Kabanata 5 : Bola

14 8 0
                                    

"Milkshake and cookies, right?" Nag-angat ng tingin si Elaine sa naglapag ng kanilang milkshake at cookies ni Hanna sa mesa. Nagulat pa siya na ang nag-serve niyon ay si Ferosa , ang Literary Editor ng FM at sa pagkakaalam niya ay pinsan ni Ate Kaye.

"Ate Ferosa." bati niya rito.

"Ngayon ko lang po nalaman na nagwo-work ka dito." Kasalukuyan silang nasa KopeeBook - ang nag-iisang coffee shop sa loob ng Harieline University kung saan bookshop ang second floor kaya hindi na kataka-takang nagbabasa ng libro habang nagkakape ang ilan sa mga customers.

It was the students' haven. In-adjust ni Ferosa ang Nerd eyeglasses - the one that hides the wearer's eyes behind blank white circles, that can be marked either with thin black spiraling lines - nito bago sumagot.

"Our family owns this."

"Oh. Your new nga pala dito," sabi naman ni Hanna.

"Sina Ate Ferosa at Ate Kaye together with their other two friends ang utak sa likod ng KopeeBook - ang paboritong tambayan ng mga taga-Harieline." Tumangu-tango siya.

Cozy naman kasi talaga ang ambiance sa KopeeBook kaya hindi na kataka-taka kung maraming estudyante doon ngayon.

"Ferosa!"

Sabay-sabay silang napalingon sa matangkad na lalaking walang sere-seremonyang niyakap si Ferosa mula sa likuran nito.

"Spiky Boy," bati ni Ferosa sa binata. Pagkatapos ay tinapik nito ang mga braso ng lalaki. The tall boy with sleepy eyes sighed.

"Ferosa, where were you this morning?"

"Hiding from you." Nakahawak pa rin ang lalaking nagngangalang 'Spiky Boy' sa magkabilang balikat ni Ferosa habang naglalakad ang mga ito papunta sa counter. She was suddenly reminded of a mother duck followed by its duckling.

"That's Spike Morgan," sabi ni Hanna na nakangiti habang nakatingin sa direksyong tinahak ng dalawa.

"Regular member of Harieline Wolves. He has this strange attachment to Ate Ferosa."

"They're cute," nangingiting komento niya.

"Captain, you're strange today. You seemed to be in a good mood! Pa-kiss nga." Sabay silang napatingin ni Hanna sa entrance ng KopeeBook. Kapapasok lang ng tatlo pang miyembro ng Harieline Wolves doon - si Lauren kasama ang dalawang matangkad at guwapong lalaki na magkamukha. Twins.

"Spike, have you seen Angelo?" tanong ng isa sa kambal - iyong nakasalamin - bago lumapit kina Ferosa.

"Leave me alone, Alves," singhal ni Lauren sa kambal na naiwan sa tabi nito.

"Bago pa kita sakalin d'yan." Then, the two occupied the table across them. Nagtama ang mga mata nila ni Lauren dahil magkaharap sila. Naramdaman niya ang biglang pagbilis ng tibok ng kanyang puso nang maalala niya ang kanilang

"Kissing Incident" kaya bigla siyang napatingin sa kanyang milkshake.

"Alves and Aliven Menhiz - the twin members of Harieline Wolves who play doubles. The one with the eyeglasses is Vash and that cheerful guy who seemed to be immuned to Lauren McGill's icy glare is Alves. Pinsan nila si Spike," kuwento ni Hanna.

"Ang kyu-cute nila 'no?" Tumango na lang siya.

"O-oo.", Hanna said, "And of course, there's Lauren McGill. Their Alpha," natatawang sabi ni Hanna. Napaangat siya ng tingin kay Hanna. Ayun na naman ang kakaibang kislap ng mga mata ng dalaga habang nakatingin kay Lauren.

"Hanna . . . Do you like La - I mean, McGill?"

Hanna blushed.

"I-impossible. I heard from a friend who went in the same high school as him that he's already engaged." She froze. Nakalimutan na niya ang napansin niyang pamumula ng mga pisngi nito dahil sa mga sinabi nito. Did she know . . . ?

Once Again [Lauren McGill _ Cyborg]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon