CHAPTER 16:ENCOUNTER

983 30 1
                                    

THUNDER's POV

"Nakakainis na " ang bulalas na sabi ko sa sarili ko

Ilang buwan na rin akong ginugulo ng demonyo na nagising mula sa loob ko. Para itong konsensya ko na lagi akong dinidiktahan at pinapagalitan. Paulit ulit.

Nakakarindi.

Hindi ito humihinto na sisihin ako sa nangyari. Ilang beses din nitong sinakop ang katawang lupa ko at nagwawala sa tuwing naaalala ang asawa ko. Nananabik sa halik at yakap ng asawa ko. Mas masahol pa ito sa akin.


Nang minsan na nagwala ito ay muntik na ito makapatay ng tao.

Kung may pagkakataon ito na makaalis sa katawan ko ay mapapatay talaga niya ako.

Ganun pa man malungkot ako na dahil sa kadahilanan na ayaw  na talaga ng asawa ko na makita pa ako.

Kahit na may marka ng demonyo ang asawa ko at ilang beses ko na rin siya kinontrol at hanapin ito  ay hindi ko siya makita at maabutan dahil sa palipat lipat ito ng lugar.

Kasalukuyan akong naglalakad sa malapit sa isang cafe ng may mabangga akong estudyanteng babae

"Sorry po", ang sabi nito na agad na itinayo ng kasama pa nitong babae
"Halika na Emily, nandyan na si Kuyang gwafu!" Ang masayang sabi nito
"Sorry po ulit, ba-bye!" Ang kaway nito paalis sa harap ko na hila hila ng kaibigan niya

Nakita kong nagkumpulan na mga babae at hindi maipaliwanag na dahilan ay tiningnan ko ang lalaking tinutukoy niya.

"Ang cute ni Andrei" ang sabi nito. Narinig ko din ang tilian ng iba pang estudyante na nakatingin sa lalaking nakauniporme sa isang cafe.

Tumingin sa akin ang lalaking na may kayumangging mata. Tila nagulat ito at umiwas ang tingin papunta sa mga kababaihan na umoorder. Pinagmasdan ko siya. Makinis at maputi ito. Talagang hahanga ka sa kagwapuhan nito at mapapaibig.

Hindi ko alam kung bakit pinupuri ko ang lalaking gaya nito.

Hmmm. Mas gwapo pa ako diyan.. ang nasabi ko sa sarili ko.

Biglang nagsalita ang demonyo nasa sa loob ko at sinisigaw nito na nadito si Kail.

Kailan man ay hindi ito nagkamali dahil namarkahan na namin ang babaeng gusto naming manatili sa buhay namin.

Nandito siya.

Nandito siya.

Paulit ulit na sabi nito sa kanya.

Nagpalinga linga ako at tiningnan ko ang paligid ko at hinanap ang babaeng minarkahan namin ngunit hindi ko siya nakita. Ilang oras din ang nagdaan ng hindi ko mahanap ang asawa ko. Napagkasunduan namin na babalikan na lamang ang lugar nayun dahil sa malakas ang pakiramdam ng demonyo sa presensiya ng asawa ko sa lugar na yun.

Ng gabing yun. Nagumpisa muli ang ritual namin at nagisa na guluhin si Kail sa panaginip. Hindi na magkamayaw ang demonyo sa loob ng katawan ko at gusto muli maramdamn at maangkin si Kail. Hindi namin ito pinapatulog ng mahimbing at sa panaginip ay palaging inaangkin.

Dalwang linggo ang nagdaan at wala pa rin nangyayari sa paghahanap ko. Nandito ako ngayon sa cafe kung saan nagtratrabaho ang lalaking gwapo.

Napansin ko na pinagkakaguluhan na naman ito ng mga kababaihan. Malakas ang hatak nito sa babae lalo na at talagang napakagwapo nito.
Hindi ko na din maalis ang mata ko sa kanya. Tila bumibilis ang puso ko ng makita ang mga matang nakatingin sa akin sa hindi ko maipaliwanag na dahilan.

Naobserbahan ko rin ang mga gingwa niya pag break time. Mahilig itong magbasa at wala gaano kaibigan. Tahimik lang din ito at walang balak na maging close sa iba. Umorder ako ng capuchino. Nacucurious ako sa lalaking ito dahil tila naiilang ito na lumapit sa akin habang kinukuha order ko. Agad din naman itong umalis pagkakuha ng order.

"Arghhhh, malapit siya dito!!" Ang pagmamaktol na naman ng demonyo na nsa looban ko.

"Lintik! Tumigil ka muna! Hindi ako makapag isip" ang sabi ko sa kanya gamit ang isip ko

"Sir, here is your order" ang sabi niya na bumalik sa table ko dahil ang order ko.

"Wait, I'll pay it now" ang sabi ko na kinuha ang atm card ko sa bulsa ko at inaro sa kanya.

Ng kukuhanin na niya ito ay napalapat ang daliri niya sa daliri ko.

Tinitigan ko sya. Hindi ko mabasa ang nasa isip ng lalaking ito kagaya ni Kail.

"Siya!" Ang sabi ng inner demon ko

"Siya si Kail!!!" Ang pagwawala nito

Bigla akong nagulat sa narinig ko. Nakatitig pa rin ako sa lalaking nakatalikod na sa akin upang i-swipe ang card ko sa card machine na nasa counter.

Ni minsan hindi nagkamali ang demonyong nasa sa loob ko.

Hindi naalis ang mata ko sa kanya.

Ng bumalik siyang dala ang card ko at resibo umalis na ako pagkatapos kong maubos ang inoorder ko.


Umalis ako at may plano upang malaman ang totoo.

KAIL's POV

Hindi ako magkaintindihan sa nararamdaman kong kaba. Batid kong hinahanap pa rin ako ng asawa ko.


Matagal tagal na rin na nagpapanggap akong lalaki at namasukan bilang waiter dahil blinock na ni Thunder ang lahat ng account ko sa banko.

Nakita kong nakatitig sa akin ang asawa ko. Na nakatayo malapit sa mga babaeng humahanga sa akin. Biglang sumakit ang balikat ko na sinasabi ni Yuri na parteng minarkahan nito.

Ilang beses ko na din siya nakikita na pabalik balik sa lugar na ito at iniikot lahat ng shop at cafe. Buti na lamang at hindi pa niya ako napapansin.

Binabasa niya lahat ng nakapaligid sa kanya. Kaya hindi ko siya pinapansin. Ininda ko rin ang sakit ng balikat ko. Balisa na din ako dahil palagi niya akong dinadalaw sa panaginip. Minsan pa ay natakot ako dahil nakita ko ang sarili ko ilang gabi na nakikipagtalik sa kanya na tila ay totoong totoo dahil sa bigat at masakit na pribadong parte ng katawan ko paggising.

Nakita kong tumayo na siya at tumungo sa pinto upang lumabas.

Mabuti naman aalis na sya.

Habang nililinis ko ang kabilang mesa ay nakita ko sa gilid ng mata ko na tinititigan niya ako ng matalim na tila ba ay susunggaban. Kinabahan ako bigla ngunit hindi nagpahalata.

Nakahinga ako ng maluwag ng matanaw ko ang kotse niya papaalis. Nagpatuloy na ako sa ginagawa ko at inasikaso ang iba pang kostumer.

Ng gabing yun ay nakipag palitan na ako kay Jake at inayos na ang sarili para umalis.

Umuwi na ako ngunit tila may sumusunod sa akin pero hindi ko na yun pinansin dahil wala namang magkakainteres sa lalaki, hindi ba?

Ng makarating ako ng bahay ko ay hiniga ko ang sarili ko, bumangon muna ako at hinanda ang maligamgam na tubig upang doo'y magbabad.

Ilang minutong pahinga pagkatapos noon ay nagtungo na ako ng banyo upang magbabad.

Hindi ko namalayan ang oras.

Tumayo ako at nagtapis.

Nagulat ako sa pamilyar na pigurang nakatitig sa akin at nakangisi na nakatingin sa akin. Bigla akong kinabahan at gustong tumakbo sa kinatatayuan ko ngunit hindi ko makilos ang katawan ko.

———————
Thank you ulit ❤️❤️❤️

Devil Wants MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon