Kabanata 9 : Inaakala

21 9 0
                                    

Sabay napalingon sina Lauren at Hanna kay Elaine.

"Ang sabi ko, pakawalan mo si Hanna!" galit na utos niya kay Lauren. Tumalima si Lauren. But his face was once again void of emotions. Agad namang tumakbo ang lumuluhang si Hanna. Sinubukan niya itong pigilan pero natigilan siya sa mga sinabi nito nang mapadaan sa kanyang harapan.

"I hate you, Elaine." Para siyang binuhusan ng malamig na tubig. Muling bumalik sa kanyang ala-ala si Angelica. Naulit na naman ang nangyari noon - at muli ay kagagawan iyon ni Lauren.

"Elaine-" "Ano'ng nangyari Lauren? Akala ko ba nagbago ka na?" sansala niya sa sasabihin nito.

"Naniwala ako na kaya mong magbago. Pinatawad na nga kita sa mga kasalanan mo noon kahit na hindi ka pa humihingi ng tawad. Pero ano'ng ginawa mo? Niloko mo lang ba ko para muling saktan?" Nanatili lang itong walang imik. May isang parte ng isip niya na naghihintay ng paliwanag nito.

Dahil alam niya, may isa ring bahagi ng isip niya ang hindi naniniwalang magagawa ni Lauren na lokohin siya at sirain ang pangako nito. Pero ang pananahimik ba nito at tila kawalan ng interes para magpaliwanag ang nagpapatunay na ang nakita at mga narinig niya ang katotohanan? Naramdaman niya ang pangingilid ng kanyang mga luha.

"Are you even human, Lauren? Paano mo nagagawang manakit ng ibang tao? Siguro nga hindi dapat ako naniwalang kaya mong magbago. Dahil cyborg ka na naka-program para paulit-ulit akong saktan."

"Come on, Lauren! Magsalita ka naman! Sabihin mong mali ako! Sabihin mo lang na mali ang pagkakaintindi ko sa nakita ko, makikinig ako." Still the same reaction - cold eyes, blank look, painful silence. And she felt like she was already losing him.

"What happened? Bakit hindi ka nagsasalita?" she asked in frustration.

"Did I touch a nerve? Oh sorry. Insensitive robots don't have nerves; they have circuits and all these connecting wires. So, did I grill a circuit?"

"It's exactly as it looks like, Elaine." Then he started to walk away. Parang nadurog ang puso niya sa mga sinabi nito. Itinakip na lang siya ang mga kamay sa kanyang mukha nang maramdaman ang pagpatak ng kanyang mga luha. This was the prize of falling in love with a cyborg.

"Ah! Home sweet home!" Isang matipid na ngiti lang ang ibinigay ni Elaine sa kanyang ina. Kauuwi lang nitong galing Paris at nakauwi na rin sila sa kanilang sariling bahay.

"Baby, I missed you so much!" masayang sabi ng kanyang ina habang yakap-yakap ng mahigpit si Niel.

"I missed you, too, Mom." Siya naman ang binalingan ng kanyang ina.

"Halika nga rito, Elaine." Lumapit siya rito. Pagkatapos ay mahigpit siya nitong niyakap.

"What happened, princess? Bakit malungkot ka? May nang-away ba sa'yo? Nagugtom ka ba? Nag-break na ba kayo ni Lauren?"

"Mommy naman," paungol na saway niya rito.

"Let's not talk about him, okay?"

"Ay, ganyang-ganyan din ang drama ni Lauren." Hinawakan siya ng kanyang ina sa magkabilang balikat niya at pinag-aralan ang kanyang mukha.

"Nag-away ba kayo? Ang sabi ng Tita Yesha mo, nagpunta daw si Lauren sa Japan." Natigilan siya. Kaya pala nitong nakaraan ay hindi niya napagkikita si Lauren ay dahil nagpunta pala ito ng Japan. Hindi man lang nagpaalam sa kanya. Lalo tuloy sumama ang loob niya sa binata.

"Okay. Change topic na lang tayo. I'm so proud of you, my daughter." Masuyong hinalikan pa siya ng kanyang ina.

"Nabasa ko ang mga literary works mo na inilalathala sa university niyo. Ang galing mo, anak. Kaya huwag kang mag-alala, simula ngayon, hinding-hindi ka na namin pipiliting i-take over ang negosyo natin." Binalingan nito si Niel na kasalukuyang umiinom ng strawberry juice habang nanonood ng TV.

Once Again [Lauren McGill _ Cyborg]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon