Kabanata 4 : Halik

18 8 0
                                    

Abala sa pagbabasa si Elaine ng notes niya habang naglalakad sa mini-park ng university. Kakatapos lang ng klase niya at gagamitin niya ang libreng oras niyang gawin ang mga homeworks niya habang hinihintay si Sean.

Break ni Sean ng two o'clock hanggang four o'clock ng hapon kaya ito ang oras na napagkasunduan nilang interview-in si Lauren at ang tennis team nito- kahit wala pa silang permisong gawin 'yon.

"Yo, Elaine!"

"Nya!" bulalas niya nang biglang may tumapik sa likod niya at sa gulat ay nabitawan niya ang canned juice na hawak niya. Napalundag naman siya nang tumapon ang malamig na likido sa sapatos niya na naging dahilan naman para mapasandal siya sa katawan ng taong gumulat sa kanya.

Narinig niyang tumawa ang salarin kaya mabilis siyang humiwalay dito at hinarap ito. Sumalubong sa kanya si Sean na hindi maawat sa pagtawa. Naningkit ang mga mata niya at namaywang siya.

"Kuya Sean!" saway niya rito.

Tinakpan nito ang bibig at unti-unti nang humupa ang pagtawa nito. Tumikhim ito at namulsa.

"Sorry 'bout that. Hindi ko lang inakalang-"

"Klutz ako?" Sumeryoso ang mukha nito at mukhang nasaktan sa sinabi niya.

"Magugulatin sana ang sasabihin ko." Nakagat niya ang ibabang labi. Nakalimutan niyang nag-iisa nga lang pala si Lauren pagdating sa pang-iinsulto.

"Sorry, Kuya Sean. Madalas kasi akong tawaging klutz ni Lauren-"

"'Lauren'?" kunot-noong tanong nito. Gumapang ang panic sa dibdib niya at tinampal ang noo. Syet!

"Huh? Ang sabi ko 'Larryn'! Tama!" Tumango-tango siya.

"Si Larryn, 'yung kapitbahay ko na nagbigay sa'kin ng trabaho," pagsisinungaling niya. Lumiwanag ang mukha ni Sean na mukhang binili naman ang palusot niya.

"Ayos lang. At 'di ba sabi ko sa'yo 'Sean' na lang dahil isang taon lang naman ang tanda ko sa'yo." Napaisip siya bago sumagot.

"Sige na nga, Sean." Ngumiti ito bago nilipat ang tingin sa tumapon niyang inumin.

"I feel bad for what happened." Sinilip nito ang mukha niya na may apology sa mga mata nito. "Ibibili na lang kita ng bagong inumin."

"Huwag na!"

"Nah. Kailangan mag-set ng magandang example ang mga nakatatandang tulad ko sa mga nakababatang katulad mo. Hintayin mo 'ko dito," bilin nito habang tumatakbo na palayo. Bumuntong-hininga na lang siya habang pinapanood itong tumakbo palayo. Matigas talaga ang ulo nito.

"Having a nice time, klutz?" Napataas ang mga balikat niya nang tumama ang hininga nang nagsalita sa likod ng kanyang tainga. Hindi na niya kailangang manghula para malaman kung sino 'yon.

Eksaheradong sumimangot siya nang harapin si Lauren. Madilim na naman ang aura nito katulad ng suot nito: gray long-sleeved shirt, dark pants at black leather shoes.

"Nakakabilib namang may oras ka pa para makipaglaro sa asong 'yon gayong nagta-trabaho ka para sa'kin," sita nito sa kanya.

"Hindi kami naglalaro," depensa niya sa sarili.

"Isa pa, 'wag mo ngang tawaging "aso" si Sean," dagdag niya.

"Bakit nakikipagyakapan ka sa asong 'yon?" iritadong tanong nito. Napakunot ang noo niya. Hindi naman siya nakayakap kay Sean; napasandal lang siya rito. Naningkit ang mga mata niya.

Hindi niya gustong nagpapaliwanag dito nang dahil lang sa bagay na wala namang katotohanan. Isa pa, hindi niya alam kung bakit siya nito in-i-interrogate. Kung hindi lang ito si Lauren McGill, iisipin niyang nagseselos ito. Lauren? Jealous? Impossible.

Once Again [Lauren McGill _ Cyborg]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon