Chapter 13

157 17 0
                                    

Habang hinahakot nina Aeious at Mc Nel ang mga art works na pwedeng ibenta ay bigla namang pumasok ang kanyang nanay para i-check siya. Lagi na kasi silang di nagkikita dahil nga lagi na siyang nasa ospital nitong mga nakaraang araw.

"Akala ko naman kung sino na ang pumasok sa bahay. Pasensya ka na anak, hindi ko na kayo naasikaso kasi nasa likod ako. Inaayos ko yung garden natin. Gusto mo bang ipaghanda ko kayo ng miryenda anak?" sabi ng nanay ni Aeious

."Naku Mama, huwag na po kayong mag-alala kasi ayos naman na po kami. Aalis din kami kapag nakuha na namin ang lahat ng art works ko." sagot ni Aeious

"Ah, bakit anak? Anong gagawin niyo sa art works mo? Huwag mong sabihin na susunugin mo iyan anak. Magaganda iyan at gold iyan para sa akin." sagot naman ng kanyang ina

"Hindi po Mama, balak ko po kasing ibenta para makadagdag po sa gastusin sa ospital. Para kay Marina ang lahat ng ito. Sana ay okay lang po sa inyo na ibenta ko." sabi naman ni Aeious

"Ay Diyos ko po, salamat naman at ibebenta mo na iyan. Huwag ka mag-alala kasi ako ang unang bibili niyan. Teka, magkano ba ang isa? Kukunin ko muna ang pitaka ko ah." sagot naman ng nanay ni Aeious

Doon na nakapag-isip isip si Aeious, magkano niya ibebenta ang lahat ng art works niya? Kung mumurahan niya kasi ay lugi siya, kapag naman mahal niyang binenta iyon ay baka walang bumili.

"Mama, pwede na bang isang libo ang isang art work? Kung okay lang sa iyo pero kung hindi ay five hundred pesos na lang." sabi ni Aeious

"Naku anak, maliit pa ang isang libo sa galing mong iyan. Oh eto ang dalawang libo, pampabwenas ko sa iyo. Kukunin ko na itong gawa mo na ako ang subject mo anak. Thank you, sobrang na-appreciate ko ito." sabi ng nanay ni Aeious

"Oo naman Mama, wala namang kwenta ang lahat ng ito kung hindi ko gagawing subject ang taong nagbigay sa akin ng buhay di ba?" panlalambing ni Aeious sa kanyang ina

'Naku, baka gusto mo lang na dagdagan ko ng isang libo ang bayad ko sa iyo. Makaalis na nga at baka magawa ko pa iyon." biro naman ng nanay ni Aeious

Bago umalis ay tumingin pa ito sa kanyang anak. Tuwang-tuwa siya na finally ay maii-share na nito ang talent niya sa ibang tao. Naniniwala kasi siya na hindi lang pambahay ang talent ni Aeious.

"Kapag may natira pa, ay bibilhin ko na para sa inyo ni Marina ha? Mag-iingat kayo anak, maiwan ko na kayo dyan." pahabol na sabi nito

Pagkatapos noon ay nag-ayos na sila ng gamit, naglagay din si Aeious ng "PAINTINGS FOR SALE" sa isang cardboard.

Ilang minuto pa ay umalis na sila at pumunta na doon sa park. Buti na lang at holiday kaya madaming tao sa paligid. Puro bata pa ang mga kasama nito kaya sure na ma-eenjoy ng mga bata ang mga drawing at paintings.

Nag-ayos na sila at pumwesto sa may bench. May mga nakakakita na din sa kanila at lumapit na.

"Mommy look oh, maganda ang mga paintings ni kuya. Can we at least buy one?" sabi nung batang lalaki sa kanyang ina

"Anak, wala naman tayong pera at saka saan naman natin ilalagay iyan sa bahay? Aalikabukin lang iyan doon." sagot naman nung ina sa kanyang anak

"I'm sorry kuya. We can't buy your art works kaya tutulong na lang akong magbenta niyan. Okay?" sabi nung batang lalaki

"Ano bang ginagawa mo anak? Stop it! Umuwi na tayo. Wala ka namang mapapala diyan."  sabi nung matanda at hinila na ang kanyang anak paalis

Nadismaya si Aeious pero agad niya itong tinanggap. Alam naman niya na hindi lahat ay tanggap kung ano ang passion niya. Inisip na lang niya na para kay Marina ito para hindi na siya malungkot pa.

"Okay ka lang ba pare? Hayaan mo na iyon, madami pa namang batang nandito kaya maiinganyo pa silang bumili. Remmeber, we are doing this for Marina. Madami tayong mabebenta kung iyon ang iisipin natin." sabi ni Mc Neil

"Oo nga pre, pasensya ka na kung iyon ang naisip ko." sagot naman ni Aeious

Pagkatapos noon ay bumalik na sila sa pagtitinda. Ilang minuto pa silang naghintay ng mga bibili nang biglang may batang nagsalita sa harapan ni Aeious. Nagulat siya sa batang pamilyar ang mukha.

"Kuya Aeious, you're here again! Tanda mo pa ba ako? Buti na lang at nakita kita dito. What are you doing?" sabi nung batang babae

"Oh, ikaw pala iyan. I'm selling my paintings and some drawings. Do you want to check it?" sabi naman ni Aeious

"Sure Kuya Aeious. Mom, titingnan ko lang ang mga gawa ni Kuya Aeious ah? I'll buy some of it." masayang sinambit ng batang babae

"Sige anak, but be careful okay? Baka magulo mo ang art works ni Kuya Aeious." sabi nung nanay nung bata

Hindi nagtagal ay pumili na yung bata. Tatlong painting at dalawang drawing agad ang binili nito. Wala namang mapaglugaran ng tuwa si Aeious dahil nagbayad agad ng limang libong piso ang nanay nung bata. Napag-alamanan din kasi nito kung anong purpose ni Aeious at natuwa siya.

"Thank you Kuya Aeious ah, promise ko po na magiging katulad niyo talaga ako kapag lumaki na ako. Hindi ko pa rin po nakakalimutan iyon. Tutuparin ko pa din iyon." sabi nung bata na may ngiti sa kanyang mga labi

"Alright, kung iyon talaga ang gusto mo ay susuportahan kita. I'll see you around okay? ?" sagot naman ni Aeious at ngumiti rin

Pagkatapos noon ay umalis na ang bata. Nagdatingan naman ang iba pa na bibili dahil naenganyo sila sa mgaart works ni Aeious.  Umabot na siya ng sampung libo at malapit na din maubos ang mga art works niya. 

"Sabi ko naman kasi sa iyo, may bibili dyan eh. Ang galing mo kaya, imposibleng walang makapansin sa ganda ng art works mo. " sabi ni Mc Neil

"Oo nga pre, hindi ko din inakala na ma-aappreciate nila nang ganito ang mga gawa ko." sagot naman ni Aeious, sobrang saya siya at makakatulong na siya kay Marina

Pagkatapos noon ay bumalik na sila sa ospital. Gulat na gulat si Tita Alice dahil sa pera na ibinigay ni Aeious sa kanya. Nung una ay ayaw niya itong tanggapin pero nagpumilit si Aeious at alam din naman niyang makakatulong ng malaki ang sampung libo kaya tinanggap niya rin ito.

Aeious (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon