Luke
"Zild!" sigaw ko sa pag-gising ko. Narealize ko na panaginip lang pala ang lahat. Pero kahit na panaginip yon, pakiramdam ko'y totoo yung nakita ko.
Bakit ba napapaginipan ko lagi ang mga masasamang mga bagay? Mas nakakatakot ito dahil nakita ko sa pangitain ko na mamamatay si Zild sa harapan ko at wala man lang akong magawa para iligtas ito.
Pagkagising ko ay nasa labas na ang iba naming makakasama. Masaya ko at dumadami na ang aming pwersa pero hindi pa din mawala sa isip ko yung tungkol sa panaginip ko. Lalo na nung nakita ko si Zild. Pakiramdam ko mauulit na naman yung nangyare noong muntik ko syang mapatay noon.
Humanap lang ako ng tyempo para makausap sya. Gusto ko sanang sabihin sa kanya yung tungkol sa panaginip ko pero ayoko namang sirain ang pagkakataon nyang makasama ang girlfriend nya.
Nagpasya na lang akong wag na itong sabihin sa kanya. Bukod sa magbibigay lang din ito ng takot at pangamba sa kanya, hindi ko na lang ito ipapaalam sa kanya, o kahit na kay Ana para na din sa kanya. Maaring isa lang itong panaginip, maaring kagaya ito nung sa mga una kong panaginip na nakikita ko ang sarili ko na ako mismo ang papatay at sasakop sa mundo pero hindi naman iyon ang nangyare. Siguro nga mali si Esmeralda noon, siguro nga ay maari talaga nating mabago at maiwasan ang nakatakdang mangyare sa hinaharap.
Maya-maya'y pinatawag kami ni Sab para pumunta sa may sattelite image at nakita namin na umaatake na naman ang conqueror sa at tinutumbok nito ang isang isla. Agad-agad kaming naghanda para puntahan ito at pigilan.
Gamit ang jet ay madali naming pinuntahan ang nasabing isla. Hindi namin nakita ang conqueror pero maya-maya'y nagkaron ng pagsabog mula sa ilalim ng dagat kaya nagdulot ito ng malalaki at malalakas na ahon.
"Vale, kaya mo bang pigilan to?" utos ko.
Inuna naming iligtas ang mga nasa isla. Nagkakagulo na ang mga ito dahil sa nakita nilang mataas na alon na nagbabadyang tumama sa pampang.
Gamit ang malakas na hangin, at ginamit nya na din ang lahat ng kanyang lakas ay pinigilan ni Vale ang matataas na alon pero hindi nya pa din ito napahinto. Nabawasan lang ang taas nito pero tatama pa din ito sa isla.
Maya-maya'y lumitaw ang isang familiar na babae at gamit ang kapangyarihan nito napahinto nito ang nagbabadyang mapanirang alon.
Laking gulat ng lahat nung ang mataas na tubig noon sa dagat ay hanggang bewang na lang ang taas.
"Ano ang bagay na yon?" tanong ni Sarah
"Sarah" gulat ko nung nagpakita sya matapos ang matagal na panahon. Tatlong taon na din ang lumipas at nagbago na din ang kanyang itsura.
"Luke, ano ang bagay na yun na sumisira sa mga anyong tubig at pumapatay ng mga buhay?" tanong nito
"Mahabang storya" sagot ko at nakita ko si Vale na nanghihina dahil sa pag-gamit ng buo nitong kapangyarihan. Inaalalayan sya ni Valir at Zild.
Lumapit din si Sarah dito at gamit ang kapangyarihan nito, gumapang ang tubig sa mga katawan nya at nanumbalik ang kanyang lakas.
"Salamat" sabi ni Vale at napansin ko na namula ang pisngi ni Sarah.
***
"Salamat at sumama ka sa amin, Sarah" sabi ko kay Sarah habang nasa bahay na kami. Nabigo na naman kaming makausap ang conqueror.
"Wala iyon, Luke. Ako lang ay nagtataka kung sino ang umaatake na nilalang na yon. At kung bakit nya sinisira ang planeta natin" sabi ni Sarah.
"Guys, tignan nyo" sabi ni Lance at mula sa sattelite image ay nakita namin mula sa ibat-ibang panig ng mundo ang pagkatuyo at pagkawala ng tubig sa dagat, ilog, at mga lawa sa ibat-ibang panig ng bansa.
BINABASA MO ANG
Mobile Legends: Salvation
FanfictionA fan-fiction based and related to Mobile Legends: Bang Bang The second book after Mobile Legends: Apocalypse Disclaimer: No copyright infringement intended Synopsis: Tatlong taon matapos matagumpay na napigilan ni Luke ang "Apocalypse" o pagkagunaw...