Simula nung nakilala niya si Marina ay nagsimula na siyang mag-drawing ulit. Halos araw-araw ay nag-iimprove na ang kanyang mga painting at drawings. Napansin naman iyon ng kanyang ina kaya masaya ito para sa kanya.
"Lagi ka na nagda-drawing ah, hindi mo na din tinatapon ang art works mo recently. Anong meron? Did I miss something? May dapat ka yatang ikwento sa akin, anak." sabi ng Mama ni Aeious sa kanya habang dinalhan siya ng makakain sa kwarto
"Mama, maganda ba? Tingnan mo, sobra na yung ngiti nung pinipinta ko oh." sabi ni Aeious habang nakangiti
"Oo naman, lahat naman ng gawa mo ay maganda ah. Ikaw lang naman itong napapangitan sa mga art works mo. Teka, sigurado ako na may inspirasyon ka na dyan anak. Sino ha? Hindi ka na nagke-kwento." sagot naman ng kanyang Mama
"Ah, Mama tanda mo ba yung babae na kwinento ko sa iyo nung nakaraan? Yung inasar ko noon sa park. Iyon ang inspirasyon ko ngayon sa paggawa ng mga art works ko." sabi ni Aeious na nakangiti sa kanyang ina
"Single ba iyan, anak? Ayos ah, ngumi-ngiti ka na dahil sa kanya. Dapat ko siyang makilala at mapasalamatan man lang. Papuntahin mo kaya dito?" sabi ng nanay ni Aeious
"Mama, huwag na po. Okay na ako na sa park kami laging nagkikita. Hayaan mo, magke-kwento naman ako sa iyo tungkol sa kanya kapag nagkitaulit kami." sagot naman ni Aeious
"Sige anak, pero masaya na ako para sa iyo kasi naibalik mo na ang sigla sa art works mo. Sana ay makilala ko na siya sa takdang panahon. Hihintayin ko iyan ah?" sabi ng nanay ni Aeious
"Ay Mama, pupunta nga pala ako sa park mamaya. Magkikita kasi kami ni Marina at ibibigay ko na itong art work sa kanya. Sana naman ay magustuhan niya itong gawa ko, para sa kanya ito eh." sabi ni Aeious na nakangiti
"Oo naman anak, alam kong magugustuhan niya iyan. Sobrang ganda kaya, ang paggawa niyan ay puro pagmamahal. Walang makakatumbas noon kahit na sino." sagot naman ng nanay ni Aeious at umalis na din siya pagkatapos
After lunch ay excited na tinawagan ni Aeious si Marina para sabihin sa kanya kung pwede ba sila magkita dahil ibibigay niya nga ang art work na gawa niya. Halos ilang araw din ang ginugol ni Aeious para gawin iyon, ang painting na iyon ay nung nakatayo si Marina sa tapat ng murals. Alam kasi ni Aeious kung gaano kahalaga kay Marina kapag nakikita niya ang murals.
"Marina, may ibibigay ako sa iyo ah. magkita tayo sa park. Sana ay magustuhan mo, kung hindi naman ay pwede mong ibalik sa akin." sabi ni Aeious
"Ano ka ba? KAhit ano pa iyang ibigay mo ay itatago ko. Sige, pupunta na ako para makita ko na iyang bigay mo. Isasama ko nga pala si Mc Neil ha para makita niya ang art works mo. I know, he will be amazed kapag nakita niya iyan." sabi naman ni Marina
"Oh sige, ayos lang naman sa akin. Isama mo siya." sabi ni Aeious na nagpanggap na okay lang ang lahat sa kanya
Ayos na ayos si Aeious nang pumunta siya sa park. Ngayon na kasi niya ite-take ang chance na ligawan si Marina. Nung una ay nag-aalinlangan pa siya kung itutuloy niya ito, pero alam naman niyang walang mawawala kung sumubok ulit siya sa pagmamahal. Tutal, 5 years naman na silang wala ni Candy.
Saka si Marina ay may background na rin sa pangarap ni Aeious kaya kung sakali na maging sila ay hindi siya iiwanan nito. Alam kasi ni Marina ang halaga ng pangarap sa pag-drawing o pagpinta.
Tuwang-tuwa si Aeious na hawak-hawak ang canvas na may laman nung painting. malapit na siya doon sa park nang makita niyang naghahalikan si Mc Neil at Marina. Naibagsak tuloy niya ang canvas at unti-unting nadurog ang puso niya. Ang dami niyang tanong sa isip, bakit parang niloko na naman siya ng tadhana at pinaniwala na naman sa pagmamahal na akala niya ay para sa kanya na?
Dahil hindi niya nga kayang makita ang mga pangyayaring dumurog sa puso niya ay umalis na lang siya sa park. Agad-agad din niyang tinapon ang painting sa basurahan dahil alam niyang wala nang kwenta iyon. Bahala na kung ano ang maidadahilan niya mamaya kung bakit di siya nakadating sa park. For sure ay uulanin siya ng texts ni Marina mamaya.
Gulat na gulat naman si Marina dahil sa ginawa ni Mc Neil sa kanya. Halos maitulak ni Marina ang binata, galit na galit niyang kinausap ang kaibigan. Hindi naman kasi ganun si Mc Neil dati, nagbago na lang ito nung nakilala niya si Aeious.
"Ano ka ba ha? Hindi ka ba talaga nag-iisip? Siraulo ka na, kaibigan kita at ayaw kitang mawala pero bakit mo ba ako pinipilit na gustuhin ka? Ilang beses ko ba dapat sabihin sa iyo na hindi kita gusto! Kahit tumanda na tayo, hindi kita mamahalin. Sa pinakita mo ngayon, sa tingin mo may pag-asa ka pa sa akin?" sabi ni Marina
"Tangina naman kasi Marina, ano pa ba ang gusto mong gawin ko sa atin para mahalin mo lang ako? Ilang taon na akong nandito sa tabi mo. Ako ang kasama mo sa lahat ng ups and downs mo pero iyang Aeious na iyan kakakilala mo lang dyan diba? Pero mas malapit ka pa sa kanya, halos may chance pa siya kaysa sa akin." sabi naman ni Mc Neil kay Marina
"Oo, mas may chance siya kaysa sa iyo dahil hindi siya katulad mo. Hindi niya ako pinilit na gustuhin ko siya, it came out naturally. Oo, gusto ko siya at sasagutin ko siya oras na manligaw siya sa akin. Kaya kung wala ka nang sasabihin na matino ay aalis na ako." sagot naman ni Marina
"Marina, si Benjamin lang naman ang nakikita mo sa kanya. You two will never be happy because hindi si Aeious ang nakikita mo kundi si Benjo, isang patay na nilalang na. Aminin mo na sa sarili mo na 'yon ang totoo!"sigaw ni Mc Neil
"Oh wait, may nakalimutan nga pala akong ibigay sa iyo Mc Neil. Ito yung ganti ko sa halik mo." sabi ni Marina sabay sampal kay Mc Neil, umalis na din siya pagkatapos noon
Hindi akalain ni Marina na kayang gumawa ng ganun ni Mc Neil dahil sa pag-ibig. Totoo nga ang sabi ng iba, nakakabaliw ang pag-ibig kaya minsan kahit hindi na tama ay magagawa mo dahil lang bulag ka sa pagmamahal.
Sumapit na ang gabi, puro tawag at texts na siya kay Aeious pero hindi sumasagot ang binata sa kanya. She was disappointed awhile ago tapos upset naman ngayon. Hindi niya maiwasan na itanong sa sarili kung bakit bigla na lang hindi nagparamdam si Aeious sa kanya.
BINABASA MO ANG
Aeious (Completed)
Short StoryAeious is a man full of passion in his heart. One day, nawala iyon lahat sa kanya. He was lost, until Marina came into his life to fix and motivate him to do his passion which is drawing/painting. This is dedicated to all who is passionate to their...