CHAPTER 11:REVENGE

1.1K 40 0
                                    

Liam's POV

Nandito kami ngayon sa isang VIP room ng isang bar.  Masama ang loob naming lahat. Hindi din naman akalain na ang mga sikretong tinatago namin ay alam ng Vince Thunder na yun. Bukod sa kayabang na kinaasaran ko sa kanya ay ang pag-agaw nito sa pinakamamahal ko. Umorder ng matatapang na alak ang mga kasama ko. Hindi ko sila pinansin. Iniisip ko pa rin kung anong nagustuan ni Kail sa demonyong asawa niya. May kakaiba talaga ang lalaking yun. Lahat kami ay nahihiwagan dun. Pinaprivate investigator ko na nga ang taong yun at ni isang impormasyon ay wala akong makuha sa kanya. Kahit magulang o mga kamag'anak nito.

''Hahayaan nalang ba natin si Vince sa gnawa niya'' ang asar na tanong ni Blake. Madilim ang mukha nito at tila hindi magdadalwang isip na ipapatay si Vince.

''Kung ako sa inyo kikidnapin natin si Kail kapalit ng pera na makukuha, kapalit ng buhay niya pagkatapos patayin niyo si Vince at gawin niyo ang mga gusto niyong gawin kay Kail'' ang malanding sabi ni Emily na nilalaro ang hawak na kopita na may lamang alak. Tumingin ito sa amin na nakangisi ng malademonyo.

Napa-palakpak naman si Joshua sa plano ni Emily.

''Napakahusay Emily. Hindi talaga ako magtataka na marami kang nalokong matatandang hukluban dahil sa mga evil plan mo'' ang sabi pa nito.

''Ano ka ba Joshua, maliit na bagay. magkakaibigan tayo at alam niyo rin ang liko ng bituka ko, gaya ng sa inyo'' ang bungisngis na sabi nito.

''Wala akong pakialam sa pera, kay Kail lang ako may pakialam.'' Ang galit kong sabi
Tumayo naman si Emily sa kinauupuan at lumapit sa akin.

''Liam honey hindi ka na mahal ni Kail. Kitang kita na si Vince na ang mahal niya.'' Ang sabi nito na nakaakbay pa.

''Wala akong pakialam Emily. Basta wala kayong gagawing masama kay Kail, ang tanging gagawin niyo lang ay ang patayin ang hayop na Vince na yun para mawala na sa mundong ito'' ang maotoridad n utos ko.

'' hay, ano pa nga ba?Ang magaling nating kaibigan ay hindi papayag na maagaw  at magpapatalo sa kung ano pagmamay-ari niya'' ang sabi ni Mark.

'' Hahaha. Nasa vocabulary ba natin yun?'' Ang natatawang tanong ni Kevin sa sinabi ni Mark.


KAIL's POV

Iniwan ko na si Thunder sa opisina,hindi naman ako magtatagal talaga doon at maggrocery na ako sa malapit na supermarket na makita ko.

Alas tres palamang naman ng hapon. Namili na ako ng mga kulang sa bahay, inisa-isa ko ang mga kailangan at kulang sa bahay. Ng mailagay ko na sa cart ko ang mga pinamili ko. Tumungo na ako cashier upang ito ay bayaran.

Dumiretso ako sa parking lot ng supermarket at nilagay na sa compartment ng kotse ang mga pinamili ko. Marami din iyon dahil tatlong malalaking plastic na ang binuhat at inayos ko sa loob ng sasakyan ko. Sinara ko na ang likod na bahagi ng kotse ko at sumakay na sa sasakyan ko. Tiningnan ko na muna ang relo ko.

Naka dalwang oras din pala akong namili sa supermaket. Pinaandar ko na ang sasakyan ko at umuwi na. Alas- singko pasado ng makrating na ako ng bahay.

Pinark ko na ang mga pinamili ko. Bitbit ang tatlong bag na plastic naglalaman ng mga gamit at pagkain sa bahay ay pumasok na ako sa entrance na pintuan ng bahay.

Bago pa lamang yun ay nagtaka ako na bukas iyon ganung tanda ko na sinara ko iyon bago magtungo sa opisina ni Thunder.

Pagpasok ko bumungad sa akin ang pamilyar na pigura, si Emily.

''Hi Kail...'' ang sabi nito na nakangisi sa akin

''Anong ginagawa niyo dito?'' Ang sabi ko na nakaramdam na ako ng kaba.

Devil Wants MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon