Chapter 1

557 26 7
                                    

Naka-upo si Aeious sa kanyang study table, habang tinitingnan ang kanyang gawang mga drawing. Napa-ngiti na lang siya at napailing, why can't he do it now? Ang galing-galing niya dati, pero nawala na lang iyon. Pinipilit niya pero hindi nabalik, halos maubos na nga ang sketchpad niya eh.

Alam niyang kailangan niya ng inspirasyon kaya lumabas muna siya sa kwarto. Pupunta siya sa park kung saan lagi siyang tumatambay, baka doon ay makita niya ang hinahanap iyang lakas para magawa ulit ang ginagawa niyang drawing.

"Mama, aalis po muna ako ha? Babalik na lang po ako kapag mag-lulunch na." sabi ni Aeious na hawak-hawak ang kanyang sketchpad

"Yan, doon ka sa labas para makakita ka ng mga bagay at ma-inspire ka sa pag-dadrawing, anak. Kaya mo iyan, I believe in you." sagot ng kanyang nanay habang ito ay nagkakape

Ngumiti lang si Aeious pero hindi siya nagsalita. Lumabas na siya sa kanilang bahay at pumunta na sa park. Medyo madaming tao ngayon dahil Sunday. It is family day. Kahit saan ka tumingin ay may makikita kang mga bata na masaya dahil sa wakas ay nakasama na naman nila ang kanilang mga pamilya.

 Aeious is a 25 year-old man na naghahanap ng kanyang sarili. Nung bata siya, he likes to draw a lot. Hindi niya nga lang alam ngayon kung bakit uti-unti na itong nawawala sa kanya. He still draws, pero hindi na siya satisfied sa outcome ng mga ito. Some people say it's okay but for him, it was not enough. May kulang, may nawawala pero hindi niya alam kung ano ba talaga iyon.

Tahimik na naka-upo si Aeious sa isang bench dito sa park na lagi niyang pinupuntahan. Umupo siya doon para makapag-isip isip, he tried to draw the little girl na nasa kanan niya na may hawak na lobo habang sobrang saya.

Matagal na niya itong tiningnan pero hindi pa din siya satisfied sa darwing niya na iyon. Hanggang sa may isang batang babae na nasa edad 10 ang nagsalita sa harapan niya. May hawak itong ice cream at halata mo na nagustuhan niya talaga ang drawing ni Aeious.

"Hmm, ang ganda niyan kuya ah. Drawing mo 'yan? I wish I can draw too! Sadly, I can't." umupo ito sa bench, katabi si Aeious para lalo pa silang magka-usap ng binata

"Hmm, don't be like me. What I draw are all trash. Okay? You will not get paid enough for doing this. Get a job, doon sa mga opisina kung saan malaki ang pera. "sagot naman ni Aeious, nakatingin pa din siya doon sa drawing niya

"Oh well, I'm not after the money. If drawing is your passion, then do it. Pursue it and you will grow. Ang ganda kaya ng gawa mo Kuya-- teka, ano po ang pangalan niyo?" tanung noong bata

"Aeious." sagot naman niya

"Ayun, Kuya Aeious. Magaling ka po, all you have to do is believe in yourself and work hard." sabi naman ng bata

"Bata ka pa nga, hindi mo pa alam paano gumalaw sa mundo. Enjoy your life first, balikan mo ako kapag successful ka na at magkwentuhan ulit tayo." sagot naman ni Aeious doon sa bata

Ilang minuto pa ay narinig na ng bata ang kanyang nanay. Lumapit ito kina Aeious at niyaya na niyang umuwi ang bata.

"Ay Diyos ko pong bata ka, akala ko kung saan ka na pumunta. Nandito ka lang pala, tara na at umuwi na tayo ha? Nang-gugulo ka pa yata sa ginagawa ni kuya. Hijo, pasensya ka na sa anak ko ha? Sadyang makulit lang ito at hindi makali sa upuan kaya takas nang takas. Halika na nga, hinahanap na tayo ng tatay mo." sabi nung nanay nung bata

"Ayos lang naman po, ma'am. Sa susunod na lang po ay paki-bantayang maigi iyang anak niyo. Madami po kasing masasamang tao sa paligid, baka po manakaw siya at mawalan po kayo ng anak. Paano na lang kung masama akong tao?" sagot naman ni Aeious

"I know you are not a bad person, I can see it in you, Kuya Aeious! When I grow up, I want to be like you. Ipapakita ko sa iyo ang mga na-accomplish ko sa buhay. I will find you!" tuwang-tuwang sabi nung bata

"Hala. Hijo, pasensya ka na talaga sa anak ko ah. Halika na nga!" inis na sabi nung matanda sa bata, kumaway naman ang bata kay Aeious habang nakangiti

Dahil doon ay nap-ngiti ng kaunti si Aeious at napailing. Pupunta na nga lang siya sa park para makapag-isip, may ganun pang nangyari. Halos isang oras din siyang nakatunga-nga lang doon, tinitingnan ang mga taong nadaan. Natapos na din niya ang kanyang drawing pero hindi pa din siya nasiyahan.

He slowly crumpled it at iniwan lang doon sa bench na inupuan niya. He took a sigh and left the park. Naisip niyang bumalik na lang sa bahay dahil gutom na siya at wala pa din sa kanya ang satisfaction na hinahanap niya. Kahit na sinabi pa nung bata kanina na ayos lang ang kanyang drawing, para kay Aeious ay may kulang pa din ito.

Ilang minuto pa ay dumating sa park si Marina, uupo sana siya sa bench kung saan umupo si Aeious pero nakita niya ang crumpled paper at tiningnan niya ito. She was amazed, napa-ngiti siya at naisip ang kaibigang si Benjamin. Benjamin loves to draw a lot noong nabubuhay pa ito at lagi niyang pinapakita iyon kay Marina.

Sadly, Benjamin didn't make it. He was kidnapped and soon killed by unknown people. Kung buhay pa sana si Benjamin ay ka-edad sana nito si Marina, 22 years old na sana sila at successful na sana siyang artist.

Hindi namalayan ni Marina na umiiyak na pala siya sa park habang hawak-hawak pa rin ang drawing ni Aeious. She kept it dahil nasasayangan siya, maganda naman ito kaya nagtataka siya kung bakit tinapon ito ng may gawa. 

She went to a place na malapit sa park at maraming mural. Dito siya napunta kapag gusto niyang kausapin si Benjamin. Sakto, may ike-kwento na naman siya dahil sa napulot niyang papel na may drawing. 

Aeious (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon