CHAPTER 15: HIDE AND SEEK

1K 35 1
                                    

THUNDER's POV

Hindi ko pa rin makita si Kail. Ilang beses na din tumawag ang private investigator ko at nakita ang sasakyan niya sa mall. Mula sa CCTV ay lumabas siya nga mall at patungo sa simbahang malapit dito. Agad naman akong tumungo doon ngunit nadisappoint lang ako ng hindi ko nakita si Kail.

Pumasok ako sa sagradong lugar ng mga tao.

Hindi pinagbabawal ang gaya namin sa lugar na ito tulad ng nakasaad sa mga nakasulat. Hindi yun ang una kong beses na pumasok ng simbahan ng ako'y demonyo pa. Akala ko pa nung una ay masusunog ako dahil sa pagkacurious ko. Nalaman ko rin kay Satanas na pwede kami doon dahil nagkatawang tao kami.

Lumapit ako sa altar na sinasamba ng mga tao.

"Hindi ko alam ang balak niyo kay Kail, pero ang demonyong ito na nasa harapan niyo ay walang balak sumuko. Tandaan mo sa akin lang si Kail." Ang ngising sabi ko.

Mula sa likuran ko ay lumakas ang hangin at narinig ko ang pamilyar na boses.

"Vince kailanman ay hindi magtatagumpay ang kasamaan sa kabutihan" ang sabi ng nasa likuran ko.

Hinarap ko siya.

Ang karibal kong anghel sa pagbabantay sa kaluluwa ni Kail, si Yuri.

" hindi ka ba naaawa sa kanya?" ang tanong niyang sabi

Hindi ko pinansin ang tanong niya.

"Magaling, pinadala mo na pala ang karibal ko kay Kail" ang sabi ko na nilingon ko ang estatwa na nakapako sa krus.

"Vince, labag sa Diyos ang mga ginagawa mo. Ang mundo ng tao ay para sa tao lamang. Hindi maaaring panghimasukan ng anghel at demonyo. Nasa batas yan ng langit at impyerno." Ang sabi ng anghel na tila concern na nakatitig sa akin.

Alam ko ang titig na yun. Awa. Habag. Pagmamahal. Pagpapatawad. At pagunawa.

Mga titig na palagi kong iniiwasan.

"Yuri wala akong pakialam sa batas, gumagawa ako ng sarili kong batas.

Gagawin ko ang lahat mapasaakin lang ang kaluluwa ni Kail" ang matalim na sabi ko.

Naglalakad ako patungo sa gawi niya at nilampasan ko siya.

"Kung ayaw mong madamay sa batas na sinasabi mo, wag na wag kang mangingialam sa mga balak ko" ang sabi ko na dumiretso na lumabas ng simbahan. Batid kong nakatitig siya sa akin hanggang sa mawala ako sa paningin niya.

Tunay na bawal sa amin ang makahabilo sa mga buhay at makiaalam dito. Malayo ang ugali ni Yuri sa ibang anghel na nakilala ko, yung iba kasi ay nakikihabilo gamit ang kaibigan o kamag anak ng mga binabantayan niya. Si Yuri, may tiwala siya kay Kail.  Alam niya magtatagumpay si Kail sa mga plano ng Diyos sa kanya at mapupunta siya sa langit at isa yun sa kinagagalit ko.

Nawala ang atensyon ko sa pagiisip ng biglang tumunog ang cellphone ko. Ang private investigator ko na tumungo ng Pilipinas si Kail. Kinumpirma niya yun at binigay ang flight information at detail niya.

"Akala mo siguro makakatakas ka sa akin. Makakalayo at makakapagtago ka pero hindi ako papayag na mawala ka sa akin" ang bulong ko sa sarili ko.

'Gusto mo ng laro Kail, pagbibigyan kita magtaguan tayo at ang pag nahuli kita hindi lang kaluluwa mo ang aangkinin ko, ipaparanas ko sayo at magsisisi na iwan ako,'ang nakangising saad ng demonyong espiritu na nasa katawan ko.

•_____________________•

NO ONE's POV

Nang malaman ni Thunder na umalis si Kail at nagtungo ng Pilipinas ay sumunod ito sa kanya. Buo ang loob ni Kail na iwasan at magtago kay Thunder. Batid niya na alam nito na ipinanganak siya Pilipinas at may mansyon sila doon. Hindi malaman ni Kail ang gagawin at anong pagpapanggap para hindi siya makilala.

Devil Wants MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon