Chapter 9

149 19 5
                                    

Halos dalawang linggo na ang nakakaraan nung muntik nang magkita si Aeious at Marina. Tuloy pa din naman ang buhay nilang dalawa pero may kulang na. Parang bumalik na naman sila sa 0 dahil sa nangyari. 

Simula nung nangyari iyon, ay nawalan na naman ng gana mag-drawing o painting si Aeious. Habang si Marina naman ay hindi focused sa pagbabantay ng kanilang sari-sari store.  Hindi na din siya napunta sa park dahil alam niyang wala ding kwenta iyon, hindi naman kasi magpapakita si Aeious sa kanya.

Lagi siyang natingin sa kanyang cellphone, naasa na may text o missed call galing kay Aeious pero wala eh. Hindi rin nag-uupdate sa FaceNook si Aeious ng kanyang mga ginuguhit kaya alam niyang hindi ito nag-oonline.

"Miss, ang lalim ng iniisip ah. Pabili nga ng chichirya at softdrink. Salamat." sabi nung lalaki, nagising naman si Marina sa katotohanan

"Oh, sorry. Hindi ko sinasadya, may iniisip lang. Ano nga po ulit iyon?" sabi ni Marina

"Chichirya at softdrinks, kako. Lovelife mo iniisip mo ano? Hayaan mo, mamahalin ka din noong iniisip mo." sabi naman nung lalaki

"Ah, hindi ah. Iba ang iniisip ko. Ito na nga yung chichirya at softdrink mo." iritang sagot ni Marina

"Miss, huwag ka naman mairita sa akin. Sa gwapo kong ito, naiinis ka? Grabe ka naman. Sige na, maka-alis na nga dito." sagot naman nung lalaki

Sa saglit na iyon, bigla niyang naalala si Aeious. Mayabang din kasi ito nung una silang nagkakilala. As far as she remembers, iyon din ang sinabi ni Aeious sa kanya. Dahil sa thought na iyon, napangiti na lang siya bigla.

Shocks, hindi pwede ito Marina. Tapos na kayo ni Aeious di ba? Hindi ka na nga kinakausap noon eh, tapos ngayon ngi-ngiti ka na para kang loka-loka. Tigilan mo iyan, nasasaktan ka lang eh. Erase ha?!

Pagkatapos noon ay umupo na ulit siya at tinapik-tapik niya ang kanyang pisngi para magising siya sa katotohanan na wala nang pag-asa na maging sila. Kahibangan na lang iyon, pangarap na kahit kailan ay hindi matutupad.

Sa kabilang banda naman ay tahimik na nagda-drawing si Aeious sa kanilang bahay. Hindi pa siya nagpe-FaceNook simula nung nakita niyang naghahalikan si Marina at Mc Neil. Nung una ay hindi iyon pinapansin ng kanyang ina pero di naglaon ay naging worried na ito sa kinikilos ng kanyang anak.

"Anak, ayos ka lang ba? Ang tagal na simula nung nakita kitang ngumiti ah. Anong nangyari? May hindi ba ako alam na kailangan mong sabihin sa akin? C'mon, you can open up to me, makikinig ako sa iyo anak." sabi ng kanyang nanay

"Mama, ang bigat ng pakiramdam ko. Parang nagsisimula na naman ako doon sa una. Nawalan ako ng gana pero pinipilit ko pa ring ibalik ang saya ko sa pagguhit." sabi ni Aeious

"Ah, ano bang nangyari anak? Kamusta na na pala yung babaeng kini-kwento mo sa akin? Siya ba ang dahilan kung bakit nawalan ka na naman ng gana?" sabi ng nanay ni Aeious

"Opo, Mama. Akala ko ay ayos na ang lahat. Akala ko, pwede na kaming maging kami eh. Kaso naunahan ako nung kaibigan niyang si Mc Neil, nung araw na makikipagkita sana ako sa kanya ay nakita ko sila na naghahalikan. Ang kinakainis ko lang, sabi naman niya sa akin ay hindi niya sasagutin iyon pero bakit sila naghalikan sa harapan ko?" malungkot na tugon ni Aeious

"Anak, baka naman hindi talaga iyon ang nangyari. Malay mo, may hindi ka lang naintindihan. Naka-usap mo na ba yung babaeng iyon after what happened?" sabi ng nanay ni Aeious

"Hindi pa po, Mama. Aayw ko kasi, parang na-trauma na ako sa kanila ni Candy. Ngayon na lang ako ulit nagmahal tapos ganun na naman ang ending ko. Siguro ngayon, pinagtatawanan na ako ng tadhana kasi pinaglalaruan nila ako." sagot naman ni Aeious

"Anak, iba ang babaeng iyan at iba din si Candy. Hindi sila parehas ng pagkatao kaya hindi dapat iyan ang iniisip mo. Okay? Go to the park, kausapin mo siya. Hangga't hindi naman niya sinasabi na yung Mc Neil ang mahal niya, edi may laban ka pa. Kaya mo iyan anak, save your self. Wala namang mawawala kung hindi mo susubukan." sabi ng nanay ni Aeious

Napabuntong hinga si Aeious, na-realize niya na tama nga ang kanyang nanay. Hangga't hindi naman sinasabi ni Marina na sila na ni Mc Neil ay hindi pa talaga sila. Baka nga namis-interpret nga lang ni Aeious ang kanyang nakita.

"Totoo nga ang kasabihan na mother's knows best, Mama.  Salamat sa payo mo ah, hayaan mo a itetext at tatawagan ko siya para mag-kausap na kami. Mahirap din kasi na mag-assume na lang ako sa nakita ko at di ko linawin ang lahat hindi ba?" sagot ni Aeious

"Oo nga anak, hindi dapat ganun ang mind set mo. Kaya mo iyan, go go go! Kung saan ka masaya ay doon din ako anak." sabi ng nanay ni Aeious

After lunch ay nagtext at tawag na si Aeious pero walang nasagot sa kanya. Naisip niya na baka walang load si Marina kaya hindi ito nasagot sa kanya. Inulan na lang niya ng text messages ang dalaga.

Marina, si Aeious ito. Ayos ka lang ba? Pasensya ka nung nakaraan. Hindi ako nakapunta kasi biglang sumakit ang ulo ko. Pwede ba tayong magkita ngayon sa park? Mag-usap na tayong dalawa, I think we really need to talk eh.

Are you mad about what happened? Sorry na, hindi ko naman iyon sinasadya. Don't worry, babawi na lang ako ngayon sa iyo. Okay ba iyon? See you sa park! Papunta na ako.

Aba, nagpapa-miss ka ba sa akin? Medyo effective ha.miss na kita. Male-late ka ba sa park? Okay lang, maghihintay na lang ako ah?

Dumating si Aeious sa park, naghintay siya ng isang oras pero wala pa ding nadating na Marina. Kinuha na lang niya tuloy ang sketchpad niya at nag-drawing siya habang naghihintay. Inabot na siya ng dilim pero wala si Marina. Puno na naman tuloy siya ng  tanong sa isip niya. Ano kaya ang nangyari sa dalaga at hindi ito nasagot sa mga text at tawag niya?

7pm na siya umuwi. Napagtanto niya na baka magkasintahan na nga si Mc Neil at marina kata hindi na siya sinasagot nito. Durog na naman ang puso niyang umuwi. Tinatak na nga talaga niya sa isip na baka hindi sila para sa isa't isa.

Aeious (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon