Kabanata 6 : Gusto

13 8 0
                                    

"Is she all right?"

"Don't worry, Mr. McGill. She's going to be fine."

"Bakit hindi pa siya nagigising hanggang ngayon?"

"Hindi naman malala ang pagkakatama ng bola sa ulo niya pero dahil sa lagnat niya, sinamantala iyon ng katawan niya para makapagpahinga." Dahan-dahang iminulat ni Elaine ang kanyang mga mata. Nilingon niya ang direksyon na pinanggagalingan ng mahinang usapan. Halata ang takot sa doktor na biktima ni Lauren.

"Lauren," saway niya rito. Lauren instantly turned to her. Lumapit ito sa kanya.

"You need something?"

Umiling siya.

"Just let the doctor leave this room peacefully. Maayos na ang pakiramdam ko." Kunot-noong binalingan nito ang doktor.

"You heard her."

"Thank you, Doc," habol niya sa paglabas ng doktor. Tumingin siya sa paligid. Nasa kanyang kuwarto na siya sa McGill Mansion.

"Paanong . . ."

"Inuwi kita sa bahay matapos mong mawalan ng malay. Nagpatawag ako ng doktor para tingnan ka." Maang na napatingin siya rito.

"Sana sa school clinic mo na lang ako iniwan."

"Wala akong tiwala sa nurse doon."

"Lauren, tinamaan lang ako ng bola. Hindi naman malala ang nangyari sa'kin." Napahawak siya sa noo niya at napangiwi nang makapa ang nakaumbok na bukol doon.

"Ouch." Nagulat siya nang sa isang iglap ay nakaupo na si Lauren sa gilid ng kama habang hawak ang kamay niya.

"Don't touch it." Sinalat nito ang noo niya.

"May lagnat ka pa."Ikinulong nito ang mukha niya sa mga palad nito. Then, he kissed her forehead.

"Magpahinga ka na lang. Ako na ang susundo sa mga bata sa eskwelahan." Napatango na lang siya. She couldn't blame herself for acting so stupid in front of him. He just kissed her! Damang-dama niya sa halik na iyon ang pag-aalala nito. His almond-shaped eyes were radiating warmth which made her heart smile. He was so . . . Gentle.

"Salamat sa pag-aalala," nakangiting sabi niya nang makabawi. Marahang itinulak lang siya nito pahiga sa kama at hinila ang comforter hanggang sa kanyang dibdib.

"Ayoko lang may masabi sina Tita at Tito kapag nalaman nilang naaksidente ka habang nasa pader kita." Kahit ano pa ang sabihin nito, hindi na nito mapagtatakpan ang pag-aalalang ipinakita at ipinaramdam nito sa kanya. At hindi na rin mabubura ang ngiti sa kanyang puso. Napasinghap siya nang may maalala.

"'Yong match! Ano'ng nangyari sa laro niyo ni Sean?"

"I lost."

"What?" bulalas niya.

"I left in the middle of the game. It's the same as forfeit," paliwanag nito.

"Forfeit?" hindi makapaniwalang tanong niya. Kilala niya si Lauren. Ayaw na ayaw nitong natatalo kaya imposibleng isuko nito ang match nang walang mabigat na dahilan. Mabigat na dahilan?

"Umalis ka sa kalagitnaan ng game dahil nawalan ako ng malay . . . Pagkatapos ay dinala mo ko rito . . ." Napasinghap siya.

"You lost because of me!"

"Yeah."

Ouch. Inamin talaga?

"I'm sorry..."

"Hindi ka ba masaya na hindi na magsusuot ng dog costume 'yong aso mo?" Nag-angat siya ng tingin dito.

"Siyempre natutuwa ako na hindi na kailangang gawin ni Sean 'yon pero . . ." Bumuntong-hininga siya.

Once Again [Lauren McGill _ Cyborg]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon