Makalipas ang tatlong araw ay nagkita ulit si Mc Neil at Aeious sa ospital. Shifting na kasi sila sa pag-babantay kay Marina eh. Bago pumasok si Aeious ay nagulat siya dahil tinawag siya ni Mc Neil sa napakahinahon na boses. Hindi muna siya pumasok sa loob at umupo muna.
"Aeious, pwede ka bang makausap? Kahit saglit lang, may sasabihin lang naman ako." sabi ni Mc Neil na may awkward na ngiti
"Ayos lang naman, ano ba ang sasabihin mo? Just make sure hindi ka gagawa ng away dito sa ospital ah." sabay tipid na tumawa si Aeious
"Ah, hindi naman. Okay na ako. Alam ko na ang lugar ko sa buhay niyo ni Marina." sabi ni Mc Neil at ngumiti
"Paanong alam mo na? Pre, hindi kita maintindihan ah." sagot ni Aeious
"Oras na magising si Marina, alam ko na ikaw agad ang hahanapin niya. Aeious, ikaw ang mahal ng kaibigan ko. Never naman akong magiging ikaw kaya hindi ko na pipilitin pa na mapasa-akin siya." sagot ni Mc Neil
"Salamat pre ah, pero hindi pa naman siya gising kaya hindi pa din natin alam kung sino ang pipiliin sa ating dalawa. Ipagdasal na lang natin siya, sana pagmulat niya ay ngiti ang agad niyang reaksyon." sabi naman ni Aeious
"Oo naman, matutuwa iyon sa sobrang ganda ng kwarto niya dahil sa art works mo. Naalala ko tuloy yung panahon na akala niya eh ikaw at si Benjamin ay iisa dahil parehas kayo." sagot naman ni Mc Neil
"Talaga? Nnaisip niya iyon? Grabe naman talaga ang pagmamahal niya sa lalaking iyon ano. Umabot na sa point na kahit ibang tao ay akala niyang nag-reincarnate." sagot naman ni Aeious
"Well, nung una lang naman iyon. Nalinawan na din siya onwards na hindi totoo ang reincarnation. Baka nakita na niya ang pagkakaiba niyo ni Benjo. Pasensya ka na din pala at nasisi kita sa aksidente niya." sagot ni Mc Neil
"Ayos lang naman iyon pre, naiintindihan ko naman ang sitwasyon mo noon. Wala kang masisi eh, syempre galit ka sa akin kasi gusto mo ikaw ang piliin niya. Normal lang iyon at hindi ako nagagalit sa iyo dahil doon." sagot naman ni Aeious
"Ah, alam ko na. Babawi na lang ako sa kahit anong paraan. May maitutulong ba ako sa art works mo pare? Kahit ano, gagawin ko. Huwag lang mag-paint, hindi ko kaya iyon eh. Wala akong powers sa ganun." sabi ni Mc Neil at ngumiti
"Aba, at gusto mo talagang tumulong ah. Sige, tulungan mo akong ibenta yung mga art works ko sa bahay. Para na din makatulong tayo sa gastusin ni Marina dito sa ospital. Okay ba iyon?" excited na sagot ni Aeious
"Ha? Ibebenta mo yung art works mo? Eh ayaw mo doon diba?" nagtatakang tanong ni Mc Neil
"Exactly, kaya ko nga ibebenta dahil gusto ng mga tao ang gawa ko pero ayaw ko doon. Madami-dami na din akong nagawa kaya okay na din iyon para makatulong kay Tita Alice." sagot ni Aeious
"Saludo talaga ako sa iyo, hindi mo na iniisip ang sarili mo. Para na lang kay Marina lahat. Kung naniniwala lang ako sa reincarnation, maniniwala akong si Benjo ka." sagot naman ni Mc Neil
"Kaya nga din siguro kami pinagtagpo eh para makabawi naman si Benjamin sa kanya sa pamamagitan ko. Hindi ba? Oh, sasama ka bang magbenta sa akin?" sabi ni Aeious
"Oo naman, gusto kong sumama pre. Pero saan naman tayo magbebenta ng art works mo?" tanong ni Mc Neil
"Saan pa edi sa lugar kung saan ko siya nakilala. Sa park, madaming taong nadaan doon at madami ding bata paminsan. Ano, tara na?" sabi ni Aeious
Pagkatapos noon ay pumasok na sila sa loob ng kwarto ni Marina. Nandoon sila para magpaalam kay Tita Alice at syempre kay Marina na din.
"Tita Alice, may pupuntahan lang po kami ah. May aasikasuhin lang po. Dito po muna kayo kay Marina ah?" sabi ni Mc Neil
"Ah eh, kayong dalawa ni Aeious ang aalis? Paano eh diba--" hindi na natapos ng nanay ni Marina ang kanyang sasabihin dahil sumagot agad si Aeious
"Huwag na po kayong mag-alala sa amin Tita Alice. Okay na po kami ni Mc Neil. Hindi na po kami mag-aaway, promise! Hindi ba, Mc Neil?" sagot ni Aeious
"Oo nga tita, nag-usap na po kami ni Aeious. Best friend ko na nga po iyan ngayon eh." biro pa ni Mc Neil
"Ah, so saan naman kayo pupunta? Huwag magpagabi ah, baka mapaano kayo." sabi ni Tita Alice
"Ah sa park po magbe--hindi na natapos ni Mc Neil ang sinasabi niya dahil sumagot si Aeious
"Ah mamamasyal lang po sa park. Ang bigat po kasi sa feeling kapag nandito lang sa ospital. Iba po pati ang amoy dito eh, nakakailang araw na din po kasi ako." sagot naman ni Aeious
"Eh babalik pa ba kayo dito mamaya? May pupuntahan kasi ako eh, uutangan ko sana para sa pambayad ng bill dito sa ospital. Walang-wala na kasi kami eh." sagot ni Tita Alice
"Ah, sige po. Tatawagan ko po si Krishtel mamaya at sasabihin ko po na siya muna ang magbantay sa Ate Marina niya. Papayag naman po iyon agad kaya huwag kayong mag-alala." sagot ni Mc Neil sabay ngiti kay Tita Alice
"Ah, sige. Salamat sa mga effort niyo para maalagan ang anak ko ah. Malaki talaga ang utang na loob ko sa inyo. Buti na lang talaga at okay na kayong dalawa." sabi ni Tita Alice
Ngumiti naman si sina Aeious at Mc Neil pagkatapos ay umalis na sila. Pumunta sila sa bahay ni Aeious para kunin ang lahat ng pwede nilang ibenta na art work.
Manghang-mangha naman si Mc Neil sa mga nakita niya. He realized na si Aeious nga ang tamang lalaki para kay Marina at hindi siya. At least ngayon, matatanggap na niya iyon ng buong puso.
BINABASA MO ANG
Aeious (Completed)
Short StoryAeious is a man full of passion in his heart. One day, nawala iyon lahat sa kanya. He was lost, until Marina came into his life to fix and motivate him to do his passion which is drawing/painting. This is dedicated to all who is passionate to their...