CHAPTER 22: NEW BEGINNING

949 29 1
                                    

SPG ALERT!!!

HINAY HINAY PO SA PAGBABASA!!! YUNG PONG MGA BATA DIYAN AY SKIP NIYO NA LANG TO . PANG 18+ OF AGE PO ITO...

THUNDER's POV

"Baby kakain na" tawag ng asawa ko habang nasa kwarto namin ako.

Matagal tagal na din mula nga maumpisahan ko ang misyon ko. Ito na ata ang pinakamatagal na misyon ko dito sa lupa at sa totoo lang ay ayoko ng bumalik sa impyerno.

Lumabas na ako ng kwarto


Sumalubong sa akin ang ngiti ng aking misis. Ayokong hindi nakikita ang ngiting ito sa araw araw, dapat masilayan ko ito. Napapatitig at naiinlove pa rin ako, ito ang kahinaan ko.

Agad naman nitong hinimas ang tiyan na malaki na.

Magpipitong buwan na ang tiyan at talagang hindi na rin kami makapaghintay.

Umalis na rin kami sa condo at sa mansyon na tumira. Lahat ng pagkukulang at responsibilidad ko bilang asawa ay pinunan ko.

Bumalik ako sa mga negosyo at gawaing opisina ko ilang linggo bago ko malaman at marinig  na buntis ang misis ko. Kailangan kong kumayod para sa anak ko para mawala man ako dito sa mundo may maiiwan sa kanila at hindi nila dadanasin ang hirap na dinanas ko.

"Baby kain ka na baka magkasakit ka na dahil wala kang pahinga" ang sabi ng sweet kong asawa.

"Pahinga ko ngayon babe" ang sabi ko na sabay humalik sa pisngi niya

I can live like this. Lagi ko siyang pinapacheck up kahit pa busy ako dapat hindi ko mamiss ang pagsama ko sa knya sa pag papacheck up ng mga anak namin.

Yes tama ang narinig niyo.

MGA ANAK.

Kambal ang anak namin.

Nung una kong marinig sa doctor hindi ako magkaintindihan sa balitang narinig ko. Sobrang saya ng dulot ng pag bubuntis niyang yun. Madami akong plano para sa mga anak ko. Kasabay ng planong yun ay lalo ko pang hinigpitan ang pag iingat kay Kail. 

Tuluyan na ako tumiwalag kay Satanas. Ayoko ng maging demonyo pa at kuhanin ang kaluluwa ni Kail. Masarap ang pakiramdam na yun. Palagi rin ako nakakaramdam ng kagaanan ng pakiramdam.

*Flashbacks

"Magsisisi ka sa pagsuway sa utos ko Thunder" ang sabi ni Satanas

"Hindi ko gagawin ang utos mo dahil mahal ko si Kail at ang magiging anak namin." Ang sabi ko

"Putangina, sumasagot ka na sa akin! Kailanman ay hindi nagmahal ang demonyo" ang galit na sigaw niya

Patay ginalit ko na ang prinsepe ng mga demonyo.


"Ayoko ng maging demonyo! Mahal ko si Kail. Hindi ko siya kayang patayin!" Ang sabi ko

"Pagbabayaran mo ang pagsuway sa akin Thunder. At magsisisi ka sa naging desisyon mo" ang sabi nito

Ng araw din yun humingi ako ng tulong kay Yuri.

Naintindihan naman ni Yuri yun at tumulong siya. Prinotektahan niya kami ngunit sabi niya ay maiksing panahon lang ang kaya nitong gawin para kami ay maiiwas sa mga demonyo at iba pang anghel na pwede naming ikapahamak.

Sa tuwing may masamang nangyayari sinasabihan ko si Kail na magdasal ng mataimtim at mula sa puso kahit na nagwawala at dumudugo na ang taenga ko at ng demonyo sa loob ko.

Devil Wants MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon