Tatlong taon matapos matalo ng mga maalamat na bayani ang itim na panginoong si Zuthor. Nagkaroon ng kaalaman ang mga mortal na tao tungkol sa hiwaga ng mundo, maging ang mga maalamat na bayani at kasama nilang namumuhay ang mga ito.
Ang kanilang kapangyarihan ay hindi tanggap ng mga ito kaya sila ay kinatatakutan at kinamumuhian. Sa pananaw ng mga tao ay ang kapangyarihan ng mga maalamat na bayaning ito ay banta sa kanilang seguridad at kaligtasan.
Para sa mga mortal, hindi na dapat pang manirahan sa mundo ang mga maalamat na bayaning ito. Kaya naman ang mga ito ay nagpakalayo-layo na at lumugar na sa tahimik. Ang mga anak naman ng mga ito ay namumuhay ng normal at pilit itinatago ang kanilang mga kapangyarihan upang maki-ayon sa pamumuhay at takbo ng kanilang ginagalawan.
Ngunit, hindi lamang ang mga maalamat na bayani ang banta sa mundong ito kundi ang mga napadpad na mga estranghero na galing sa ibang planeta (alien). Ang mga ito ay nagpunta sa ating daigdig upang kumuha ng ating likas na yaman at sa huli ay sakupin ang mundo upang ipagpatuloy ang kanilang lipi.
Ang mga anak ng mga maalamat na bayani ang syang magliligtas sa pagsakop ng mga alien sa mundo na tinatawag ng mga mortal na "Dominators" dahil sa kakaibang lakas at mga kapangyarihan nito.
BINABASA MO ANG
Mobile Legends: Salvation
FanfictionA fan-fiction based and related to Mobile Legends: Bang Bang The second book after Mobile Legends: Apocalypse Disclaimer: No copyright infringement intended Synopsis: Tatlong taon matapos matagumpay na napigilan ni Luke ang "Apocalypse" o pagkagunaw...