Kabanata 3 : Makilala

24 8 0
                                    

Nakasandal si Elaine sa fence ng tennis court habang hinihintay si Sean na nakikipag-usap sa mga tennis players sa loob ng tennis court.

Tumingin siya sa suot niyang wrist watch. Alas-tres na ng hapon. Mamayang alas-kuwatro ay kailangan na niyang sunduin sina Jackie at ang kapatid niyang si Niel sa eskwelahan. Pero ang pino-problema niya ay si Lauren.

Hindi sila dapat magkita ngayon dahil baka malaman ni Yuri ang relasyon nila; tiyak na katapusan na 'yon ng carreer at college life niya.

"Hey, Elaine." Napalingon si Elaine sa tumawag sa kanya. Napangiti siya nang sumalubong sa kanya si Hanna. Kasama nito ang gay co-writer nilang si Gean.

"Hi, Hanna, Gean!", Nakangiting tinapik-tapik ni Hanna ang ulo niya, "Poor Elaine. We just wanted to make sure na buhay ka pa," biro nito.

"Hay naku Elaine. Bakit ba kasi na-assign ka pa sa despicable cyborg na 'yon. Gwaping sana ang lolo mo pero scary!" bulalas ni Gean.

"Buti na lang kami nitong si Hanna, sa super cute SG president natin na-assign mag-interview. Kaya fly away na 'ko sa court na 'to. Bye," talumpati nito bago nagmamadaling naglakad palayo.

"Elaine, 'wag mo nang pansinin ang baklitang 'yon," nakangiting wika naman ni Hanna habang nakatingin sa malayo.

"Pero alam mo, sa tingin ko naman ay hindi gano'n kasama si Lauren McGill. Sana nga sa'kin na lang na-assign ang pag-i-interview sa team niya. It's not that I like him or anything. It's just that . . . he looks mysterious. Parang interesado tuloy akong malaman ang totoo niyang pagkatao."

Natigilan siya.

Tama ba ang nakikita niyang pagkislap ng mga mata ni Hanna habang nagkukuwento tungkol kay Lauren? At bakit parang may kung anong matulis na bagay ang tumutusok sa puso niya? Hanna chuckled.

"Ano ba 'tong sinasabi ko? Nakakahiya.", Nilingon siya nito. Namumula pa ang mga pisngi nito, "Mauna na ko, ha? Susundan ko na ang baklitang si Gean." Kumaway pa si Hanna bago tumakbo para habulin ang may kalayuan nang si Gean.

Hanna seemed to like Lauren. Ewan ba niya kung bakit parang sumama ang pakiramdam niya. Marami naman talagang nagkakagusto kay Lauren sa kabila ng pag-uugali nito. Hindi na dapat siya naapektuhan.

Tama. Ang kailangan mong isipin ay ang paglilihim mo sa ugnayan niyo ni Lauren. Bumuntong-hininga siya at pansamantalang kinalimutan ang negatibong nararamdaman niya kanina.

Hindi puwedeng malaman ng mga kasamahan niya sa FearlessMan Publication na bukod sa nagta-trabaho siya kay Lauren bilang babysitter ng kapatid nito ay fiancé pa niya ito.

Hindi malayong sipain siya ni Ate kaye- hindi, siguradong si Lauren ang sisipa sa kanya paalis ng FM sa tindi ng galit nito kay Lauren. At iyon ang bagay na iniiwasan niyang mangyari.

"May problema ba?" Natauhan siya nang isara ni Sean ang hawak na notebook sa harap niya. Napakurap siya. Nag-suot lang ito ng salamin sa mata ay biglang naging maaliwalas na ang mukha nito. Hindi na rin kasi ito nakasimangot; lumutang na ang kaguwapuhan nito.

"I was just thinking about work,", Nakangiting sagot niya. Kumunot ang noo nito, "You're working?"

Tumango siya.

"Madali lang naman ang trabaho ko. Babysitter ako ng kapatid ng . . . kapitbahay ko." Tumango-tango ito.

"I see."

Mabuti na lamang at sakto ang maluwag na schedule niya sa trabaho niya kaya pumayag din si Lauren. Alas-dos naman ang uwian niya. May dalawang libreng oras pa siyang mailalaan sa FM bago niya sunduin sa eskwelahan sina Jackie at Niel na alas-kwatro ang oras ng uwian.

Once Again [Lauren McGill _ Cyborg]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon