THUNDER's POV
Kinabukasan.
Nagising ako ng hindi ko maramdaman ang asawa ko sa tabi ko. Pakiramdam ko ay nanaginip ako kagabi. Binuksan ko kaagad ang mata ko at nakita ko na nasa condo niya ako.
Tunay yung kagabi.
Nagpalinga linga ako sa paligid.
Tahimik ang buong paligid.
Tanging tunog ng kamay ng orasan ang naririnig ko.
Ng libutin ko ang buong paligid. Walang Kail akong nakita.
Nalungkot na naman ako.
Nagwala na naman ang demonyong nasa harapan ko.
Nabaling ang atensyon ko ng may makitang papel sa mesa ng hapagkainan niya.
Binasa ko ito.
Kinabahan na naman ako ng makita ko ang papel, bumalik ang alaala ko ng iwan niya ako.
Thunder,
Baby, salamat. Wag ka ng mag-alalala may aasikasuhin lang ako. Sorry kung hindi ako nagpaalam. Baby babalik din ako sayo.
Nagmamahal,
Kail.Umalis na naman siya hindi ko alam kung bakit pero umalis at iniwan na naman niya ako. Gusto kong magwala at magalit gaya din ng dati.
Nagulat ako ng biglang nagsalita ang inner demon ko
"Papayag ka na lang ba na umalis at iwan na naman tayo ng asawa natin" ang tanong ng demonyo sa loob ko
"Huwag mong sabihin na ganyan ka na lang, susuko ka na lang basta" ang galit n sabi nito
Tumayo ako at tumungo sa banyo.
Naghilamos ako. Upang ipanatag ang loob ko at makapag isip ng maayos.
"Sinusubukan mo talaga ako Kail" ang galit na sabi ko sa harap ng salamin.
Umalis na ako upang hanapin siya muli.
Wala akong pakialam sa rason niya ngayon at hindi ko tatanggapin ang rason niya. Sa akin lang ang babaeng yun at walang nagmamay ari sa kanya. Papatay ako ng tao kahit pa bawal ito sa batas ng langit at lupa. Wala akong pakialam.
![](https://img.wattpad.com/cover/200069616-288-k67295.jpg)
BINABASA MO ANG
Devil Wants Me
RandomSPG (+18) | R- 18 | MATURED CONTENT Vince Thunder Sue ay isang sa magagaling na demonyo ng impyerno at pinagkakatiwalaang demonyo ni Satanas . Siya rin ay isa sa mga demonyo nakakapagpadala ng maraming kaluluwa sa impyerno. Siya ay pinadala sa lupa...