Luke
Pa-take off na yung jet na sinasakyan namin at papunta sa flagship ng mga alien. Pero habang nasa himpapawid kami ay napapatingin ako sa aking mga kasama.
Nasa tabing gilid ko si Ana, nasa likod ko si Vale at ang kambal nito. Sa dulo naman ay si Dea. Si Zild at Sab ang nagpi-piloto. Kasunod din namin si Saber kasama naman ang kanyang team (SABER squad) at kasabay naming lumilipad ang conqueror na kasama din naming susugod sa flagship ng mga alien.
"Stealth mode activated" sabi ni Zild at naglaho na kami para hindi makita ng alien ang pagdating namin.
"Dea, konting panago nga" utos ni Zild at gamit ang kapangyarihan nito ay gumawa sya ng makakapal na ulap na may kasamang kulog at pagkidlat.
[Sa spaceship naman ng mga alien ay napansin na nila ang pagdating nila Luke kaya pinaghanda na ng reyna ang mga ito]
Paglapag ng aming jet ay nakita na namin ang pinsala na gawa ng pagatake ng mga ito (dominators). Sa kabilang dulo ay nakahilera na din ang pwersa ng mga ito at hinihintay ang pagdating namin.
"Bilib din naman ako sa tapang at lakas ng loob nyo, Luke" sabi ni Lance.
"Hindi kami basta-basta susuko ng ganon-ganon lang, Lance" sagot ko at pilit kong pinapakalma ang sarili ko.
"Nasan ang ibang mga kasama namin?" tanong ni Zild
"Wag kayong mag-alala, ligtas sila" sagot nito na natatawa.
"Maghanda na kayo" sabi ko at kailangang magtagumpay ang aming plano.
Third person
Nahahati ang team namin sa tatlo. Ang unang team ay binubuo ni Luke kasama sina Zild, Ana at ang kambal na syang haharap sa mga dominators at sa ilang VENOM. Ang pangalawang team naman ay sina Sab, ang conqueror, at si Dea syang nasa itaas para labanan ang mga dominators na lumilipad o nakasakay sa sasakyang pandigma. At ang huling team ay ang SABER squad na sya namang magliligtas sa mga bihag nilang kasama.
Sa ibaba kung nasaan ang Emperor Scorpion at ang Lizard ay sinimulan na nilang umatake sa grupo nila Luke.
Nagpakawala ng mga bolang apoy si Valir para mapabagal ang mga ito. Gamit naman ni Vale ang hangin at gumawa sya ng isang malaking buhawi kaya ang mga ito ay nagpaikot-ikot sa ere.
Si Luke ang humarap sa Emperor at maingat na nilalaban ito dahil sa mga makamandag na patalim nito.
Si Ana ang lumaban sa Lizard at ang kambal naman ang lumalaban sa mga kasama nitong dominators.
"Ana, Luke! Tumabi kayo!" sigaw ni Valir at gamit ang kanyang kable ay agad hinila ni Ana si Luke at nagtago sa isang mataas na gusali.
Sinuntok nya ang lupa kaya lumikha ito ng malalakas na pagsabog na may kasamang nagbabagang apoy at lupa. Dahil sa pagyanig din ng lupa ay hindi maka-galaw ang mga ito dahilan para sila ay masunog sa apoy at magma na likha ni Valir. Ang Emperor naman at Lizard ay nakaligtas.
Nagpatuloy pa din ang paglalaban at ang mga dominators ay umaakyat sa gusali kung saan sinundan nila ang kinaroonan nila Luke.
Nakita naman ito ni Dea at gamit ang matatalim na kidlat ay pinatamaan nya ang mga ito dahilan para ang ilan sa kanila ay mahulog sa lupa.
Sa himpapawid naman ay nilalabanan nila Sab at ng conqueror ang mga aliens na nakasakay sa mga sasakyang pandigma. Ang mga ito ay madali lang din nilang napuksa kaya gamit ang machine gun ng jet ay pinaulanan ni Sab ng bala ang mga dominators na nasa baba.
Binato naman ng Lizard ang binuhat nitong kotse sa jet ngunit pinasabog na ito ng conqueror bago nito matamaan ang jet. Gamit naman ang kapangyarihan nito ay gumamit sya ng isang laser beam na nagpatumba dito.
BINABASA MO ANG
Mobile Legends: Salvation
FanfictionA fan-fiction based and related to Mobile Legends: Bang Bang The second book after Mobile Legends: Apocalypse Disclaimer: No copyright infringement intended Synopsis: Tatlong taon matapos matagumpay na napigilan ni Luke ang "Apocalypse" o pagkagunaw...