Chapter Seven: Her PoV

1.4K 63 7
                                    

Ito ang unang araw na boyfriend kita, TJ. Nakangiti akong pumasok sa classroom pero nawala iyon nang hindi kita makita sa upuan mo. Ngayon lang nangyari na hindi ka maagang pumasok.

Sa tuwing dumadaan ang oras ay lagi akong nakatingin sa pintuan ng classroom pero walang TJ na dumating. Lunch break na pero asan ka na, Timothy James?

Hindi sana ako tatayo sa upuan pero naalala ko na ayaw mo nga pala, TJ ng girlfriend na lumiliban sa pagkain, kaya kahit wala akong ganang kumain ay naglakad na ako papuntang canteen.

Timothy James, where are you?

--

Friday na. Wala pa rin akong Timothy James na nakikita. Three days ka ng absent, TJ. Nag-aalala na ako sa 'yo. May nangyari bang hindi maganda? Nabundol ka ba ng isang rumaragasang sasakyan at ngayon ay nakaconfine sa isang Hospital? Naholdap ka ba at sinaksak dahil hindi mo agad binigay ang hinihingi?

TJ! Kahit ayokong mag-isip ng masama ay hindi ko mapigilan. Sobra akong nag-aalala. TJ, naman! Paramdam ka naman.

Pero sana h'wag bilang multo. Natatakot ako sa paranormal na bagay.

Hay! Nagtanong na ako sa mga classmate natin at ang sabi lang ay madalas mo iyong gawin, TJ. Aabsent ng three to five days at parang wala lang na papasok ulit. Walang kang ka-close sa loob ng classroom dahil mas pinipili mo na lang matulog kesa makipag-usap. Ako nga lang daw ang walang sawang nakikipag-usap sa 'yo, TJ.

Hay! Timothy James, nasaan ka na ba? Nag-aalala na ang girlfriend mo. Bakit hindi ka man lang nagpaparamdam sa girlfriend mo?

Sa tagal-tagal na pagbuntot ko sa 'yo, TJ ay hindi ko man lang naisipang kunin ang cellphone number mo. Ayan tuloy hindi ko alam kung paano ka makaka-usap.

--

Uwian na. Bumaba na ako sa kotse nang tumigil ito sa tapat ng bahay namin. Ang lungkot ng mukha ko habang nakatingin lang sa daan. Napapabuntong-hininga pa ako. Ikaw kasi, TJ. Sobra ka namang magpamiss.

"Krystal."

Naiiyak na ako. Sobrang namimiss na kasi kita, TJ. Pakiramdam ko tuloy ay naririnig ko ngayong ang boses mo na tinatawag ang pangalan ko. Alam mo namang gustong-gusto ko na tinatawag mo ako sa pangalan ko, 'di ba?

"Krystal." Biglang may humawak sa kamay ko na ikinagulat ko. Tiningnan ko kung sino 'yon at nagulat ako. "Timothy James!" Niyakap kita agad ng sobrang higpit. "Saan ka ba nanggaling? Bakit pinag-aalala mo ako? Ayoko ng boyfriend na pinag-aalala ang girlfriend niya."

Tumawa ka ng mahina habang niyakap din ako ng mahigpit. "May girlfriend na nga pala ako. Dagdag na naman sa sakit ng ulo. Tsk! Tsk!"

"Baliw ka!" Hinampas kita ng mahina sa may likod.

"Pasensya na, Krystal. Sinugod kasi ang kapatid ko sa hospital at kailangan ko siyang bantayan do'n."

Nabigla ako sa sinabi niya. "Sinugod sa Hospital? Bakit? Okay na ba siya? Dapat tumawag ka sa akin. Dapat hindi mo ako pinag-aalala ng ganito."

Kumalas ka ng yakap sa akin at tiningnan ako ng diretso sa mata. "Nakalimutan nating magpalitan ng number. Kaya pinuntahan kita dito dahil baka sa tagal kong hindi nagpakita sa 'yo ay kalimutan mo ako."

Napasimangot ako. "Baliw ka talaga. Hindi kita makakalimutan kahit mamatay ako. Paano mo nalaman ang bahay ko?"

Ngumiti ka lang at kumindat. "Ako pa."

Sinimangutan kita at hinampas na naman sa braso.

Napadaing ka at natawa. Ang tawa mong pinakagusto ko sa lahat. Lahat naman sa 'yo ay gusto ko. Kahit ang kabobohan mo sa Math. "Ang lakas mong manghampas. Biruin mo, sa payat mo'ng 'yan nasaktan ang braso ko."

Inirapan kita. "Gusto mong pumasok sa loob?" Tanong ko na lang. Wala na akong magagawa sa pagiging payat ko eh. May sakit eh.

"Wala ibang tao sa loob?" Tanong mo at mapanlokong ngumiti sa akin.

"Oy! Oy! Iniisip mo, Timothy James." Kinurot kita sa tagilaran mo.

"Kidding." Natatawa kang umilag sa kurot ko. Humarap ka sa akin at hinawakan ako sa magkabilang balikat. Ngumiti ka. The sweetest smile. "Payakap nga ulit. Namiss kita ng sobra eh."

Niyakap naman kita ng walang pag-aalinlangan and this time, nakangiti na ako.

--

Nang nasa loob na tayo ng bahay ay naka-upo ka lang sa sala at pinagmamasdan ang paligid.

"Kamusta naman ang kapatid mo, TJ? Okay na ba siya?" Umupo ako sa may single sofa. Hindi mo kasi sinagot ang tanong ko kanina.

"Ayon, nasa girlfriend na niya. Nagfefeeling okay para lang makasama ang girlfriend niya. First time magkagirlfriend eh. Loko 'yon."

Napangiti ako. "Sweet naman ng kapatid mo. Ang kyuti." Parang ikaw lang. Binibisita ang girlfriend dahil namiss mo ako.

"Mas sweet ako do'n."

"Binida na naman ang sarili." Tumayo ako para sana kumuha ng juice para sa 'yo.

Tumawa ka lang.

"Anong sakit ng kapatid mo?"

Natigilan ka saglit at umiwas ng tingin. "Leukemia."

Nagulat ako sa narinig at parang nauupos na kandilang napa-upo ulit. "Le-leukemia?"

Tumango ka at nagkibit balikat. "Yeah. Pero ayon, lumalaban naman ang loko. First stage pa naman. Naagapan. Tumatalab din ang chemo. 80% chance."

Nakahinga ako ng maluwag sa narinif. "Mabuti naman." Atleast konting panahon na lang at hindi na niya mararamdaman ang sakit sa tuwing magpapachemo. Gagaling na siya at mamumuhay na siya ng normal.

Nakaramdam ako ng inggit. Kung nasabi ko ba agad sa Mommy ko na may nararamdaman na ako sa katawan ay posible rin ba akong gumaling katulad ng kapatid mo? Gusto ko pang mabuhay ng matagal. Gusto ko pang makasama ng matagal si Mommy at ikaw, TJ.

"Krystal, kayo lang ng Mama mo ang magkasama?" Tumayo ka at tiningnan ang mga framed photos namin ni Mommy.

Napatingin ako sa 'yo at pilit na ngumiti. "Ah-Oo. Single Mom ang mommy ko. Iniwan siya ng daddy nang malamang nabuntis niya ang Mommy."

"Ohhh..." Hindi mo na alam ang sasabihin mo.

Ngumuti ako sa 'yo. H'wag ko na ngang isipin ang sakit ko. Nasisira lang ang moment natin. "Ikaw, TJ?"

"May magulang naman ako. Gusto mong makilala?"

"Papakilala mo ako?" Nakaramdam ako ng kaba at excitement. Gusto kong makilala ang mga taong malalapit sa buhay mo. Gusto kong malaman kung kanino ka nagmana, kung sino ang kamukha mo.

Tumango ka ng nakangiti. "Oo. Para magkaroon ka na ng Daddy. Papahiram ko sa 'yo ang Papa ko. Matutuwa 'yon panigurado dahil sabik siyang magkaroon ng anak na babae."

"Talaga? Seryoso?" Natutuwa kong tanong. Nawala ang kabang naramdaman ko at ang natira na lang ay exictement. Hindi lang pala boyfriend meron ako. Magkakaroon na rin ako ng Daddy.

"Yap. Bukas sunduin kita dito sa bahay niyo. Pakilala kita sa magulang ko."

--

Nakaalis ka na, TJ pero ang ngiti sa labi ko ay hindi mawala-wala. Excited na ako para bukas.

Ano kayang pakiramdam na may Daddy na nag-aalaga, na pinapagalitan kapag may nagawa akong masama, na maglalambing sa akin?

Napahinga ako ng malalim. Hindi ko alam ba ganito ko pala kagustong maranasan ang magkaroon ng Daddy.

Shemay naman oh! Bakit naiiyak ako?

Walang ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon