Kabanata 7 : Siya

16 9 0
                                    

He turned to her with a surprise look.

“What?”

“I don’t hate you,” pag-uulit niya.

“Siguro nga may nagawa ka na ikinagalit ko noon. But that wasn’t enough to make me hate you.” Hindi pa niya naiintindihan kung bakit hindi niya magawang kamuhian ito pero kung tatakbo siya at tatalikuran ito, hindi na niya kailanman mahahanap ang kasagutan. Ang malinaw lang sa kanya, she didn’t hate him and it was enough to make her realize something.

“Lauren, magsimula uli tayo,” deklara niya. For the second time that night, he looked stupefied.

“Alam kong may hindi magandang nangyari sa pagitan natin sa nakaraan. Gusto kong magsimula tayo sa umpisa dahil guso kitang maintindihan. I want to know you more.” Yumuko siya.

“Ayokong makilala ka lang bilang ang heartless cyborg fiance ko. I want us . . . To be closer.” Kumunot ang noo niya. Bakit kung magsalita siya, parang nagtatapat siya ng pag-ibig dito? And to top it all, the thumping of her heart was simply uncontrollable.

“I-I mean . . . As f-friends,” paliwanag niya.

“Okay.” Nag-angat siya ng tingin dito. Nakayuko si Lauren kaya hindi niya alam kung anong klase ng ekspresyon mayroon ito. But his voice was low, calm and gentle; almost a whisper.

“Kung gusto mong magsimula uli tayo, sige. Gawin natin,” patuloy nito.

“I’m a jerk. Cold-hearted, hot-tempered, violent and sarcastic. Pero dahil gusto mong magkalapit tayo, susubukan kong maging . . . Okay. And I want to know you more as well.”

“Lauren–” Nag-angat na ito ng tingin sa kanya.

“Like how come you’re friends with a dog and a chipmunk? Seriously, I don’t understand you.” Hindi niya alam kung matatawa o kukunot ang noo.

“Well, kung gusto nating magsimula ng maayos, why don’t you first treat my friends nicely?”

“I’ll try.” Nagulat siya sa mabilis na pagsang-ayon nito. Pero nang maka-recover ay napangiti sya.

“Don’t try, do it.”

“I said I’ll try. Don’t be so demanding.”

“All right. Anyway, simula bukas ay sikapin nating maging mabuti na sa isa’t isa, huh?” Naghikab siya at bumalik sa pagkakahiga. Niyakap niya si Niel at dahil patagilid ang paghiga niya, nakaharap siya sa direksyon ni Lauren. Naka-upo pa rin ito habang nakatitig sa kanya.

“Good night, Lauren.” Ipinikit na niya ang kanyang mga mata. Saka niya naramdaman ang pagod sa buong maghapon na iyon kaya naman madali siyang nahila ng antok.

“Good night, Elaine. And . . . Thank you.”

“Senorita, ako na ho ang gagawa niyan. Magagalit ho si Senorito Lauren kapag nalaman niyang nagta-trabaho kayo dito sa mansyon,” tila nagpa-panic na sabi ni Aling Cecelia. Itinuloy pa rin ni Elaine ang paghihiwa sa mga gulay.

“Magagalit ho siya? Bakit?” “Mahigpit na bilin kasi naman ni Senorito na huwag na huwag kayong pababayaan ni Mitto habang narito kayo sa mansiyon. Huwag daw namin kayong hahayaang mapagod o madisgrasya. Kahit nga siguro makagat lang kayo ng lamok, ipapa-salvage na kami ni Senorito.”

Natawa siya.

“Si Aling Cecelia naman, ang OA.” Pero ng mga sandaling iyon ay umaawit na ang kanyang puso. Kung gano’n ay nag-aalala din pala sa kanya ang mokong na ‘yon. ‘Di lang nga halata. At sa sobrang tuwa niya, na-distract na siya sa ginagawa niya. Napasinghap na lang siya nang maramdaman ang hapdi sa kanyang daliri. Nahiwa siya ng kutsilyo.

Once Again [Lauren McGill _ Cyborg]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon