. Laging nasa tamang lugar ang mga gamit niya. Ayaw niyang isinasama ang medyas sa mga damit niya. Sobrang maselan siya sa lahat ng bagay. Sa pagkain naman ay medyo pihikan siya. Hindi niya madalas nauubos ang pagkain. Ayaw niya ng beef. Favorite niya ang chicken. Sa gulay naman ay okay lang."

Walang ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon