CHAPTER 20: A BLESSING AND A CURSE

1K 33 0
                                    

THUNDER's POV

Nakamulaga ako na nasa harapan ni Kail. Hinihintay ko ang sagot niya.

Tumango siya bilang tugon. Alam kong hindi magsisinungaling si Kail.

Nagulat pa ako sa nung una.

"Baby" ang tawag ko sa kanya senyas na nagaabang ako ng sagot niya.

"Oo, baby. Hindi ko alam kung bakit. Pero alam ko may isa pang katauhan mo na nasa loob mo, mas matapang at nakakatakot kaysa sayo. At minsan pang kumontrol sayo gaya ng angkinin mo ako" ang sabi niya

Ramdam niya na ibang katauhan ang umangkin sa kanya.

Kahit pa ganun ay hindi pa rin siya natakot na sabihin sa akin.

"Paano baby?" Ang tanong ko

"Palagi mo akong inaangkin sa panaginip at sa tuwing gagawin mo yun ay nagigising ako mabigat ang aking katawan at masakit ang aking kaselan. " ang sabi niya

"At ramdam ko baby na isa kang demonyo." Ang dugtong pa niya na kinagulat ko

"Nakumpirma ko ito ng mahanap at makita mo ako. Hindi ka normal na tao tuwing nagagalit ka. "

Nakatitig siya sa akin.

Alam niya na na demonyo ako ngunit ni hindi siya natakot.

Hindi ko pa rin mabasa ang nilalaman ng utak niya.

"Bakit? Alam mong demonyonako pero bakit hindi ka natatakot na mahalin ako" ang tanong ko sa kanya

"Walang itsurang pinipili ang tunay na pagmamahal. Mabuti man o hindi" ang sabi niya. Napahanga at namula ako sa sinabi niya.

Hindi ko inaasahan ang ganitong sagot.

Dahil kung sa ibang tao ito nangyari ay kinasama n nito kapag nalaman niya ito at kamumuhian niya ako at layuan.

Hinawakan niya ang pisngi ko.


"Kahit nasaktan ako sayo. Nagpapasalamat ako sa Diyos na ikaw ang napangasawa ko. Hindi ko ito pagsisisihan." Ang sabi niya

Hinawakan ko ang kamay niya na nakadampi sa pisngi ko at masuyo siyang hinalkan.

"Gagawin mo ba lahat para sa akin" ang tanong ko sa kanya.

Ngumiti siya at tumango.

"Kahit pa ikapahamak o kapalit ng buhay ko o anuman ang kahihinatnan. Gagawin ko ito para sayo" ang sagot niya

Mula sa katabing sulong ay kinuha ko ang baril ko. At iniaabot sa kanya.

"Kung mahal mo ako. Susundin mo ang gusto ko. Patayin mo ang sarili mo Kail. Para makasama na kita" ang utos ko sa kanya

Tinitigan niya ang baril.

Ilang minuto pa ay dahan dahan niyang hinawakan yun at kinuha.

Pinapanood ko lang kung ano gagawin niya. Kung susundin ba niya ako o hindi.

"Pag ginawa ko ba ito ay matutuwa ka na?" Ang tanong niya sa akin. Sinagot ko ng oo ang tanong niya

Malakas ang kutob ko na hindi niya gagawin yun. Doon ko susukatin kung hanggang saan ang pagmamahal niya sa akin. Buhay o kamatayan. Pag-ibig sakin o Pag-ibig sa sarili.

Pumikit siya at huminga ng malalim.

Tila nagiipon ng lakas ng loob.

"Ayoko sana gawin ito dahil gusto ko pang makita ang anak natin" ang sabi niya na hinihimas ang puson niya na medyo umbok na rin.

Devil Wants MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon