Chapter 2

419 23 5
                                    

Pumunta na si Marina sa mural. Napa-ngiti siya dahil nadagdagan na ang paintings doon. Nung huli kasi niyang punta, hindi pa ito tapos. Lalo tuloy gumanda at nakakapukaw ng madaming tao ang lugar na ito, lalo na at malapit lang ito sa park.

Nakakita siya ng isang lalaki na nakatayo at nakatingin doon sa murals. Mukhang seryoso ang mukha nito, natigilan lang si Marina nung tumingin din ang lalaki sa kanya.

Hindi na niya ito pinansin at umupo na lang siya sa hagdan na malapit doon sa murals. Kahit na magmukha siyang baliw dahil magsasalita na naman siyang mag-isa para makausap si Benjamin ay wala siyang pakialam.

"Benjo, naalala kita. May nag-iwan kasi ng drawing doon sa bench na inupuan ko kanina sa park eh. Iyan ha, dinalaw kita ulit sa puntod mo kanina tapos dumaan pa ako dito para kausapin ka. Naaalala mo pa ba nung lagi kang na-aamaze sa mga paintings o drawings nung bata pa tayo? Kapag nakakakita ka ng mural kahit saan, ay sinasabi mong magiging magaling ka ding artist katulad nila." sabi ni Marina habang nakaupo sa hagdan

Ilang minuto pa ay umalis na ang lalaking seryoso sa pagtingin doon sa mga murals. Napabuntong-hininga naman si Marina noong nakita niya iyon.

"Haynaku, buti naman at umalis na yung lalaking iyon dito. Sa itsura niya eh alam ko na kaagad na napakabigat ng dala niya eh. Sa tingin mo Benjo, ano kaya ang dahilan niya kung bakit seryoso siyang nakatingin sa murals?"

Habang nagsasalita siya ay may mga nadaan na mga tao. Hindi tuloy maiwasan ng mga ito na hindi mag-isip kung ano ba talaga ang sinasabi ni Marina.

"Siraulo ka talaga Benjo, kung hindi ka na-kidnapped noon at pinatay ay hindi ako magmumukhang tanga sa harapan ng mga tao dito. Bakit mo kasi ako iniwan nang maaga, ha?"

*flashback*

Masayang nagke-kwentuhan ang mga magulang nina Benjamin at Marina sa parke. Sunday kasi noon at para sa kanila ay family day iyon. Sampung taong gulang pa lamang sila noon pero may koneksyon na talaga sa isa't isa.

Naglalaro sina Benjamin at Marina noon sa park nang biglang yayain ni Benjamin si Marina sa mural na malapit lang doon sa park. Noong una ay ayaw pa ni Marina dahil baka pagalitan sila pero dahil sa kulit ni Benjamin ay napapayag na niya si Marina.

"Oh, saglit lang tayo doon ah? Baka mamaya niyan ay mapagalitan tayo." sabi ni Marina kay Benjamin

"Oo naman, titingnan lang naman natin yung mural eh. Lagi naman nating ginagawa iyon, hindi naman tayo napapagalitan ah?" sagot ni Benjamin kay Marina

"Benjo, saka na lang tayo pumunta doon. Please? Masakit ang ulo ko eh. Promise ko sa iyo, sasamahan kita next time kahit ilang beses mo pa gusto." sabi ni Benjamin

Dahil gusto talaga ni Benjamin na pumunta sa murals, iniwan niya si Marina at pumunta doon mag-isa. Nagkagalit pa nga sila.

"Ako na nga lang ang pupunta doon mag-isa. Alam mo naman na kapag nakikita ko ang murals at kahit anong drawing at painting ay natutuwa ako. Kalmado ako kapag nakakakita ng ganon." sabi ni Benjamin at umalis na

Doon na nagbago ang lahat, iyon din kasi ang araw na na-kidnapped si Benjamin.  Nagalit noon ang mga magulang ni Benjamin kay Marina kaya galit na galit siya sa kanyang sarili.

"Bakit ba kasi hindi na lang kayo natahimik sa isang lugar? Paano na ngayon niyan? Saan ko hahanapin ang anak ko?! Hindi mo na dapat siya pinayagan na pumunta doon, alam mo naman na papagalitan lang namin kayo. Magbabayad kayo sa nangyaring ito!" sabi ng nanay ni Benjo

"Sinabihan ko na po si Benjo na huwag na pumunta doon, pero nagpumilit pa din po siya kahit mag-isa. Pasensya na po, hindi ko naman ginusto. Hayaan niyo po, hahanapin naman po nila si benjo. Makakauwi siya nang matiwasay, pagako ko po iyan." nanginginig na sagot ni Marina sa nanay ni Benjamin

"Ano na ang gagawin namin oras na hindi nakita ang anak namin? Alam mo, sana iakw na lang ang kinuha--" hindi na natapos ang sasabihin ng nanay ni Benjamin dahil sumagot na ang nanay ni Marina

"Alam kong wala kang masisi kaya sinisisi mo ang anak ko pero wala ka din karapatan na sabihin na sana yung anak ko na lang ang nawala. Akala mo ba hindi ako nasaktan sa nangyari? Parang anak ko na si Benjo, alam mo iyan!" sigaw ng nanay ni Marina

"Nasasabi mo iyan kasi hindi naman ikaw yung nadukot ang anak, sobrang sakit Alice. Hindi ko kaya na mawala ang unico hijo ko! Bakit sa anak ko pa?!"  sigaw ng nanay ni Benjamin

Simula noon ay nagkaroon na sila ng hidwaan. Nalaman na lang nila sa mga kapibahay na namatay na nga daw si Benjamin gawa ng mga kidnappers, nanghihingi daw kasi ng pera ito pero walang maibigay ang mga magulang ni Benjamin sa kanila dahil naubos ang lahat ng pera nito.

*end of flashback*

"Sana sinamahan na lang kita noon, Benjo. Parehas sana tayo nakuha nung mga kidnappers, kasama na sana kita ngayon." huminga siyang malalim st kinuha yung drawing ni Aeious sa kanyang bag

"Alam mo, nung nakita ko ito ay nalungkot ako para sa nagtapon nito. Wala siyang confidence at tiwala sa sarili. Tingnan mo, tinapon niya lang ito eh sobrang ganda na. Pero syempre, alam kong kung ikaw ang may gawa nito ay mas maganda ang gawa mo kaysa dito. Bestfriend kaya kita ano."

"Kung sino man ang may ari nito, dapat ko siyang makilala. I will cheer him or her up para hindi na niya itapon ang art works niya. Art has a heart kaya. Diba, Benjo? May puso ang mga artworks, kung hindi ka lang nawala sana ay isa ka din sa mga nag-paint dito at kung saan-saan pa. Successful ka na sana kung binigyan ka lang nila ng pagkakataong mabuhay. May mga art exhibits ka na sana." sabi ni Marina na naluluha na

"Haynaku, alam ko naman na hindi mo ako masasagot kaya aalis na ako. Ang mahalaga ay napuntahan kita sa puntod mo kanina at dumaan ako dito. Benjo, alis na ako ah?" sabi ni Marina pagkatapos ay tinago na ang drawing ni Aeious sa kanyang bag

Bago niya ilagay iyon ay may nakita siyang pangalan doon sa drawing. Agad naman niyang napagtanto na baka iyon na nga ang may ari ng drawing na iyon. Sa isip niya, kailangan niyang makilala ang kung sino mang Aeious iyon.

Aeious (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon