Dahil labis ang pagtataka ni Marina sa taong iyon, lagi na tuloy siyang napunta doon sa park. Hindi niya alam kung bakit pero parang may tumutulak sa kanya na kilalanin ang taong iyon. Kapag kasi nakakakita siya ng artwork ni Aeious, naaalala niya si Benjamin.
Tatlong beses sa isang linggo kung pumunta siya doon. Kapag nadating siya ay wala na si Aeious, minsan makakakita siya ng drawing ng isang batang lalaki na may alagaang aso o di kaya naman ay isang babae na may hawak ng isang flower. Kung anu-ano ang nadadatnan niya, hindi niya tuloy maiwasan na hindi ma-pangiti. Ang gaganda kasi nito at parang professional ang may gawa.
"Diyos ko naman, hindi ka ba natatakot sa mga naiisip mo? Anong kahibangan iyan, nahuhulog ka na sa isang tao na hindi mo naman kilala dahil lang sa artworks niya? Are you out of your mind, Marina? Si Benjamin ang nakikita mo, hindi ang kung sino man na nag-drawing niyan." sabi ni Mc Neil, kaibigan ni Marina
"Alam ko naman na hindi ka naniniwala sa reincarnation pero paano kung si BEnjamin ay si Aeious hindi ba? Bakit niya alam ang park? Doon kami lagi ni Benjamin naglalaro dati, bakit lagi siyang nandoon kung hindi sila iisa lang?" pagdepensa naman ni Marina sa sarili
"Naku, walang pupuntahan ang pag-uusap nating ito. You know to yourself that you are just wasting time sa paghihintay mo sa lalaking iyan. Alam kong hindi ko pa nakikita si Benjo, pero naniniwala ako na hindi sila iisa nung Aeious na iyan. Tanggapin mo na lang kasi, you just miss him!" sagot naman ni Mc Neil
Matagal nang nanliligaw si Mc Neil kay Marina, nakilala nila ang isa't isa noong lumipat pansamantala sina Marina doon sa kalapit bahay nina Mc Neil noon. Alam niyang isa lang siyang shadow ni Benjamin, pantakip sa pagka-miss ni Marina sa namatay nitong kaibigan. Syempre, hindi na siya papayag na may e-eksena pa ulit na bago sa kwento nilang dalawa. Masakit na nga para sa kanya ang makipag-kumpetensya sa patay, doon sa buhay pa kaya?
"Kung hindi man sila iisa, sana ay makilala ko siya. I will cheer him up kung kina-kailangan. Magawa ko man sana ang mga ito kahit sa ibang tao na. siguro, kaya hinayaan ng Diyos na makilala ko ang taong ito ay dahil gusto Niyang makabawi ako kay Benjamin kahit papaano." sagot naman ni Marina
"Oh, edi sana ay makilala mo din ako ano? Bigyan mo naman ako ng halaga. Lagi na lang akong shadow ni Benjo, ang sakit-sakit na kaya. Kailan mo ba ako pipiliin? Nakikipag-kumpetensya na nga ako sa patay, ngayon sa buhay din? Aba, nakakabaliw na ang sakit ah." sabi naman ni Mc Neil
"Naku, alam mo naman kung ano ka sa buhay ko. Saka, pinipili naman kita ah? Pinipili kita bilang kaibigan ko. Alam mong hanggang doon lang iyon." sagot ni Marina sabay tapik sa shoulder ng kaibigan at aktong aalis na
"Uy, saan ka na naman pupunta? Don't tell me, pupuntahan mo na naman ang Aeious na iyan at susubok ka na naman na baka nandoon siya." sabi ni Mc Neil na aktong susundan naman si Marina
"Alam mo, kung hindi mo ko kayang paniwalaan sa mga sinasabi ko eh huwag ka na sumama. Okay? Okay na sa akin na nasasabi ko sa iyo ang thoughts ko tungkol sa Aeious na iyon. TAma ka, susubok ulit ako ngayong araw kung sino ba talaga iyon." sagot naman ni Marina at umalis na sa bahay ni Mc Neil para pumunta sa park
Dahil nga ayaw ni Mc Neil sa mga plano ni Marina, hindi na lang din siya sumama. Alam kasi niya na magagalit lang si Marina kung sumunod pa siya, at sigurado din siya na kung sakali man na magkasalubong ang landas nilang attlo ay masasaktan siya.
Ilang minuto pa ay dumating na si Marina sa park, ito kasi yung araw na laging pumupunta si Aeious doon sa place na iyon. Hindi nga lang niya maabutan kaya ngayon ay inagahan na niya ang pagpunta.
Nagmasid muna siya sa mga tao doon, wala namang pagbabago. Masaya pa rin ang mga tao sa park, may pamilya, may mag-asawa at mag-jowa na maghihiwalay din naman after three months. Napatawa na lang si Marina dahil sa thought niyang iyon.
Pagka-masid doon sa mga tao, napukaw na ang kanyang atensyon doon sa bench. Sakto! May isang lalaki na nakatingin sa sketchpad niya, malakas na ang kutob ni Marina na si Aeious na iyon. Excited tuloy siyang lumapit doon sa lalaki.
"Aeious, ikaw ba iyan?" sabi ni Marina habang nakatayo sa harapan nung lalaking nagda-drawing
"Yes, miss? How can I--" sabi nung lalaki
"Ikaw?! Ikaw si Aeious?!" sigaw ni Marina
"Yes, ako nga. Ikaw yung babae sa murals hindi ba? Yung nagsungit ng mukha sa akin. How can you--" hindi pa tapos magsalita si Aeious ay sumagot agad si Marina
"Huy, for your information hindi ako ang unang nagsungit sa iyo ah. Ikaw kaya itong ang seryoso ng mukha sa akin kaya ganun ang naging reaksyon ko sa iyo. Dyan ka na nga, maganda ka ngang mag-drawing pero suplado ka naman!" sabi ni Marina kay Aeious
"Excuse me, paano mo nasabing magaling ako mag-drawing ha? Stalker ka sa FaceNook ano? Maybe isa ka sa mga follower ko na may crush sa akin ano?" pang-aasar pa lalo ni Aeious
"Excuse me?! Hindi kita crush ano, at hindi ko din alam ang FaceNook account mo. Ang kapal naman ng mukha mo! Dyan ka na nga, baka bumagyo na sa lakas ng hangin dito eh. Ang yabang mo kasi, hindi ka naman gwapo. Bakit, kamukha ka ba ni Piolo Pascual ha?!" sabi ni Marina
"Hala uy! Crush mo iyon? Bakla iyon ah, hindi mo pa alam?!" asar naman ni Aeious sa kanya
Dahil sa inis ay tumalikod na lang si Marina, paalis na sana siya pero tinawag ulit siya ni Aeious. Hindi na sana siya titingin pa pero ang kulit kasi ni Aeious kaya wala na din siyang nagawa. Isa pa, iyon naman talaga ang gusto niyang mangyari eh. Ang makilala si Aeious, pero hindi niya akalain na iyon din pala yung nakakainis na tumingin sa kanya doon sa may mga murals na malapit sa park.
BINABASA MO ANG
Aeious (Completed)
Short StoryAeious is a man full of passion in his heart. One day, nawala iyon lahat sa kanya. He was lost, until Marina came into his life to fix and motivate him to do his passion which is drawing/painting. This is dedicated to all who is passionate to their...