Ilang minuto pa ay dumating na sila doon, agad na nagtaka si Aeious dahil may binanggit na pangalan si Marina pero hindi ang pangalan niya. Umupo sila sa hagdanan kung saan niya unang nakita si Marina.
"Benjo, nandito ulit ako. Kasama ko nga lang ang isang asungot, pero alam ko naman na mabait ito. Malakas lang mang-asar, si Aeious." sabi ni Marina
"Benjo? Sino si Benjo? M-may third eye ka ba? Mga nilalang na hindi ko nakikita? Aray, nakakatakot ka naman pala. Nasaan siya? Katabi ba natin?" sunud-sunod na tanong ni Aeious, ramdam sa boses niya ang takot
"Tumigil ka nga dyan, iyan ka na naman sa mga banat mo eh. Hindi ako nakakakita ng multo, okay?! Kinakausap ko lang ang kaibigan kong si Benjo. Siya ang dahilan kung bakit gusto kitang hanapin. You remind me of him, mahilig din siya sa pagguhit noong bata kami. Noong nakita ko ang art work mo nung unang araw na nagkita tayo, pinakita ko iyon sa kanya eh. Naaalala mo ba?" sabi ni Marina
"Ah, kaya ba parang may kinakausap ka noong nandito ka naka-upo? Siya pala ang kausap mo. What happened to him? May I know about it or not?" sabi naman ni Aeious
"Well, he was kidnapped and killed noong sampung taong gulang pa lang kami. Dito din siya na-kidnapped, gusto kasi niyang pumunta kami dito noon pero ayaw ko. Kaya ang ending, siya na lang ang pumunta. Siya lang tuloy ang na-kidnapped, dapat kasama din niya ako eh." sagot naman ni Marina
"Sad story. Dapat maging thankful ka na lang, nakaligtas ka sa kapahamakan. Hindi ba? Pero, alam ko naman na sinisisi mo ang sarili mo dahil hindi mo siya naligtas. Kaya pala iniipon mo ang mga tinatapon kong art works, mahalaga pala sa iyo iyon dahil sa isang tao. Ang swerte ni EBnjo sa iyo, suportado mo siya sa kung anong gusto niya. Sana lahat ng tao, ganun. Hindi kinukutsa ang gawa ng tao from passion." sagot naman ni Aeious
"Ang lalim ng hugot mo ah, ano bang kwento mo? Bakit nga ba tinatapon mo ang mga ginuguhit mo? Ang ganda naman ah, ipagpatuloy mo lang at alam kong makakamit mo din ang pangarap mo. Madami sa paligid mo ang hindi na pinagbigyan, mas blessed ka pa din na buhay ka pa at may chance pang gumuhit. Si Benjo, wala na. Kinuha nung mga kumidnapped sa kanya ang pangarap niya. Tinanggalan siya ng pagkakataon ng tadhana." sabi naman ni Marina
"Let's say, naniniwala ako noon sa talento ko. My girlfriend was there, akala ko hindi niya aalisin ang tiwala niya sa akin na kaya kong mabuhay sa pagguhit. But I failed, dumating ang araw na kinakatakutan ko. Sabi na lang niya sa akin na ayaw na niya dahil wala akong pangarap."sagot naman ni Aeious
*flashback*
"Mahal, bakit wala ka doon sa contest kanina? Sabi mo, pupunta ka. Busy ka ba sa pagmo-model mo? Sorry ah, hayaan mo at ipapakita ko na lang sa iyo ang award ko. First runner up ako eh, sayang nga lang hindi mo na nakita. Pupunta na lang ako bukas dyan sa inyo--" hindi na natapos ni Aeious ang sasabihin niya dahil sumagot agad si Candy
"Sorry, Aeious. Hindi na ako makakadalo sa kahit anong contest mo. Ayaw ko na, I'm breaking up with you. Hindi ko na kayang makisama pa sa lalaking wala namang pangarap. We are not on the same page, Aeious. I'm sorry." sabi ni Candy sa kanya
"Pero sabi mo sa akin noon, sasamahan mo ako kahit sobrang layo ko pa sa pangarap ko. Anong nangyari? Bakit iyan ang naririnig ko sa iyo ngayon? Mahal ko, huwag naman. Kung gusto mo, iibahin ko ang pangarap ko. Tatalikuran ko na ang pagguhit, maghahanap ako ng ibang trabaho. Huwag mo lang akong iwan ang unfair naman." sabi ni Aeious
"Noon iyon, akala ko kasi ay kaya mo na ayusin ang saril mo pero hindi. Don't change for me but for yourself. Ayaw ko naman dumating ang araw na bigla mo na lang akong sisisihin dahil pinilit kita sa isang bagay na hindi mo naman gusto." sagot ni Candy
"Alam mo naman Candya na ikaw lang ang gusto ko hindi ba? Sportahan mo naman ako sa passion ko. Akala ko, kasama kita sa pangarap kong ito pero hindi pala, bibitawan mo din pala ako. Please, kayo na lang ni Mama ang naniniwala sa akin, huwag naman tayong maghiwalay sa ganitong paraan." pagmamakaawa ni Aeious kay Candy
"Walang pera sa passion Aeious, kung maghihintay ka doon. Para ka lang din naghihintay sa wala kung ispagpapatuloy mo pa iyan. Pasensya ka na pero ayaw ko na." sagot ni Candy kay Aeious
*end of flashback*
"Grabe naman pala iyang ex-girlfriend mo eh, malakas yata ang kabaliwan niyan eh. Kung ako sa kanya hindi ko ginawa iyon, suporta lang naman ang hiningi mo pero break-up binigay niya. Ang lakas ng tama eh." sabi ni Marina kay Aeious
"Ngayon, successful na model na siya ng henerasyon niya. Parehas pala kami ni Benjo ano, pinagkaitan ng pangarap. Wala eh, hindi siya naniwala sa akin na kaya ko kaya hindi na din ako naniwala sa sarili ko. Para saan pa diba?" sabi ni Aeious
"Para sa sarili mo, sa Mama mo at sa mga taong naniniwalasa iyo. Katulad ko, ngayon ay naniniwala na akong kaya mo." sabi naman ni Marina
"Wow naman, thank you ate-- ay teka, ano ba ang pangalan mo? Kanina pa tayo magkausap pero hindi ko alam ano ang pangalan mo. Ang daya ah." biro ni Aeious
"Marina Lim ang pangalan ko." sagot naman niya
"Friends na tayo ngayon ah, pwede ba iyon?" alok ni Aeious
"Oo naman, pwedeng-pwede na. Basa huwag mo lang akong aasarin ah? Pikon talo kasi ako. Uunahan na kita, hindi kita crush. Si Benjo lang ang lalaki sa puso at isip ko kahit wala na siya." sagot naman ni Marina
"Bakit? Hindi ba ako pwedeng maging Benjo mo? Eh, naalala mo nga siya dahil sa akin eh." hirit pa ni Aeious
Napailing na lang si Marina at tumayo na para umalis doon sa murals. Sa huling pagkakataon ay tumingin siya kay Aeious at ngumiti. Ngiti din naman ang ginanti ng binata sa kanya. Masaya siya dahil kilala na niya ang tao sa likod ng mga guhit na iniipon niya.
BINABASA MO ANG
Aeious (Completed)
Short StoryAeious is a man full of passion in his heart. One day, nawala iyon lahat sa kanya. He was lost, until Marina came into his life to fix and motivate him to do his passion which is drawing/painting. This is dedicated to all who is passionate to their...