CHAPTER 1- FAILING DEMON TASK

6K 64 0
                                        




"Lintik!" ang napabulalas na sabi ko habang kiniyom ang palad ko. Pumalpak na naman ako sa binabantayan kong tao. Lagot na naman ako nito kay Satanas. Wala na akong magagawa nito kung saktan na naman niya ako. Kinikilabutan na naman ako kung anong pwede niyang gawin.

Ako si Vince Thunder Sue, demonyo na nagbabantay sa isang billionaire heiress na heartless at cold at former gangster na si Kail Andrei Co.

Nandito na ako sa bar ng impyerno. Tumayo na ako at patungo na sa kampo pagkatapos kong uminom ng alak. Walang pagkakaiba ang impyerno at nung nabubuhay pa ako. Puro pighati ang dulot nito sa kaluluwang nakagawa ng masama.

Kung tinatanong niyo ako kung bakit napunta dito, maraming dahilan. Naalala ko pa rin ang mga bagay bago ako mapunta dito.

~~~~FLASHBLACK

"Anak, ano bang nangyayari sa'yo." Ang sabi ng nanay ko habang ginagamot ang labi ko. Labing anim na taon gulang ako nung mapabarkada at napasali sa mga gang. Palaging napapaaway at napapatawag sa principal office. Malaki ang pag unawa ng nanay ko sa akin kahit na laging basag ulo ang ginagawa ko, pinilit nya na maging mabuti akong anak kahit sakit ako sa ulo.

"Anak, hindi lahat ng oras ang sagot sa problema ay karahasan." Ang sabi ng nanay ko na pinapangaralan ako.

"Sorry Ma" ang sabi ko.

"Please lang anak, wag ka na makipag basag ulo. Mag-aral ka ng mabuti. " ang sabi pa niya.

"Opo Ma. " ang sagot ko na nagsinungaling na naman pero pipilitin ko naman talaga.

Ulila na ako sa ama. Ulila na turing ko dahil pinagpalit kami sa babae niya dahil mayaman ito. Tanging nanay ko lang ang kasama ko. Lahat ng kamag-anak ko ayaw sa akin. Okay lang ayaw ko rin naman sa kanila. Hindi ako magaling magpanggap napalangiti at friendly kuno lahat kasi ng makasama ko ay napapagbuntungan ko ng sama ng loob. Ilang school na din ang nalipatan ko dahil sa pagiging gangster ko. Marami na ring galit sa akin. Tanging nanay ko lang ang mahal ko.

Isang araw nagising na lang ako na patay na ang nanay ko. Ang pumatay sa kanya ay yung taong nakaaway ko ng araw na pinagsasabihan ako ng nanay ko. Nung araw din yun ay pinatay ko silang lahat. Lahat ng member ng gang nila. At nagpasya akong makasama ang nanay ko sa kabilang buhay gamit ang sarili kong kamay. Gaya ng sabi ni Bill Mayer's "Suicide is man's way of telling God, 'You can't fire me- I quit."

Yeah, I quit bahala na si Batman. Si Batman na lagi kong binabanggit pag may exam o may gulo o away. I murder them and I murder myself. Its' not a self-hate, but it is probably the strongest expression of selfishness and self-love.

Pagkatapos ng trahedya naramdaman ko humiwalay ang aking kaluluwa sa aking katawan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Pagkatapos ng trahedya naramdaman ko humiwalay ang aking kaluluwa sa aking katawan. Kakaiba ang pakiramdam. Pumila ako sa mahabang linya, magpapalista siguro. Tinanong nila kung ano ang pangalan ko at sinimulan nilang hanapin ang pangalan ko sa aklat ng buhay. Pero hindi nila nakita ang pangalan ko, isang anghel na nakatayo sa tabi ko ay bigla ako hinila sa iba. Natakot ako at hindi alam kung ano nangyari. Tinanong ko ang anghel kung saan niya ako dadalhin pero hindi siya sumagot. Tinanong ko siya ulit at sumagot siya muli na ang mga pangalan na nakatala sa aklat ng buhay ay siya lang ang makakapasok sa pinto ng langit at lahat ng wala sa listahan ay papahirapan sa impyerno magpakailanman. Natakot ako at dinala niya sa isang selda. Napa-isip ako sa hahantungan ko. Bumibilis ang tibok ng puso ko ng maramdaman kong mayroon papalapit sa kulungan ko. Ito ang tinatawag nilang dagat-dagatang apoy. Naamoy ko ang mga katawan na parang bulok na karne. Susunugin nila ako ng buhay. Wala na akong pakialam. Alam ko ang mga pagkakamali ko nung nabubuhay pa ako at kahit minsan ay hindi ako nagsisisi.

Devil Wants MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon