YURI's POV
Nalungkot ako ng makita ko si Thunder na nagdusa ng dahil kay Kail. Nalungkot din ako na nawalan ang mga inaanak ko ng ina.
Mula ng mawala si Kail ay tinuon na niya ang sarili sa pagtratrabaho. Pero kahit ganun ay pinunan ni Thunder ang pagiging ama niya sa kambal. Dalwang taon na ang nakakaraan. Upang hindi ito mahirapan madalas ang kambal ay na kay Mi.
Masayang masaya ito pero palaging hinahanap ang tatay nila kapag napapahiwalay ito sa kanya.
Mahal na mahal ng kambal si Thunder.
Naalala ko pa nang araw na umuwi kami sa bahay ni Thunder.
*Flashback
Malinis na ang bahay ng dinatnan namin hindi katulad nung nagkalat ang mga gamit.
Ng dumating kami ay sinalubong kami ni Mi.
"Thunder asan na si Kail?" Ang pag-alaalang tanong nito
"Wala na siya Mi..." ang iyak nito kay Mi.
Agad namin siyang niyapos ni Mi.
"Wag ka ng malungkot alam ko binabantayan ka ni Kail. Mahal na mahal ka niya Thunder. Pati ang mga anak niyo. " ang sabi nito na lalong kinalakas ng iyak nito.
Ng lumayo kami sa kanya.
Pinahid niya ang luha niya at ngumiti sa amin.
"Salamat. Hindi ko makakaya ito kung wala kayo na sumusuporta sa aming dalwa ni Kail" ang sabi niya
Ibang Thunder na ang nasa harapan namin. Napagbago ito ni Kail. At ng pagmamahal niya sa kanya.
"Maiwan ko na muna kayo. Gusto ko na muna kasi makapiling ang kambal" ang sabi niya
Tumango si Mi at tumalikod na ito. Tanaw namin ang bagsak na balikat niya at malungkot na aura.
"Yuri, anong nangyari?" Ang tanong niya.
Hindi pwede manggaling sa akin ang sagot na yun kaya pinaliwanag ko sa kanya na balang araw ay maipapaliwanag ni Thunder kung ano talaga ang tunay na nangyari kay Kail.
Sumang ayon naman sya at ginalang ang sinabi ko.
*Flashback ends
THUNDER's POV
Hinihintay kong dumating ang kambal na hiniram ni Mi-ha. Napapadalas na ang hiram nito sa mga anak ko para daw makapagwork ako. Madalas ay kasama nito si Yuri pero madalas ay sila lang tatlo.
Nakita kong tatakbo ang aking mga anak na papunta sa akin.
Napakasweet ng batang ito at napakakulit. Kahit nawala ang mommy nila ay ito ang biyaya na iniwan niya sa akin. Nung bago palang si Kail mawala ay hindi ako magkaintindihan, pasalamat ako kay Yuri at kay Mi-ha na nandyan lagi para sa akin. Nagalala din ako ng makaraang araw na ginigising ako ni Kai sa pagkakatulog dahil natatakot siya kay Storm na binabangungot minsan at palaging umiiyak sa kalagitnaan ng mahimbing na tulog. Umiiyak ito at tinatawag ang kanyang ina kaya mula noon ay natulog na ang dalwa sa kwarto ko at katabi ko palagi. Madalas nagpapakwento si Storm sa kanyang nanay at sa tuwing kinekwento ko sya sa kanila ay alam ko na nakikinig si Kai. Naging kontento na ako sa buhay. Hindi na rin ako naghanap ng ipapalit kay Kail. Alam kong wala din akong maipapalit sa kanya at wala ring balak kahit may lumalandi sa akin. Mahalaga sa akin ang mga anak ko. Ayokong maramdaman nila na nawala din ako sa kanila pagkatapos mawala ng nanay nila. Nawalan nga ako ng asawa pero dahil sa mga anak namin ay pakiramdam ko kapiling pa rin namin siya.
BINABASA MO ANG
Devil Wants Me
De TodoSPG (+18) | R- 18 | MATURED CONTENT Vince Thunder Sue ay isang sa magagaling na demonyo ng impyerno at pinagkakatiwalaang demonyo ni Satanas . Siya rin ay isa sa mga demonyo nakakapagpadala ng maraming kaluluwa sa impyerno. Siya ay pinadala sa lupa...
