Chapter Four: Her PoV

1.8K 66 2
                                    

Ilang araw akong absent kaya naman sobrang namimiss na kita, TJ. Ako kaya namimiss mo? Asa. Pero sana namimiss mo rin ako para masaya.

Hay, TJ! Kahit may sakit ako ay ikaw pa rin ang naiisip ko. Ang landi ko talaga, pero sa ‘yo lang naman.

Paano ba naman, ikaw na lang, maliban syempre sa Mommy ko, kinakapitan ko para ituloy pa itong buhay ko kahit sobrang masakit na. Ang sakit talaga, TJ. Parang gusto ko na lang magpahinga kesa maramdaman itong sakit na nararamdaman ko. Idagdag pa ang walang forever na sinsabi mo.

Hay! Kung wala ka lang talaga, Tj, matagal na akong patay. Ayoko kasing makikitang malungkot ang Mommy at nahihirapan kaya mas gusto kong mawala na lang kesa naghihirap din siya’ng katulad ko.

“Mommy…” mahina kong tawag kay Mommy habang abala ako sa paglalagay ng concealer sa ilalim ng mata ko. Kailangan ko ito para hindi ako magmukhang may sakit kahit sobrang halata nang may sakit ako. Sobrang payat ko na kumpara noon. Pero hindi mo naman alam kung gaano ako kapayat noon, TJ.

“Yes, baby?”

“Mommy, how about my hair? Ang daming nanlagas kanina no’ng naligo ako. Paano na ‘to? Baka mahalata nila na may sakit ako,” nag-aalala kong tanong habang nakatingin sa salamin. Ang dating makapal kong buhok ay naging manipis na lang. Kailangang mas maging maingat ako sa buhok ko.

“Krystal…” malungkot na tawag sa akin ni Mommy.

--

Pumasok ako sa classroom ng tahimik. Ramdam ko na nakatingin sa akin ang mga classmate natin pero hindi ko pinansin. Medyo nahihilo ako.

Nang makarating ako sa upuan ko ay umub-ob ako. Sinilip kita sa gilid ng mata ko, TJ. Napangiti ako ng lihim nang makita kong nakakunot ang noo mong nakatingin sa akin. Curious ka kaya? Curious ka ba kung ano ang nangyari sa akin, Timothy James?

Yay! Parang gusto kong kiligin! Kikiligin na ba ako, akong Timothy James?

Itinagilid ko ang ulo ko at nakangiting tumingin sa 'yo, TJ. Hindi ka nagsasalita kaya naman hindi din ako nagsasalita. Kunwari may konti akong tampo dahil sa nangyari sa atin no'ng huli tayong magkita.

"What's with the bonnet hut?"

Napangiti ako dahil ikaw itong unang nagsalita. "Namiss mo ako, 'no?"

"Bakit naman kita mamimiss? Sobra ngang tahimik no'ng wala ka. Wala nang bubuntot-buntot sa akin. Wala nang hahawak bigla sa akin. Wala nang nagbibigay ng nakakadiring flying kiss. Wala nang titig sa akin habang nagququiz. Wala nang parang guard na ilalayo ako sa mga babae'ng gusto akong maka-usap. So... sapalagay mo mamimiss kita dahil three days ka lang namang absent?"

Matapos kong marinig ang napakahabang mong sinabi ay nawala ang nakapaskel na ngiti nasa labi ko. Napakagat-labi ako. Tiningnan kita ng masama bago ko itinago ang mukha ko sa pamamagitan ng pag-ub-ob ulit. Mas gusto ko ng kaharap ang desk ko kesa makita mong nasasaktan ako sa mga masasakit mong salita.

Ang sama mo talaga, Timothy James. Hindi ka man lang pumiyok sa mga sinabi mo. Hindi ka man lang nag-stammer. Hindi ka man lang naawa sa akin. How can you be so cruel, Timothy James? Huh?

"Sobrang namiss kita'ng baliw ka."

Mabilis pa sa alas kwarto'ng napatingin ako sa 'yo. Napa-upo ako ng tuwid at tumingin sa 'yo. "A-anong sabi mo?" Nauutal-utal ko pang tanong. Baka kasi sa imagination ko lang 'yon narinig. Baka kasi...

Umiwas ka ng tingin sa akin at humarap sa may bintana ng classroom. "Walang ulitan. Ang bingi mo eh."

Nagform na ang ngiti sa labi ko. Shemay! Totoo na 'to! Nangyayari na ang mga gusto kong mangyari! Nahuhulog ka na sa akin! Sobrang na-a-attach ka na sa akin! Shems! Shems! Nahihiya ka lang siguro na sabihin ulit 'yon. Shemay talaga! Kinikilig ako ng bongga! Dapat na talaga akong kiligin! Shemay!

"Sana sa susunod, 'I love you' naman ang marinig ko sa 'yo," umaasang sabi ko.

"Asa."

Kahit ganoon ang sagot mo ay hindi pa rin nawala ang ngiti ko. Hinila ko ang upuan ko at itinabi sa upuan mo. "Alam mo ba kung bakit ako nakabonet?" Napahagikhik ako sa naisip ko.

Tumingin ka sa akin. "Bakit?"

Inilapit ko ang mukha ko sa 'yo at bumulong, "Para magkatulad tayo, para may magkatulad tayo. Kung ang ibang magjowa d'yan ay may couple shirt, couple phone, couple bracelet, couple shoes, couple... couple... basta may couple. Tayo naman ay may couple bonnet hut. Isn't that sweet, Timothy James?"

Napangiwi ka at inilayo ang mukha ko sa pamamagitan ng pagtulak mo sa noo ko gamit ang hintuturo. "Baduy mo. Korni. Dami mong alam."

"Ang kyuti kaya, TJ."

--

Habang naglalakad tayo sa may pasilyo para pumunta sa canteen ay napapatingin sa atin ang ibang studyante. Paano ba naman ay pareho tayong nakabonet. Kitam! Mukha na tayong couple!

"Para silang may mga cancer, 'no? Lalo na 'yong babae."

Napatigil ako sa paglalakad nang marinig ko ang isang babae na nakatayo sa medyo kalayuan sa atin. Ikaw naman, TJ ay nauuna ng naglalakad.

"Oo... ang payat no'ng babae na parang kapag umihip ng malakas ang hangin ay madadala siya."

"And her eyes, halata namang naglalagay lang siya ng concealer."

Napakagat ako sa lower ko nang marinig ko ang bulungan ng grupo ng mga babae.

"Krystal, bilisan mo!"

Napatingin ako sa nakangiting muka mo, TJ. Ngumiti ako sa 'yo. "TJ, una ka na sa canteen. CR muna ako, ha?"

Hindi na kita hinintay na sumagot at naglakad na ako papuntang cr. Nang makapasok ako ay tiningnan ko ang reflection ko sa salamin. Tumulo ang luha ko sa nakita.

Ang pangit ko na. Lubog ang mga mata. Sobrang payat ko na rin. Siguro kaya ayaw mo sa akin, TJ ay dahil sa itsura ko. Mas mukha pa akong bangkay kesa sa mga namatay na.

Pinunasan ko ang luhang tumulo. Huminga ako ng maraming beses at ngumiti sa sarili ko. "Namiss ka daw ni TJ, hindi ka naman no'n mamimiss kung wala siyang nararamdaman sa 'yo eh. Ngiti ka na, Krystal."

--

"Oh? Sa akin 'yan?" Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Totoo bang ibinili mo ako ng lunch, TJ? Isa kasi sa katangian mo ay ang sobrang kakuripotan. Pero love pa rin kita.

Ngumiti ka. "Ayaw mo? Treat ko 'yan dahil bumalik ka na sa ulit sa school."

Napangiti na ako sa sinabi mo at umupo sa upuan. "Namiss mo talaga ako, 'no? Sabihin mo nga ulit na namiss mo ako."

Inirapan mo ako. "Kumain ka na diyan. Pataba ka."

Napasimangot ako. "Inborn na akong payat kaya kahit gaano pa kadami ang kainin ko ay hindi ako tataba," pagdadahilan ko.

Tumango-tango ka lang at kumain na ng pagkain mo. Napangiti na lang ako.

"Thank you, Timothy James. Pwede ko bang i-consider na date 'to?" biro na may halong katotohanang tanong ko at nagsimula nang kumain.

Tumawa ka ng mahina? TJ. "Bahala ka."

Napakunot-noo ako dahil bakit parang nag-iba ka, TJ? May sakit ka ba? O sobrang namiss mo lang ako? Wahh! Paulit-ulit ako. Eh kasi naman hindi pa rin ako makapaniwalang namiss mo ako. Shocks talaga 'yong sinabi mong namiss mo ako.

"Oh? Wala akong sakit. Kumain ka na d'yan."

"Okay." Umiling na lang ako sa isip. Baka narealize mo na na mahal mo na talaga ako! Shems! Kung ano-ano ng iniisip ko.

Habang kumakain tayo ay pasulyap-sulyap ako sa 'yo. Dati naiilang ka sa akin kapag ganitong pasulyap-sulyap ako sa 'yo pero ngayon ay nakasanayan mo na. Kapag nahuli mo akong nakatingin ay ngingiti ka lang sa akin.

Gusto ko sa huling paghinga ko ay ang mga ngiti mo'ng iyon ang makikita ko.

Walang ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon